Huling Kabanata
Labag man sa loob ni Aaron ay hinayaan niya akong sumama kay Allen pabalik sa Maynila. Sa harap ng maraming tao ay parang normal lamang ang lahat sa pagitan namin ni Allen subalit kapag nagkakasarinlan kami ay halos magpatayan kami sa talim ng mga titig at salita namin. Ang ipinagpapasalamat ko lang kay Allen ay inilayo niya ako sa Bulacan habang isinasagawa ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Arzela. Isang buwan at mahigit din ang naging usap-usapan tungkol sa pagkamatay o pagpapakamatay ni Arzela hanggang sa unti-unting tumahimik ang tungkol sa isiping iyon. Isinara na ang kaso at ayon sa mga pulis ay isang aksidente lamang ang lahat at nakita din sa autopsy na may alcohol ang dugo ni Arzela. Ani ng mga pulis ay marahil ay lasing ito at nawalan ng balance sanhi upang malaglag sa veranda.
Bibihira lamang lumuwas si Aaron dahil masyadong na-depress si Rowena sa pagkamatay nang kanyang paboritong inaanak. Sinasamahan niya ito. Kapag gabi lamang kami nakakapag-usap na dalawa sa telepono, wala pa akong naiisip na plano upang makatakas kay Allen. Kung patayin ko na lang din kaya si Allen? Nagawa ko nga kay Arzela, hindi ba? Napagtanto kong hindi pala ako inuusig ng konsensya ko sa pagkamatay ni Arzela. She deserves it. Matagal na siyang balakid at kontrabida sa buhay. Baka naman karma niya iyon. Isa pa'y hindi ako naniniwala sa mga multo, malamang ay nasa impyerno na iyon ngayon. Sa imperno naman din ako mapupunta, magkita na lamang kami doon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makawala kay Allen at makasama si Aaron.
Sa maikling panahon na nakasama ko siya ay nahulog na ang puso ko sa kanya. Malalim at mahirap umahon. Malayong-malayo sa naramdaman ko kay Allen. Kailangan ko na makaisip ng plano para sa aming dalawa ni Aaron. Sa makalawa ay uuwi na kami sa Bulacan para asikasuhin ang engagement party na gaganapin naman sa Sabado. Maaga lang kaming uuwi dahil may pre-nuptial photoshoot pa kami ni Allen bago ang araw ng party. Bago pa man ang Sabado ay dapat may konkreto na akong plano, kailangan din ay malaman iyon ni Aaron para maihanda na niya ang paglayo namin. Mas magiging madali sana ang lahat kung hindi lang nakialam at namatay ang pesteng Arzela. Nahihirapan tuloy akong magdahilan kay Aaron kung bakit kailangan naming lumayo kay Allen. Hindi sapat na rason na pinagbabantaan niya ang pamilya. Ipaglalaban ko si Aaron hanggang sa kamatayan. Kahit pumatay pa ako. Walang makapaghihiwalay sa akin kay Aaron. Siya ang nagpadama sa akin kung paano ba mahalin ng tama. Na hindi ako dapat mag-settle sa kung sino lang. Na hindi ako karapat-dapat tratuhing parang puta ni Allen. Na may magmamahal pa pala sa akin ng buong-buo. Kay Aaron ko naramdaman ang contentment. Siya na talaga. Nasa kanya ang hangganan kung hanggang saan ako maaaring magmahal.
"Masquerade ball daw ang gusto mong theme sabi ni Olga?" bungad sa akin ni Allen nang magtungo siya sa silid ko. Kasalukuyan akong naglalagay ng make up. Ngayon ang araw ng pagbalik namin sa Bulacan. Hindi niya ako napilit na pansamantalang tumira sa condo niya habang nandito kami sa Maynila. Mahihirapan akong makausap si Aaron sa cellphone kapag nasa paligid niya. Buti na lamang at kahit hawak ako sa leeg ni Allen ay hindi na niya ako pinipilit sa mga bagay na ayaw ko. Hindi na rin niya ako sinasaktan at sa tingin ko ay nagtatry naman siyang mag workout ang pagsasama namin. Aba dapat lang. Siya lang naman itong may gustong makasal kahit tahasan ko na ipinapakita na wala na talaga akong nararamdaman sa kanya ni katiting. Respeto nga ay wala ako kay Allen, pagmamahal pa kaya? Dati meron, iba na ngayon. Kung sana noon pa siya nagbago nang ganiyan.
"Oo. Bakit may problema ba doon? Siguro naman ay ako ang masusunod sa gusto kong kasal, Allen? Minsan lang ako ikakasal, 'wag ka na makialam." Nagbuntong hininga si Allen at tumabi sa akin habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Malamlam ang kanyang mga mata at para bang pagod na sa araw-araw naming pagtatalo. Hanggang kailan kaya itong pagpapasensya ni Allen? Sooner or later, alam kong sasabog na din siya. Hindi siya ang tipo ng lalaki na mapagpasensya. Nang-uuyam akong ngumisi at ipinagpatuloy ang paglalagay ng lipstick.
![](https://img.wattpad.com/cover/24766807-288-k839070.jpg)
BINABASA MO ANG
Midnight Lover Special Story: Victoria
RomanceMasaya ang buhay ni Victoria sa piling ng kanyang nobyong si Allen. Kahit na hindi naman siya nakaka-angat sa buhay ay minahal pa rin siya nito at madalas ipagtanggol sa matapobre nitong ina. Perpekto na sana ang relasyon nila nang yanigin ng pagdat...