Kabanata 1

17.4K 208 10
                                    

Kabanata 1

"Nakakahiya ka Gab! Para kang patay gutom" saway ni Victoria sa kapatid niyang akala mo hindi pinakain ng ilang araw dahil punung puno ang bibig nito. Ang totoo ay kay Allen siya nahihiya dahil inilibre na naman sila nito ng tanghalian.

"Ate wala na nga pala tayong pambayad sa kuryente at tubig kailan ka ba susuweldo? Saka yung pinangako mong cellphone sa akin nasaan na?" mariing pumikit si Victoria sa kinikimkim na inis para sa kapatid na si Gabriel. Maaari naman nitong sabihin ng pribado iyong mga problema at gastusin nila sa bahay ngunit bakit kailangan pang iparinig iyon kay Allen. Lalo tuloy siyang napapahiya sa nobyo.

Dalawang taon nang nobyo ni Victoria si Allen at halos magimbal ang lahat ng tao sa paligid nila dahil si Allen ang CEO ng pinapasukan niyang kompanya kung saan ay isa siyang Company/Occupational Nurse. Mabilis ang mga pangyayari at balewala naman rito kung ang iniisip ng lahat ay pineperahan lamang niya ang binata. Kaya naman nahihiya siya kapag naglalabas ng pera si Allen para tumulong sa gastusin ng kanyang pamilya, ayaw niyang patunayan sa mga rito lalo na sa matapobre nitong ina ang chismis na gold digger siya.

Sino nga bang hindi magtataka kung ang isang katulad niyang company nurse at iginapang lamang sa pag-aaral ng mga magulang ay magiging nobya ng isa sa mga eligible bachelors ng bansa. Kilala ang pamilya Reyes sa bansa habang ang pamilya naman niya'y kilala lamang sa eskinitang tinitirhan nila sa may Tondo. Malayong-malayo ang buhay na kinagisnan niya sa buhay na mayroon si Allen.

"Sa makalawa pa ang sweldo ko kaya manahimik ka riyan Gab. At saka paano naman kita bibigyan ng cellphone kung P.E class mo nga lang ay ibinabagsak mo pa." napabuntong-hininga na lamang si Victoria at nahihiyang ngumiti sa katabi nitong si Allen na kanina pa naaaliw sa magkapatid. Mas lalong sumimangot ang magandang mukha ng dalaga ng makita niyang hinugot ng nobyo ang wallet nito mula sa likod ng pantalon.

"Allen." suway niya sa nobyo ngunit nakaka-unawa lamang itong tumango at kumuha ng ilang libo at inabot sa nangingislap na mga mata ni Gab.

"Hiramin mo muna 'to pambayad sa kuryente at tubig dahil baka maputulan kayo, bahala na ang ate mo sa cellphone na ipinangako niya. Pagbutihan mo ang pag-aaral mo para naman may katulong na ang ate mo sa pagtatrabaho." wala na lamang nagawa si Victoria kundi lamunin ng kahihiyan dahil sa ginawa ni Allen.

Pakiramdam niya'y isa siyang pulubi na nililimusan ni Allen sa tuwing ginagawa niya ang bagay na 'yon. She doesn't want to feel that way lalo pa at madalas sa kanyang ipamukha iyon ng ina ni Allen. Kaya lang daw niya gustong maging nobyo si Allen ay para maambunan ng yaman nito. She smirked at that thought. Dalawang taon na rin niyang tinatanggap ang pang-iinsulto nito hindi lamang sa kanya pati na rin sa pamilya niya, hindi siya magtitiis ng ganoon kung hindi naman totoo ang nararamdaman niya para kay Allen. Kung sana'y ipinanganak din siyang mayaman ay hindi sana ganito ang kapalaran niya.

Parehas na guro ang kanyang mga magulang ngunit napilitang mag-retiro ng maaga ang kanyang ama dahil na-stroke ito. Simula noon ay ang ina na lamang niya ang inasahan nila at muntik na nga siyang hindi makatapos dahil sa bigat na rin tustusin ng kanyang kurso. Sa ngayo'y retirado na rin ang kanyang ina kaya naman siya na lamang ang inaasahan ng kanilang pamilya lalo na sa pagpapa-aral sa bunso niyang kapatid na si Gabriel.

"Salamat Kuya! Buti ka pa hindi kuripot." inismiran siya ng kapatid habang tuwang-tuwa na ibinubulsa ang ilang libong nasa mga kamay nito. Wala naman talaga siyang mailalabas na pera sa ngayon at sawa na rin siya sa pagbibigay sa mga rito lalo pa't kung waldasin ng pamilya niya ang kanyang pera ay para bang namumulot lamang siya ng pera.

"You don't have to do this Allen. Alam mong ayoko ng ganito." may himig pagtatampo ang kanyang tinig ngunit binalewala lamang ito ng binata. Iyon ang isa sa ayaw niya sa ugali ni Allen, kung ano ang gusto nito ay dapat siyang nasusunod.

Kung sabagay ay mataas naman talaga ang posisyon ni Allen sa kompanya kaya hindi na siya nagtataka kung bossy ito at hindi sanay kapag sinusuway ang mga gusto nito. Mahal niya ang nobyo at lahat naman ng atensyong gusto niya ay binibigay nito natatakot nga siya minsan na baka hindi niya matumbasan ang labis na pagmamahal sa kanya ni Allen.

"I love you that's why I'm doing this." masuyo nitong usal habang hinahalikan ang kanyang kamay.

"Kailangan ko pa bang sumama sa probinsya ninyo? Bakit hindi nalang dito sa Maynila ganapin ang party?" naalala niyang uuwi nga pala ang kakambal ni Allen mula America. Ngayon lamang niya iyon makikilala at kinakabahan siya na baka hindi rin siya magustuhan nito idagdag pa na kailangan niya ulit pakisamahan ang ina ni Allen na wala na namang ibang gagawin kung hindi laitin siya at insultuhin.

"Kung ako lang ay ayoko dahil hindi naman kami magkasundo ni Aaron pero kailangan dahil ito ang gusto ni Mama. Sa kasal natin ay hindi ko iimbitahan ang kapatid ko." Wala siyang alam kung bakit mabigat ang loob ni Allen sa mismong kakambal pa nito at hindi na siya nagtatanong pa dahil ayaw iyon ng nobyo. Iba kung magalit si Allen kahit pa napakabait nito sa kanya.

Gulat na gulat siya ng minsang magalit ito. Animo ito halimaw at natakot siyang lumapit dito ng ilang araw. That day ay ipinangako niya sa sariling hindi na gagawa pa ng bagay na ikakagalit ng nobyo. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang kaliwang pisngi at matamlay na tumango kay Allen. Siguro'y mainitin lang talaga ang ulo nito kaya naman hinahayaan na lamang niya kahit sa loob niya ay alam niyang hindi tamang saktan ng isang lalaki ang nobya nito.

"Pumunta tayo sa Bulacan dalawang araw bago ang party para maipakilala kita sa mga pinsan kong darating din." Ngumiwi si Victoria dahil sa bagay na 'yon. So kailangan ko palang harapin lahat ng matapobre niyang pamilya. Paniguradong mamatahin na naman siya at wala siyang magagawa kundi tumahimik nalang sa isang tabi. She hates that!

Hindi naman ako ipinanganak kahapon para insultuhin lang kung may magagawa lang sana ako. Nagsasawa na rin ako sa ganitong buhay, pasalamat sila at mahal ko talaga si Allen dahil hindi ako magtatiyagang sikmurain lahat ng panglalait nila. Asik ni Victoria sa kanyang isip habang kuyom ang kamao. Mahal ni Allen ang kanyang ina kaya naman hindi siya nagtatakang magreklamo tungkol rito lalo na't alam niyang hindi siya kakampihan nito kailanman.

All she ever wanted was a man who could protect and stand by her side.

Matapos kumain ng tanghalian ay inihatid na ni Allen ang magkapatid sa apartment ng mga ito. Tahimik at walang imik si Victoria habang sinasariwa sa isip niya ang ilang taong pinagsamahan nila ni Allen. Bakit parang may kulang? Yes, I love him at kailanman ay hindi ako nagduda sa nararamdaman ko para sa kanya. Nagbuntong hininga na lamang siya at tipid na nginitian ang nobyo. Naalala niya tuloy kung gaano nito pinukaw ang puso niya noong una silang magkakilala.

"Stop staring at me" puna niya kay Allen na kanina pa pala nakatitig sa kanya at masuyo siyang nginitian.

"I really love your eyes Vicky. Nakakalunod kang tumitig." iyon ang madalas mapuna sa kanya ng mga tao ang kanyang mala-tsokolateng mga mata na madalas daw ay kumikislap at mapupungay.

"I'm obssessed to that beautiful pair of eye. I will love you until eternity. Hanggang kamatayan ikaw pa rin ang mamahalin ko."

itutuloy...

Midnight Lover Special Story: VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon