Kabanata IX
Pagkatapos ng naging pagtatalo namin ni Allen ay dumiretso ako sa may komedor na para bang walang nangyari. Hinawakan ko ang pisngi kong ngayon ay kumikirot na, paniguradong nagkapasa ang sampal ni Allen sa aking pisngi. Nagngitngit ang dibdib ko habang minamasahe ito.
Naabutan kong nasa mayhapag-kainan sina Rowena, Aaron at si Arazela. At kailan pa siya nakabalik dito? Silang dalawa talaga ni Allen ang kontrabida sa buhay ko. Napansin ko ang paninitig ni Aaron sa may mukha ko kaya naman agad kong hinawakan ang pisngi ko. Malaki ba talaga ang pasa? Pasimple na lamang akong umiling nang ikuyom niya ang kanyang kamao. Napagtanto na niya siguro kung anong nangyari kung bakit nahuli kami ni Allen para sa almusal.
"Good Morning." tikhim ni Allen mula sa likod ko. Napaismid ako nang pisilin pa niya ang balikat ko.
Kanina lang ay nakaluhod siya sa harap ko at nagmamakaawa sa akin na huwag siyang iiwan ngunit ngayon nama'y umaasta siyang parang ayos ang lahat sa kanya. If I know ay nagugunaw na ang mundo ni Allen. Hindi niya matatanggap na mawawala ako sa kanya at mas lalo niyang ikamamatay kung mapupunta ako sa kapatid niyang labis niyang kinaiinggitan.
Palagi man akong sinasaktan ni Allen ay hindi ko maitatanggi na kayang-kaya ko siyang ipitin sa kanyang leeg. Isa ako sa mga obsesyon ni Allen, mababaliw siya kung mawawala ako. Ang obsesyon niya sa akin ang gagamitin kong instrumento para mawala na siya nang tuluyan sa buhay ko. Matagal na akong tapos sa kanya. Sisiguraduhin kong ang pag-ibig ni Allen para sa akin ang mismong papatay sa kanya.
"Good morning." ngiti ko sa kanilang lahat. Nagtataka lang akong binalingan nina Rowena at Arazela.
"Gusto ko lang malaman mo Rowena na baka ito na ang huling beses na makikita mo ako. Congratulations! Hindi na matutuloy ang engagement namin ni Allen. I am so done!" nakangiti ko pa ring saad kahit na itinaas lamang niya ang kanyang kilay. Akmang magsasalita si Aaron nang maunahan siya ni Allen. Agad hinawakan ni Allen ang kamay ko at pinisil ito. Ipiniglas ako ang aking kamay.
"Hindi ba't sinabi ko sa iyo na oras na dumantay na naman yang kamay mo sa aking mukha ay tapos na tayo? Hindi mo na ako mapipilit. Tapos na ang lahat! Wala ng kasalan na magaganap!" sigaw ko sa kanya. Pinigilan ko ang mapangisi nang nagsimula ng humagulgol si Allen. Tatayo na sana ako nang yakapin niya ako sa aking baywang at para bang batang umiiyak sa may tiyan ko. Kung pwede lang humalakhak ako sa harapan nilang lahat ay ginawa ko na. Gusto kong patunayan kay Rowena na baliw na baliw sa akin ang anak niya. Kitang-kita ko ang pagkapahiya ni Rowena habang kuyom ang kanyang kamao.
"Allen! What the heck are you doing?! Basura lang ang babaeng 'yan! Are you fucking nuts?!" gigil na wika ni Rowena habang pinipigilan siya ni Arazela na mukhang gulat na gulat sa nasasaksihan niya ngayon.
"BITCH!!!" sigaw pa ni Rowena. Umismid lang ako habang pilit na kumakawala sa mahigpit na yakap ni Allen.
"Pwede ba Ma!" sita ni Aaron sa kanyang Mama. Ayoko sanang masaksihan ni Aaron ang lahat ng ito subalit wala na akong magagawa.
"'Wag mo akong iwan Victoria! Patawarin mo na ako sa lahat! Nagmamakaawa ako Victoria! Hindi ko makakaya kapag nawala ka sa akin. Ikamamatay ko Victoria! Mahal na mahal kita!" tumaas ang kilay ko sa mga sinabi niya at nagtangis ang mga bagang ko. Mamatay ka na! Mamatay ka na ngayon pa lang!
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako namuhi nang ganito sa isang tao. Iyong pagkamuhi na kamatayan lang niya ang magpapagaan ng loob ko. Alam kong masama ang mga naiisip ko subalit kung ang kamatayan lang ni Allen ang magiging kalayaan ko mula sa kanya ay hindi ako mangingiming gawin iyon. Walang awang inalis ko ang pagkakayakap ni Allen sa akin at umalis na.
BINABASA MO ANG
Midnight Lover Special Story: Victoria
RomanceMasaya ang buhay ni Victoria sa piling ng kanyang nobyong si Allen. Kahit na hindi naman siya nakaka-angat sa buhay ay minahal pa rin siya nito at madalas ipagtanggol sa matapobre nitong ina. Perpekto na sana ang relasyon nila nang yanigin ng pagdat...