Kabanata VIII
Nang mga sumunod na gabi ay lagi pa rin kaming nagkikita sa aming tagpuan at hindi ko maipagkakamali ang excitement na nararamdaman ko sa tuwing sasapit na ang alas dose ng gabi. Nakakalimutan ko ang lahat kapag kasama ko siya at lagi kong hinihintay ang oras na makakasama ko na siya. Nakakatakot ang ganitong palihim naming pagkikita pero mas lalong nag-aalab ang kagustuhan ko na makita siya.
Sampung minuto bago mag alas-dose ay pumunta na ako sa aming tagpuan at nagbasa na lang ako ng libro habang hinihintay si Aaron. Hindi ko maitago ang mga ngiti ko habang nakatanaw sa labas ng kubo. I've never been this so happy at ayoko nang mawala pa ito sa akin. Kung ano man itong namumuong feelings ko kay Aaron ay hindi ko ito pipigilan.
Kinagat ko ang labi ko nang makita ang pigura ni Aaron habang may hawak itong flashlight at paper bag. Habang papalapit siya sa akin ay mas lalong kumakalabog ang puso ko. Gusto ko siyang takbuhin at yakapin na para bang siya lang rin ang makakapagpakalma sa kumakabog kong dibdib. This feeling is so overwhelming. Ikinuyom ko ang mga kamao upang mapigilan ang sarili ko. I'm falling for him.
Napaawang ang mga labi ko nang sinalubong niya pa ako ng matamis na ngiti. Hindi ko napigilan ang mapatitig sa kanyang mapupulang labi. I just want to kiss those lips. Kanina pa lamang na iniisip ko siya ay hindi ko na alam kung paano ikakalma ang sarili ko, at ngayong nasa harap ko na siya ay mas lalong nag-uumapaw ang nararamdam ko.
"I brought food!" nahawa na rin ako sa pag-ngisi ni Aaron nang i-abot niya sa akin ang isang supot na naglalaman ng street food. I laughed when he wrinkled his nose. Kinulit ko siya para lang bilhin ito. Parehas sila ni Allen na pihikan sa pagkain lalo na sa street food.
"Nangamoy usok yata ako." Inamoy pa niya ang kanyang suot na polo shirt kaya naman mas lalo akong natawa. Inilapag ko ang supot sa may lamesa at inisa-isa itong tignan. Nagtaas ako ng kilay nang ngumiwi si Aaron ng makita niya ang betamax at isaw. Ito pa naman ang paborito ko sa lahat.
"Buti at may nabili kang ganito?" nagkibit-balikat lang si Aaron at tumabi sa akin. Napalunok ako nang maamoy ang bango niya. Huminga ako nang malalim upang pigilan ang pag-amoy sa kanya. Ang creepy!
"This is province, Vic. Ah! Sa may kabilang barangay ako nakabili niyan. I don't know what it is but I think fiesta doon. There's this place like a mini carnival or somethin---" susubo na sana ako ng isaw pero natawa talaga ako sa paraan ng pagkakadescribe ni Aaron. Para bang confuse na confuse siya.
"It's Per-ya" muli akong napahalakhak nang wala siya sa sariling tumango kahit halata namang wala siyang naintindihan.
"Pumunta tayo doon sa susunod na gabi. Masaya doon. Matagal na ako noong hindi ako nakapunta roon." Tumango na lamang si Aaron habang nandidiri niyang pinanood noong isinubo ko ang betamax. Tumango-tango pa ako nang malasahan ang tamis nito. Gosh! Namiss ko ito! Ayaw kasi akong pakainin nito ni Allen, atleast si Aaron ay ibinii ako nito kahit hindi niya ito gusto.
"Wanna try? Hindi ka na makakatikim nito kapag bumalik ka na sa New York. Who knows di ba kung kailan ka makakabalik ulit dito." Isusubo ko na sana iyong pagkain sa kanya nang sinalubong niya ang kamay ko. Ang akala ko'y hahawiin lang niya ang kamay ngunit kumalabog ang puso ko nang hawakan niya ito at ibinababa. Nanatili ang mga mata ko sa aming mga kamay. Kahit na madalas kaming magkasama tuwing hating-gabi dito sa may kubo ay ngayon lang nagdantay ang mga balat namin.
Hindi ko alam kung paanong titingin sa mga mata ni Aaron lalo pa noong magsalita siya. Para bang sasabog na ang puso ko sa lakas ng kalabog nito. Ang init ng kanyang kamay ay para bang nanalaytay sa bawat hibla ng dugo ko papunta sa may puso ko.
BINABASA MO ANG
Midnight Lover Special Story: Victoria
RomanceMasaya ang buhay ni Victoria sa piling ng kanyang nobyong si Allen. Kahit na hindi naman siya nakaka-angat sa buhay ay minahal pa rin siya nito at madalas ipagtanggol sa matapobre nitong ina. Perpekto na sana ang relasyon nila nang yanigin ng pagdat...