PANIMULA

198 0 0
                                    

PANIMULA

                Alam niyo ba minsan yung pakiramdam na parang bigla mo na lang gustong igalaw ang iyong mga kamay at daliri… at simulan gumawa ng istorya? Ako….??? Ngayon heto nararamdaman ko mula sa aking dugo hanggang sa aking utak na unti-unting nagtutulak na gumawa ng isang kakaiba at simpleng kwento…

                KAKAIB A dahil medyo nangyari ito sa TOTOONG BUHAY sa loob ng isang araw at simple dahil ganun ako. Bakit medyo? Malalaman niyo sa dulo ng istoryang ito, oo maikling kwento lang naman ito pero sana mabasa ito ng mga taong pinag-aalayan ko (na sa dulo ng istoryang ito ay aking babanggitin).

Bakit nga ba ngayon lang ulit ako nakagpagsulat? Eh kasi naman ngayon lang ulit nagkasembreak na sa kabila ng aking pagluha, pag-iyak at paghagulgol nuong dalawang linggong nakaraan, eh ngayon lang pina-alala sa akin ng big brother sa taas kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Kung bakit sa bawat PAMAMAALAM ay kailangan nating malungkot samantalang may PANIMULA naman na uusbong (hahaha masyado- bang tagalog? Pasensya na ganito lang talaga ang inyong nag-iinarteng awtor… hahaha)

                O sige, tama na itong mahabang panimula at sisimulan ko na ang KWENTO NG ISANG ARAW SA BUHAY KO.

pamamaalam at panimula (a true to life story <3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon