II. KASAMA KA DOON

68 0 0
                                    

I.                    KASAMA KA DOON

Nauna akong sumakay sa elevator at sumunod siya, pinindot ko ang 6th floor at 3rd floor naman sa kanya. 

Ngunit hindi pa kami nagtatagal ay biglang huminto ang elevator.

Kinutuban  na ako ng masama, naku hindi pwedeng mangyari ito, hindi maaring mangyari ang nasa isip ko. Pero huli na ang lahat….. nangyari na ………..

                Tuluyan nang huminto ang elevator, may tumunog na malakas at unti-unting namatay ang ilaw sa loob. Hindi naman sa natatakot ako pero talagang kinakabahan ako.

Una dahil, huli na ako sa make-up class namin,

pangalawa dahil siya ang kasama ko at

pangatlo kinakabahan ako sa lahat ng posibleng mangyari.

Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya… pagkatingin doon sinabi niya na walang signal.. haay… grabe ang malas ko ba talaga ngayong araw na ito?

Umupo siya sa isang sulok at nanahimik, samantalang ako, pinindot ung parang speaker sa pindutan ng elevator at sumigaw para humingi ng tulong. Ilang beses kong ginawa iyon, mga sampung beses siguro, kinalampag ko na din ang pintuan ng elevator, pero napagod din ako at nanghihinang umupo sa kabilang sulok, katapat niya.

“Lex, may pangtext ka ba o pangtawag, kailangan natin ng tulong” nag-aalala kong sinabi.

“Meron, pero Drianne, sinabi ko na sayo na walang signal dito sa loob ng elevator di ba? Ganun din yung una kong naisip, pero parehong network sa cellphone ko walang signal. Sa tingin ko naman ginawa mo na ang lahat ng pagsigaw diyan sa tapat ng speaker phone nitong elevator, pero wala pa din, kaya maghintay na lang tayo”mahabang paliwanag ni Lex.

“Teka, anong gagawin natin dito?”

“Drianne, kaysa matakot ka diyan o mataranta huminahon ka na lang, mag-usap na lang tayo pero kung ayaw mo, matulog o kaya manahimik na lang. sigurado naman ako darating din yung mga tutulong sa atin. Tsaka ok na ito, magkasama naman tayo eh kesa mag-isa di ba?”

Tss. Kahit kailan talaga ito si Lex mukhang mahinahon, mukhang walang problema kahit madami naman. May punto naman siya eh. Mabuti na ito kaso dalawa nga lang kami…

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, 10 minutes pa lang mula noong nakulong kami dito.

Pinagmasdan ko si Lex na ngayon ay nakatagilid ang mukha may earphone din sa tenga niya pareho ko. Pansin ko lang na-miss ko talaga itong lalaking ito hindi lang dahil sa cute siya o mahal ko siya kundi dahil minsan naging isang tunay na kaibigan ko siya at kasama sa lahat ng oras. Ngayon, muli kong napatunayan sa sarili ko na ang laki ng nawala sa pakikitungo naming sa isa’t-isa

Tinitigan ko maigi ang mukha niya, humaba na ang buhok niya kaysa nung huli kaming magkita, bagay naman sa kanya kung nakataas o nakababa ung bangs niya. Maganda pa din ung mga mata niyang brown na parang mga almonds, yun nga lang may eyebags. Pero pareho lang naman kami na may eyebags, paano, finals week kasi. Hindi rin siya nakasalamin ngayon, siguro kasi hindi pa naman siya nagbabasa at kagagaling lang sa biyahe kaya hindi na niya nilagay. Tumaba siya, ganon naman siya pag stressed eh tumataba. Pumuti din, naalala ko nung unang taon naming sa high school ang puti puti niya. Hahaha ang cute niya noon. Sobra. At ngayong pareho kaming naka-uniform bagay talaga sa kanya ang polo barong na uniform.

Napatagal ata ang pagtitig at ko sa kanya kasi bigla siyang lumingon sa pwesto ko at nagulat ako sa pagtingin ng mga matang iyon sa akin.

“Bakit?” tanong ni Lex.

“Ah wala, napansin ko lang andaming nagbago mula noong highschool” pag-iwas ko ng tingin sa kaniya. Tinanggal ko na din ung high heels ko at iniunat ang mga paa, pencil cut po kasi yung style nang uniform namin. Alam niyo yun, hanggang tuhod lang yung haba tapos medyo hapit sa legs kaya ayun, limited lang makagalaw kapag naka-uniform at mahirap mag Indian seat pag ganon ang suot. Itinabi ko na din yung backpack ko sa tabi ko. (isipin niyo na lang nakahigh heels, pencil cut na palda at nakaback-pack? Hahaha ganito ako eh, pangbabae naman kasi ung bag kaya ok lang)

“Ganito talaga, ang pagbabago lang ang permanente sa mundo” sabay ngiti ni Lex sa akin. Haay… nilabas na naman niya yung pares ng dimple niya. Grabe na miss ko din yun.

“Oo, alam ko, ako nagsabi sayo nun eh, dati pa”

Nanahimik na naman siya pero ngayon nilabas niya na ung cellphone niya at tinanggal ang earphones sa tenga.

“Drianne…..”

“Bakit?”

“uhm… …Kamusta ka na? matagal na din kasi eh” nakatitig niya pa ding sagot sa akin

Grabe talaga pag siya na yung tumititig sa mata ko parang di ko mapigilang tumingin pabalik at doon na lang tumingin.

Drianne Hera Perez, tumigil ka! Tapos na ang lahat hindi na maibabalik pa. Pero siyempre kailangan kong sumagot, dalawa lang naman kami dito sa malaking metal na kahon alangan naman na hindi kami mag-usap.

“Eto ok naman buhay pa sa kurso ko kaya pa naman” kahit na halos mamatay ako sayo noon talagang mamatay-matay at kinakaya pa kahit wala ka na sa tabi ko, kahit na pinasanay mo akong nandito ka lang lagi. “Eh, ikaw? Kamusta ang buhay-buhay mo?” hindi ko na sinabi yung isa kasi alam mo na… nahihiya pa rin ako.

“Umiikot sa accounting ang pag-aaral, buhay pa din at kahit papano kontento sa mga nangyayari” Saad ni Lex.

Hmp… buti pa siya kontento, ako? Hindi ko alam kung paano basta alam ko nakikidala na lang sa pag-ikot nang mundo. Isang taon na rin ang nakaaraan na ganoon ako.

Namayani na naman ang katahimikan sa aming dalawa. Pero binasag ko na din ang katahimikan kasi malay natin sa pagsasalita kong ito mabago na din ang iilang mga bagay na matagal nang tanong sa isipan ko.

Kasama ng inipon kong lakas ng loob nuong mga oras na yon, tinimbang ko ang sarili ko. At napagdesisyonang,  sige na nga itatanong ko na para kahit ako maging kontento na rin.

“Lex, masaya ka ba?” sinabay ko na ang pilit na ngiti. "ay teka pala, wag mo na akong tawaging Drianne, Drew na lang, kasi yun naman talaga yung tawag mo sa akin di ba?"

Napansin kong bigla siyang nanahimik at nag-isip.

“ah ok, pero yung tanong mo kung masaya ba ako, Saan yun? Sa nangyayari sa pag-aaral?

siguro, oo kahit naman noong una na hindi ko pa alam yung kukunin kong kurso sinabi ko na sa sarili ko na eto na yun, wala nang bawiin pa” pero nung mga sinagot niya ang mga katagang ito nang hindi man lang tumitingin sa akin, alam ko na parang sinagot niya din yung talagang tanong ko kahit parang hindi niya nakuha. Ang gulo ko ba?  Oo magulo talaga, tanggapin na natin iyon, lalo na yung sitwasyon naming ngayong dalawa.

Sa kabila ng pananahimik ko at pag-iisip sa mga sinabi niya, umusog siya ng kaunti at tumabi na sa akin.

May isang parte sa sarili ko na masaya na kahit papaano sa mga nangyayari, at hindi ko alam kung bakit.

“Pero sa totoo lang, marami akong gustong sabihin sa mga tao lalo na yung mga matagal ko nang kaibigan…………..” nang sinabi niya ito, ayaw ko siyang titigan kasi alam ko na nakatitig siya sa akin na tagos hanggang sa puso ko. 

“at kasama ka doon Drew”

pamamaalam at panimula (a true to life story <3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon