VI. PAMILYA

89 0 0
                                    

VI. PAMILYA

Napagdesisyonan kong manahimik na lang muna matapos yung katanungan kong iyon, kinuha ko yung earphone ko at namili nang papakinggang kanta sa cellphone ko, pero natigilan ako kasi

Bago ko pa mailagay yung earphone sa tenga ko,

Hinawakan na niya yung kanang kamay ko na mas malapit sa kinauupuan niya.

“Pasensya ka na Drew, may tatanong lang ako” mata sa mata nakatingin niya sa akin

Para naman di niya maramdaman na naiilang na naman ako sa kanya, ngumiti na lang ako habang sinasabi na “Sige go lang Lex, ano ba iyon?” kahit ramdam kong ang peke talaga nang ngiting ipinakita ko sa kanya.

“Kamusta na pamilya niyo?” napangiti ako pero this time, totoo na kasi kahit papano bilang kaibigan, nag-tatanong pa din siya tungkol sa pamilya ko.

“Alam mo kasi , naalala ko lang na ako pala yung unang tao na pinagsabihan mo tungkol doon sa pamilya mo.”

“Sa ngayon ok naman kami, eh kayo nang tita mo? Nag-kakausap ba kayo nang papa mo?” nagtanong na lang rin ako para maging komportable kahit papano.

“Si Auntie (kapatid ng mama niya) ayun nagretire na sa sa school naten nung highschool, right after nung birthday niya, na September din, ok naman kami ni Tatay” nakangiting sagot niya.

Nanahimik ako kasi wala naman na akong ibang masasagot.

“Pero Drew ok na ba kayo ng stepfather mo?” nagtanong na naman siya.

“Ginagawa kong maging ok kami, minsan ok na pero hindi naman kasi maiiwasan na magkaiba kami nang gusto at pinaniniwalaan kaya may hindi talaga pagkakasundo, pero mas ok na ngayon kaysa noong high school tayo….

.

"Lex wag ka magagalit sa tatanong ko huh…” nagdadalawang isip ako, pero kasi gusto ko talagang malaman hanggang sa hindi ko na napigilan yung kadaldalan ko at nasabi kong.

“Ano kinamatay ng mama mo? Pero ok lang kahit di mo sagutin kasi baka alam mo na masyadong personal, baka matulad nang sa kanina.. sorry nga pala tungkol doon dapat d-”

“Cervical Cancer” matipid niyang sagot habang ako natigilan doon sa pagdadahilan ko sa kaniya.

Nakayuko lang siya nuong sinagot niya yon, pasensya na natamaan ko naman iyong pagiging sensitive niya. Kasi gusto ko talagang kahit ngayong lang maibalik ang turingan namin sa isa’t isa na open pagdating sa usapang pamilya.

“ ikaw? Namimiss mo ba yung papa mo?” nakayuko pa din siya habang nagtatanong sa akin.

“Ah, oo, n-nnaman” pautal-utal kong nasabi.

Hanggang sa di ko namalayan na ako na yung nag-oopen up sa kaniya.

“Lex, miss na miss ko na si Papa, yung parang yakap niya lang ok na, hindi ko iniisip na mag-alala dahil makakapag-aral pa ako, yung tipong gagalingan ko mag-aral kasi siya yung magsasabit nang medalya sa akin, yung nandyan si Papa na nag-aalaga sa akin, nagpapatahan sa akin, na magsasabing ok lang ang lahat wag ko nang problemahin dahil siya na yung bahala, yung magpapaalalang di ko na kailangang magtrabaho kasi siya na yung nagbibigay nang lahat nang kailangan ko. Pero, iba eh, wala na siya at di na magbabalik” nakatingin ako sa kawalan habang nagsasalita, gumagaralgal ang boes ko habang nagsasalita at nanginginig na din ako.

Sumunod na lang na alam ko, tumabi siya sa akin hinawakan nang kaliwang kamay niya yung kamay ko sa kaliwa at inakbayan niya ako gamit ang kanang kamay niya, nakasandal na din yung ulo ko sa kanang balikat niya.

Bakit?

Kasi umiiyak na ako hindi ko na napigilan na ipakita sa kaniya yung kahinaan ko. Hindi ko na napigilan na ipakita muli ang iyaking si Drianne Hera.

Sa kabila nang pagtulo nang mga luha ko at paghikbi, nagsalita siya.

“Ako din, namimiss ko si nanay pero hindi naman titigil yung mundo sa pag-ikot kahit magmukmok ako sa isang tabi di ba?, tsaka nandyan lang si nanay nakatingin binabantayan tayo. Ok lang naman na umiyak paminsan-minsan kasi mas nakakabuti iyon na malabas yung nararamdaman kaysa patuloy na itago kasi baka sumabog na lang bigla at hindi mo kayanin. Naalala mo ba noong JS Prom naten?”

Hindi ako sumagot sa tinanong niya pero alam ko na alam niyang natatandaan ko yung sinasabi niya.

--==“FLASHBACK”==---

March 9, 2007

JS Prom namin, hindi ako excited at wala akong balak pumunta, hindi naman ako kasama sa cotillion eh, pero dahil na din kay mama eh nagpunta na ako, ready na naman kasi ang lahat mula sa gown, mag-aayos ng buhok at make-up hanggang sa sapatos ko.

Pero hindi ko akalain na ang dapat sanang isa sa mga pinakamasayang parte nang High school life ko ay naging isa sa di makakalimutan dahil nakakalungkot. Sa dulong part kasi nuon, bago yung last 5 dance, may candle lightning ceremony na kung saan magsasabi kami nang thank you at sorry sa kanya-kanyang adviser ng bawat section. Naiiyak na kami noon, pero mas lalo akong naiyak sa kanta, naalala ko kasi si Papa, birthday niya noon, at miss na miss ko na siya. Walang nakakaalam kung ano yung talagang dahilan kung bakit ako umiiyak noon, maliban na lang sa iisang tao.

Naka-upo lang ako noong mga 5th, 4th at 3rd to the last dance at napagdesisyonang umalis na noong magsisimula na iyong 2nd to the last dance, pero may nakakita sa akin, hinatak niya ako at pinigilang lumabas, umiiyak ako noon at kinuha niya yung panyo niya. Pinunasan niya yung mukha ko at sinabihang tumigil na at sayang daw yung pagpapaganda ko.

Sumunod na lang na ginawa niya, niyakap niya ako at inayang sumayaw. Siya ang last dance ko. Sa kabila nang paghikbi ko noon, nakaramdam ako ng comfort, na sapat na ang malamang may nakakaintindi sa nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Na nandiyan siya handang tumulong at makinig pag nahihirapan na ako. At siya si Lex ang nagtatagong Lex.

--==”END OF FLASHBACK”==--

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakasandal sa mga balikat niya. Pero nanumbalik ang pakiramdam na komportable ako pag nandito siya sa tabi ko. Alam ko sa sarili ko na kontento na ako sa ayos naming ngayon, pero syempre, tulad nang mga kwento at lahat nga ng mga pangyayari sa buhay natin, kailangan itong matapos. At kahit aminin ko sa sarili ko na ayaw ko nang matapos, kailangang magbalik sa katotohanang hanggang dito na lang ang lahat.

Umalis ako sa pagkakasandal sa balikat niya at ngumiting nakatingin sa kanya, ngayong magkatapat na kami, siya nakasandal sa elevator.

“Salamat talaga ng marami Drew, hindi mo lang alam kung gaano mo napagaan ang pakiramdam ko ngayon.” Habang sinasabi ko sa kanya iyon, ay nilagay niya ang kamay niya sa mga pisngi ko para tanggalin ang mga natitirang bakas ng luha.

Hindi siya kumibo pero nakangiti siya at muli kong napatunayan na ganito talaga siya pag magkasama kami na kaming dalawa lang. isa siyang tunay na kaibigan. Pero sana………..

Higit pa……………..

pamamaalam at panimula (a true to life story <3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon