V. NARAMDAMAN O NARARAMDAMAN?

57 0 0
                                    

V. NARAMDAMAN O NARARAMDAMAN?

                “Bakit parang nalate ka ata ngayon sa klase mo?” nagtanong bigla si Lex matapos ang pagtawa naming na sa tingin ko ay mag-iisang oras na.

                “Ilang araw na kasi akong walang tulog, kung meron man puro power nap lang, ang dami kasing projects, tapos topic proposal pa for thesis, activities, make-up class tulad ngayon, groupings and then itong finals. Bakit mo nga pala natanong?.”

                “Noong high school kasi tayo either ikaw o ako yung nauuna sa tambayan natin bago mag flag ceremony”

                “Ah oo nga early bird nga pala ako, ngayon din naman eh, kaso nangyayari lang iyon kapag 7am  yung klase ko, pag hindi kasi ganon kaaga, mahirap mag tantya ng oras kasi diba traffic or kung ano mang abala.”

                “Tama naman, naalala ko nga nung hinatak kita bigla”

                “Nung hinatak mo ako, papuntang barber shop? hahahaha”

                “Oo, salamat nga pala noon,”

                “Dapat lang magpasalamat ka kasi di lang naman ako nakaattend ng first subject natin non”

                “Ok lang Filipino class naman iyon eh, si Auntie naman nandoon para makiusap kay Mam Castro” sagot niya, kahit kailan talaga ito, por que  head teacher nang Filipino department yung Auntie niya ok lang na gawin naming iyon.

                “Ikaw kasi ayaw mo nang may uka yung buhok mo, kasalanan mo naman talaga eh”

                “Sayo pa nga lang inabot na ako nang kung ano-anong klase nang pagtawa at panghahalakhak noong mga panahong iyon tapos sa tingin mo papaabutin ko pa nang uwian para lang makapag-pagupit ako nang maikli na gusto nang school?“

                “Eh kasalanan mo naman talaga iyon, kung nagpagupit ka na ng mas maaga edi sana wala ka nang naiiistorbo pa”

                “Sus Drew, tapos na iyon, tsaka isa pa, alam ko naman na di mo ako matatanggihan eh, ako pa sa cute kong ito mula noon hanggang ngayon, matatanggihan mo ba ako… kung alam ko lang may….”

                “May ano? Alam mo ikaw, ang hangin mo talaga” nakatitig na talaga ako sa kaniya nang may halong asar… tss. Akala ko ok na kami. Ok naman na eh,  I mean yung ok talaga, naintindihan niyo ba?

Pero totoo naman na hindi ko siya matatanggihan noon, kasi oo may pakiramdam talaga ako noon na kakaiba kapag kasama ko siya. Masaya ako at kontento sa mga bagay kahit sobrang mapang-asar siya at masungit paminsan minsan kasi mas mataray pa rin ako sa kanya. Hahahaha.

"Lex….”

“Oh, bakit?” tanong niya ng hindi lumilingon sa akin, may inaayos kasi sa bag niya..

“Yung sinabi ni Mam Calma nung third year high school tayo”

“Anong tungkol doon?” di pa din siya tumitigil sa pagkalikot sa bag niya.

“Uhmm.. yung tungkol kay Jean, …….

At

Sayo…..”

“Ano?” tumigil na siya at tinitigan ako, samantalang ako di na makatingin nang diretso sa kanya.

“Nandoon kasi ako sa English faculty noon, sa labas lang noong magkasama kayo ni Jean”

Ramdam ko na nakatingin lang siya sa akin.

“Totoo ba?

Totoo bang

Niliigawan mo si Jean noon?”

Pansin kong tahimik lang siya, inalis niya yung tingin niya sa akin at ako naman ang nakatingin sa kaniya. sinasabi ko na nga ba, dapat di ko na tinanong iyon, tutal matagal na din naman na nangyari iyon eh. Hindi niya sinagot iyon, at muli nabalot na naman kami nang katahimikan.

Noong oras na iyon may nanumbalik na pakiramdam, at iyon ay ang sakit ang sakit dito sa puso ko. Si Jean lang naman kasi yung bestfriend ko nung high school, at ang seating arrangement naming nung third year is nasa first row kami, si Lex sa may Aisle, ako sa kaliwa niya at si Jean sa kaliwa ko, in short napag-gitnaan nila ako. Ni hindi ko sinasadya na marinig yung sinabi ni Mam Calma noong oras na iyon, kahit sinagot ni Jean na hindi naman nanliligaw si Lex sa kaniya iba pa din pag si Lex mismo yung sasagot nang tanong na iyon.

Kasi pwede naman di bang nanliligaw siya pero di niya sinasabi kay Jean na ginagawa niya iyon kasi nahihiya siya magsabi kaya pinaparamdam at ginagawa niya na lang o kaya nahihiya siyang magsabi na nanliligaw siya kasi baka mareject siya ng bestfriend ko. Sa pagkakakilala ko kasi kay Lex, hindi siya mahilig mag-express nang nararamdaman niya kahit simpleng sorry nga nahihirapan siyang sabihin, paano pa kaya pag sa love life na niya. Kaya wag na kayo magtaka kung bakit sa ilang taon na naming magkakilala at ka-close noon, di pa naming napag-uusapan yung tungkol sa love life niya kahit alam na niya kung sino ang mga nanliligaw sa akin at ang mga crush ko, except sa katotohanang gusto ko na siya. At mahal ko na siya…

Noon

Pero di ko alam kung hanggang ngayon iyon pa din ang nararamdaman ko.

Nanahimik na lang ako dahil talagang hindi niya sinagot iyong simpleng tanong ko mula sa nakaraan niya.

Naalala ko tuloy, yung mga pagngiti niya pag magkasama kami, yung simpleng paglabas nang dimples niya sa tuwing nagpapacute siya sa akin at nakikiusap na gawin ko iyon para sa kanya.

Ang pagtahimik niya kapag naiinis na, ang pagkunot nang noo pag may hindi naiintindihan, ang pagpapaliwanag sa akin nang mga bagay na ayaw kong intindihin o talagang di ko naiintindihan, ang pakikiusap niya.

Ang simpleng pagngiti pag nakaupo lang kami nang tahimik at magkatabi, ang paghatak sa kamay ko pag kinakaladkad ako dahil may gusto siyang puntahan kasama ako.

Ang mga kalokohan namin, ang mga di namin pagkakasundo, ang di pagpapansinan lalo na ang simpleng pagsabi nang

“I love You Drianne!!!, ” kapag may ginawa akong pabor para sa kaniya

Pero alam ko naman eh, nasa lahat nang nangyari, pinaramdam, nagawa at natapos namin na magkasama noong high school hanggang nitong 2nd year college namin eh hanggang pagkakaibigan na lang talaga. Oo para akong sira na umasa na sana maramdaman niya din yung naramdaman ko noon at masakit, nasaktan ako at ngayong magkasama kaming dalawa sa apat na sulok nang elevator na ito, hindi ko pa din alam ang sagot sa tanong kong ito na kung

Ang pagmamahal ko para sa kaniya ay NARAMDAMAN KO LANG BA NOON NOON O NARARAMDAMAN KO PA RIN HANNGANG NGAYON?

Kayo na lang sana ang humusga kung ano ba talaga ako diyan sa dalawang iyan, kasi hindi ko talaga alam.

pamamaalam at panimula (a true to life story <3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon