IV PAGBABALIK TANAW

78 0 0
                                    

IV pagbabalik tanaw

Matapos niyang ginawa yon ay napatigil ako…. At may isang bagay ako na naintindihan mula sa mga matagal nang tanong sa isip ko…. At iyon ay ang pag-intindi kung bakit ko siya minahal..

Nakatingin pa rin siya sa akin, at talagang nakangiti na abot tenga para hindi na magkailangan sinimulan ko ang matagal ko nang nais gawin isang taon na ang nakakaraan.

“Sana ganito na lang palagi”

“Anong ganito? Na makukulong tayo dito sa elevator ng campus? Hahaha grabe ka Lex, iba ka talaga” pagtataka ni Lex.

“Ano ka ba siyempre hindi yon, I mean yung ganito relax lang hindi iniisip na may finals pang kakaharapin, yung hindi iniisip yung mga problema sa labas ng lugar na ito, yung para tayong mga bata, tulad noong….”

“tulad noong mga high school tayo?” biglang sabat niya.

“Talagang mga bata pa tayo noon, isipin mo iyon apat na taon din tayong magkaklase.”

“Antagal na pala nating magkaibigan at magkakilala”

Dito ko naramdaman na ok na ulit kami kahit ngayon lang alam ko ok na ulit kami.

“Lex, naalala mo ba kung paano talaga tayo nagkakilala? ”

“Yung magpapakilala nang buong pangalan sa teacher natin sa English nung first year tayo?”

“Ano ka ba,? Bukod doon yung nasa library tayo”

“Teka, bakit nga ba tayo nasa library noon?..... ah ….. kasi nirerenovate yung centeno building nang school naten”

“Oo, tapos doon na yung classroom natin sa library, ewan ko ba bakit tayo nandoon samantalang yung ibang section ng mga first year nandoon sa improvised classrooms sa corridor ng apilado building”

“Priority kasi nila ang section naten, first year section A kasi tayo noon.” Hmmm. Sabagay tama naman si Lex, nasa star section kasi kami mula first year hanggang fourth year.

“Pero, naalala mo ba talaga kung ano yung talagang pag-uusap naten?” pangungulit ko kay Lex.

“Natatandaan ko naman, tingin mo sa akin Drew?, diba nga nagpapasa tayo ng mga basic informations tungkol sa sarili natin like name, contact number, address, parent’s name and occupation tapos birthday…….”

“At dahil sa birthday na iyon inapproach ako ng adviser natin na si Mam Pinga…….”

“Kasi magkatapat yung upuan natin noon sa library at nang pinasa ko na yung index card ko eh nakita niya yung birthday ko”

“Na at the same time eh kasunod pa ng birthday ko”

“tapos bigla mong sinabi na nauna ka lang sa akin, which gives me the idea na 14 ung birthday mo, ang weird mo nga eh kasi ayaw mo pagkalat sa iba na birthday mo nung araw na dumating yun”

“Eh pasaway ka Drianne, tama bang isigaw sa pila bago mag flag ceremony ng Happy Birthday Lex Andreus!!!”

“Pano ba naman kasi ikaw lang ata yung kilala kong tao na ayaw mabati nang classmates at kaibigan niya ng Happy Birthdy, siyempre gusto ko madami kaming babati, hindi lang ako.”

“At para saan pa?”

“Para po masaya ka kasi madaming nakakaalala nang birthday mo, ok po?”

Pagkatapos kong sabihin noon medyo nagulat yung itsura niya at nanahimik, well, bumalik na naman siya sa dati niyang ugali o mas tamang sabihin na di siya nagbago mula noong high school na ganoon pa din and ugali niya.

pamamaalam at panimula (a true to life story <3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon