VIII. EMOSYON

52 1 0
                                    

VIII. EMOSYON

                Nagpatuloy ang mga pakikinig namin sa mga kanta, hanggang sa naisip kong kamustahin ang mga nakahiligan niya.

                “Ang ganda ng Bulletin Board ng organization niyo ha, ang cute ng pagkakapinta mo dun sa mga design na nasa paligid”

                “Salamat”

                “Nagdra-drawing ka pa ba?”

                “Hindi na masyado, kasi nga ang dami laging ginagawa, lalo na ngayon, 4th yr. na tayo, puro project, assignment, exams or quizzes pero kaya ko pa naman lahat”

                “Ah, maganda yon, kahit papano nag-eenjoy ka pa rin sa kinuha mong course, bakit ka nga ba uli nag-accounting?”

                “Hindi ko din alam eh, pero ok naman buti nga yun pa din yung course ko hanggang ngayon.”

                Naisip ko tuloy nung first year pa lang naming, wala pa kaming mga course, kumbaga lahat kaming first year pare-pareho nang subjects na kinukuha, lahat minor subjects. Bago kami mag-second year nung pinalista sa amin yung top 3 na gusto naming na course hanggang sa noong nagdedesisyon na kami, magkausap kaming dalawa, si Lex, nahihirapan siya mamili, kasi sa totoo lang magaling talaga siya at kahit anong kurso na kunin niya ay talagang kakayanin niya (salutatorian kasi namin yan nung highschool, 0.2 nga lang lamang nung valedictorian naming sa kanya eh). Samantalang ako alam ko na talaga yung gusto ko kaya hindi na ako nagdadalawang isip pa sa mga nilagay kong kurso.

                Hanggang sa ngayon, Accounting na nga ang kurso niya na gustong-gusto ng tita niya para sa kanya.

                Magdadalawa’t kalahating oras na rin kaming magkasama at madami na din kaming napag-usapan hanggang sa humantong kami sa paksang di ko akalain na mapapag-usapan din pala namin.

                “Naalala mo ba, bago tayo mag-aral dito magkausap tayo sa telepono ng mga mahigit dalawang oras? Mga ilang gabi din nangyari yon ha” tinanong niya sa akin.

                “Ah, oo, naging close mo pa nga yung isa sa mga tita ko eh, tapos kinukulit pa niya ikaw na tawagan yung boyfriend niya nung time na yon para sabihan na tawagan naman niya yung tita ko. :D nakakatawa yun”, grabe pinaalala niya pa iyon, mag-aapat na taon na kasi yun.

                “Eh kasi naman, biglang inagaw ng tita mo yung telepono sayo tapos inutusan niya na lang ako bigla na tawagan yung boyfriend niya, sino ba naman ang matinong tao na gagawa nun diba? I mean alam ko na talaga kung sino yung mga pinagmanahan mo, tsk tsk”

                “Oy,  ang yabang mo na naman huh, ganon talaga yung tita ko, inlove kasi yun eh, kaya wala na tayong magagawa at nangyari na iyon.”

                Tapos hindi ko alam kung bakit ako nanahimik habang pinapaalala niya pa yung mga pag-uusap naming noon sa telepono, paano kasi may isang topic kami na talagang hindi ko malilimutan, sa gitna ng pag-uusap namin sa telepono.

                --==“FLASHBACK”==--

                April 3, 2008, ang pag-uusap naming sa telepono

                “Drew, alam mo ba yung courting?”

                “Oo naman, bakit ikaw?”

                “Ngayon ko lang kasi natutunan yung word na iyon eh, habang sinasabi ni ate kanina”

                “Weh? Talaga? Ikaw? Eh ang talino mo kaya, hindi mo alam yun?”

pamamaalam at panimula (a true to life story <3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon