PAGPAPALIWANAG AT PAGPAPASALAMAT

108 0 0
                                    

PAGPAPALIWANAG:

Marahil medyo naguguluhan kayo kung bakit ganito ang nangyari sa kwento, dito sasagutin ko lang po ang ilang mga karaniwang tanong na naiwan sa inyong isipan.

Unang-una po gusto kong ipaliwanag na TOTOO ANG LAHAT NG ITO,

Totoo ang mga nangyari sa una at huling bahagi nang maikling kwento kong ito, at hindi ako nagkakamali nangyari iyon noong October 3, 2010, lunes.

Totoo din po ang mga nangyari sa flashback kahit itanong niyo pa sa mga bestfriend ko… hehehe ;p

Ang hindi lang po totoo ay ang panaginip dahil malamang panaginip lang po ang mga nangyari sa elevator, panaginip ko lang po na na-trap kami sa elevator nang aming university (kahit na talagang may na trap na doon… hahahaha)

at totoo pong nanaginip ako nang tungkol sa aming dalawa, napaginipan ko ang lahat nang nangyari sa amin mula noong first year high school kami hanggang ngayong college na kami. Kaya nga akok nagkaroon ng ideya na isulat ito eh.

Kaya totoong nag-eexist ang lalaking iyon, hahhahaa pinalitan ko lang po ang pangalan naming dalawa (pero malapit pa din naman sa totoong pangalan namen..hahahahaha) para naman po may privacy siya kahit papano.

At speaking of privacy, summary lang po ito nang mga nangyari sa amin, at marami pang nangyari sa amin na kinakiligan ko as in madami pa, nilimitahan ko na lang kasi nga para hindi siya magalit nang tuluyan sa akin in case na mabasa niya ito. Kaya para sa mga ka-close ko na nagbasa nito, tanungin niyo na lang po ako kung ano yung mga yun ;), at pag-iisipan ko kung sasabihin ko pa wahahahahahaha.

Sa ika-siyam naman na bahagi na pinamagatang KATOTOHANAN, ay di kayo nagkakamali na katotohanan ang lahat ng iyon, ang lahat ng mga tanong na binanggit ko doon ay ang mga totoong tanong na gusto kong itanong ko sa kanya. At kung mabasa man niya ito, malay naten malaman naten ang mga sagot di ba? Agree ba kayo doon?

Lahat din po nang nararamdaman ko sa maikling kwentong ito ay totoo with all my heart and conviction… hehehe sorry, biglang nag-english.

Yun lang po, at kung may mga katanungan pa kayo, i-pm niyo na lang po 

WAG NIYO PO KAKALIMUTANG I-LIKE ITO AT IBOTO

PLEASE LANG PO PARANG AWA NIYO NA!!!!

PASASALAMAT

                Unang-una po nagpapasalamat ako sa mga magulang ko na hinahayaan lang ao mag-type nang maingay dito nang ilang gabi….hahaha at sa kanila na kulitin ako na kumain na kahit di ko pa tapos ang isang bahagi nito.

                Salamat kay Mrs. Josefina Perez ang aking pinaka paboritong guro na guro ko noong elementary sa Journalism, dahil tinuruan niya akong linangin ang sinasabi niyang talento na meron daw ako.

                Salamat din po sa mga kaibigan na nangulit na sumulat ako para mabasa na nila ito.

                Salamat sa mga sumuporta at nagbasa nito, sa mga bumoto at nag-like.

                Salamat sa bestfriend ko na nabanggit dahil alam niya  ang katotohanan sa mga nangyari noong high school pa kami.

                Salamat sa iyo na binigyan mo ako nang inspirasyon para sumulat muli, na binigyan mo ako ng pagkakataon magmahal sa unang beses, na pinaramdam mo sa akin ang mga bagay na hindi ko maipaliwanag. Salamat dahil nagtiwala ka sa akin, salamat sa mga ginawa mo maganda man o hindi, salamat dahil naging kakilala kita, classmate at kaibigan. Salamat dahil kahit hindi  mo alam na theme song ko ang “Story of us by: Taylor Swift” pag laging nagkikita tayo sa library (hahaha) ay binigyan mo ako nang dahilan na magpatuloy sa buhay at pag-aaral dahil habang ako ay umiiwas at nalulungkot dahil sa iyo, ay ikaw naman wala lang pakialam sa akin (hahahaha). At sa mga pangyayaring iyon, salamat dahil masasabi ko nang, I MOVE ON AND FINALLY LETTING YOU GO…

Oh yeah!!! Ansarap sa feeling at nasabi ko din!!!! Woot, woot!!! Party party na!!!

At siyempre

MARAMING MARAMING SALAMAT KAY BIG BROTHER SA TAAS ANG ATING DADDY GOD!!!

                Sa pagtuturo sa akin nang madaming-madami tungkol sa pag-ibig at pagpapaintindi nang SEASON OF LIFE (which is time to learn, time to earn and time to marry) thru this story of us (wow, English yun!!!). Sa pagbibigay sa akin nang mga talento at talino, at sa lahat ng bagay pa na tinuturo at ituturo niya sa akin.

                MULI, MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!!!!

Created By:

        Leslie  “LEE” S. Peñaranda

       October 28, 2011 to November 20, 2011 (7:33pm)

🎉 Tapos mo nang basahin ang pamamaalam at panimula (a true to life story <3) 🎉
pamamaalam at panimula (a true to life story &lt;3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon