VII. PAGTANGGAP

76 0 0
                                    

VII. PAGTANGGAP

                Matapos ang aking pasasalamat sa kaniya ay iniwas ko ang aking tingin.

                “Drew…” tinawag niya ako at nang pagtingin ko sa direksyon niya ay natusok nang daliri niya ang pisngi ko.

                Natatawa siya kasi nauto naman niya ako.

                “Ah ganon ah, eto para sayo” at pinaghahampas ko nang sunod-sunod ang kanyang kamay at braso hanggang sa umiwas siya.

                “Ikaw kasi iyakin ka eh mula noon hanggang ngayon”

                “Toinks, eh pag kasama lang naman kita tsaka ako umiiyak, eh paano lagi mo akong pinapaiyak”

                “Ah ganon?“ tapos kinurot uli ni Lex ang mga pisngi ko pero hindi masakit, parang wala nga lang eh.

                Tawa lang kami nang tawa na para kaming nakauniform nang pang high school at naghaharutan sa class room, nagbiruan at nag-asaran.

                “Hydro, ” tawag ko sa kaniya.

                “Pinky” natatawa ako kasi iyon ang mga tawagan naming noon, naalala ko pa isa siya sa mga dahilan kung bakit ako kumuha nang kursong BS Mathematics, sinabi niya kasi na maganda iyon at since magaling naman daw ako sa Math, pero hindi lang naman siya ang dahilan eh mas nangunguna pa rin ang rason na may gusto akong patunayan sa sarili ko at iyon ay magaling talaga ako sa math. Hahahaha.(Sa mga gustong malaman kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ako nag BS MATH eh tanungin niyo na lang ako personally or pm me.)

                Napagkwentuhan na rin naming ang mga paborito naming kanta, na nag paborito kong banda ay Freestyle pwede na din ang Parokya ni Edgar at siyempre ang gusto namin pareho na Silent Sanctuary.

                “Anong kanta ng Freestyle yung gusto mo Drew?”

                “Right by Your Side”

                “Eh?, di ko alam iyon,”

                “Oo, kasi di naman ganon kasikat yung kanta nilang iyon unlike sa Before I let you Go”

                “Sige nga kantahin mo, konti lang” natatawa siya, kasi alam niya naman na member ako nang choir at community theatre kaya ok lang rin na kumanta ako.

                “We’ll share the laughter and you know we’ll also share the tears ohh….

And when times are bad just know that I will always be here

Just remember

                *When it’s time to cry we can cry together

 You know that I’ll be with you, with you through whatever

 When the times get rough, you know that I will be right by your side.

 I’ll be right by your side….”

                “Ok na?” tanong ko sa kanya

                “Maganda yung meaning nung kanta”

                “Oo kasi it reminds me of a person na laging nariyan sa tabi ko, kaya siguro it’s my time naman na ako na yung magsasabi nang I’ll be right by your side doon sa taong iyon.” Nakangiti kong sabi.

pamamaalam at panimula (a true to life story <3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon