III PAGPAPATAWAD

64 0 0
                                    

                  PAGPAPATAWAD

 “at kasama ka doon Drew”

“at kasama ka doon Drew”

“at kasama ka doon Drew”

“at kasama ka doon Drew”

“at kasama ka doon Drew”

“at kasama ka doon Drew”

Grabe, paulit-ulit na umaalingawngaw yung mga salita niyang iyon, nakakaasar naman eh. Bakit ba kasi hanggang ngayon iniisip ko na may iba pang dahilan ang pagsasabi niya sa akin ngayon, ang alam ko wala na yung mga nararamdaman ko? Naku, hindi na pwedeng bumalik muli iyon, binaon ko na sa limot ang lahat eh.

“Bakit?, siguro gusto mo na ulit ako makasama ano, namimiss mo na ang makulit at madaldal na katulad ko ano? Hahaha ” grr… ang plastik ko di ba?

“Medyo, pero gusto ko talaga magsabi ng……….”

aba! Nagulat ako doon ah, pagbibiro ko lang naman yung sagot ko eh. Pero bakit siya natigilan? Wag mong sabihing…. Hindi, hindi, imposible talaga na iyon ang sasabihin niya sa akin, ayaw ko na umasa, masakit kaya yun, ang umasa.

“Sorry Drianne, sorry sa lahat, sa pang-aasar, sa pag-iwas, ah basta sa mga nagawa kong di maganda” nakayuko siya noon, habang ako parang baliw lang, nakangiti mag-isa? O kinikilig? Hahaha ang abnormal ko talaga.

Sa pagngiti-ngiti ko, pinilit kong ibalik sa tama ang reaksyon ko, hinawakan ko ang mga pisngi niya at………..

at

at

……At kinurot ng maigi sabay tawa ng malakas….. ang baliw ko di ba?

“Aray, Drew naman, tigil-tigilan mo na nga yung pisngi ko, nandito ako at seryoso tapos ikaw dyan , tumatawa… tsk” hala, nairita siya, abnormal din ito, hindi niya nakuha yung gusto kong sabihin.

“Alam mo Lex Andrei Martinez, Ok na ang lahat, hindi naman ako nagtatanim ng galit eh” oy, totoo yung mga sinabi ko ah. Walang halong biro.

Alam niyo ba kung bakit ganoon yung reaksyon ko, si Lex kasi yung klase nang tao na di marunong mag-sorry, alam niyo yun, hindi mahilig magsabi nang sorry, malakas mang-asar, mang-alipusta, mang-away..(sinisiraan ko ba? Eh totoo talaga hahahaha) pero tunay na kaibigan, mabait paminsan-minsan, tahimik kapag may problema, hangga’t maaari ayaw niyang pinapakita na mahina siya at higit sa lahat maingay, sobrang maingay. Teka, lagi niya rin palang sinasabi na CUTE siya….na totoo naman kahit binabara ko siya pag sinasabi niya iyon.

Ayan, hindi na nakakailang ang mga nangyayari sa amin, kaya siguro maaari ko nang simulan ito nang mas magaan sa pakiramdam.

“Hehehe, sorry naman, nakakatuwa kasi yung pisngi mo eh, di ba dati lagi naming kinukurot yan, wahahahahaha di bagay sayo ang seryoso”

“Ah ganon? Ikaw talaga kahit kailan” at lumapit si Lex sa mukha ko

At hinawakan din ang pisngi ko para kurot-kurotin

pamamaalam at panimula (a true to life story <3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon