Wounds

3.1K 39 11
                                    

  Kinabukasan, maaga akong gumising at bumyahe pabalik ng Manila. Nagmessage nalang ako kay Kier na may emergency sa trabaho kaya kailangan kong bumalik.
Hapon na ako nakarating sa bahay, pero dahil hindi mawala wala sa isip ko ang nangyari, naisipan kong pumunta sa isang bar.

"Pol?"
Napalingon ako sa babaeng tumabi sa akin habang nago order ako ng alak. Si Mary pala.

"Akala ko nakabakasyon ka?"

▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️

I ended up telling her everything. Siguro mas mabuti iyong may masabihan ako tungkol dito na wala sa circle of friends namin ni Janys.

"I can't say why people lie; they just do. Everyone has their own reasons for not telling the truth."

"Ha?"

"From Eric Carr."

"Sino 'yun?"
Kunot ang noong tanong ko.

"Ewan ko."
Nakangiting tugon niya habang nakasandal kaming dalawa sa kotse ko at nakatingin sa mga ilaw ng siyudad mula sa kinatatayuan namin. Napahawak siya sa braso niya ng maramdaman ang lamig ng hangin ng gabing iyon kaya naman inoffer ko sa kanya ang jacket ko. Nililipad ng hangin ang ilang hibla ng mahaba niyang buhok, pati ang laylayan ng itim niyang sleeveless dress. Litaw ang kaputian niya sa hindi kaiksiang suot at ang magaganda niyang paa sa high heels niya.

"This morning may nabasa ako sa facebook eh. Kapag mahal ka daw, maiintindihan niya."

"Kalokohan iyon, Mary."
Sagot ko.

"Kung wala ka namang ginagawang masama sa relationship nyo, kahit ano pa sigurong rason yan, kasalanan niya o whatever, ang point kasi dun, iniwan ka eh.Wala kang mararamdaman kundi sakit, wala ng space para intindihin siya."

"Uy, may rhyme?"

"Seryoso ako."

I heard her laugh. Tinungga niya ang beer in can na hawak niya.

"For real?"

"For real. Naramdaman ko to, trust me."

"Pero alam mo Pol, its better siguro kung makapagusap kayo ni Janys."

Hindi ako sumagot at napailing. Uminom ako ng beer at tinitigan si Mary. Si Mary na siguro ang pinaka popular na officemate ko. Bukod sa magaling at may itsura, kavibes niya halos lahat ng tao doon, babae man o lalake. May aura siyang nakakapagpagaan ng athmosphere. She's always positive at laging nakangiti kaya masarap din kausap. Pero minsan, binibiro biro ko. Iyong birong landi.

"Alam mo, cute ka. Ligawan kaya kita?"
Out of the blue ay sabi ko.

"Mag move on ka muna!"

Mahina niya akong sinampal kaya natawa ako. Ilang segundo kaming tahimik at ang tanging maririnig lang ay ang panaka nakang pagtungga ni Mary ng beer at ang pagdaan ng iilang sasakyan sa kalsadang malapit sa amin.

"Alam mo,"
Basag niya sa katahimikan. Nanatili siyang nakatingin sa kawalan habang nagsasalita.

"I had a boyfriend, kakilala ko na siya since highschool. He's nice, masipag, matalino, may stable job. Mahal niya 'ko, sobraaaang mahal."

Medyo natawa ako sa sinabi niya.
"For real?"

"FOR REAL."
Idiniin niya ang pagkakasabi nun.

"Tas after six months, napansin ko nalang na hindi na'ko makahinga. Oo, mahal niya 'ko, tiwalang tiwala nga siya sa'kin eh. Okay lang sa kanya na malate ako ng uwi, o umuwi ako ng lasing,"

"So, pa'nong di ka makahinga? Okay naman pala sa kanya kahit anong gawin mo."

"That's the point, okay lang sa kanya. Kasi daw mahal niya 'ko at kung yun daw ang makakapagpasaya sa'kin, okay lang, go."
Narinig ko ang pagak na tawa niya. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.

"You told him?"

"Oo. Pero alam mo kung anong sabi niya? 'Mary, it's okay. I understand.' tapos tumawa siya. Akala niya nagjo joke ako. Alam mo iyong feeling na 'yun? Yung feeling mo pagod na pagod ka sa relationship nyo kahit ang bait bait naman ng boyfriend mo? I couldn't escaped. He's very nice at iyon ang mahirap. Tiniis ko ng isang taon, pero last month, nakipaghiwalay nako. Sabi ko, bahala na kahit anong sabihin nila. Kasalanan ko eh, i fall out of love. Iniwan ko ang isang guy na walang sinabi kundi 'okay lang'."
Huminto siya at tumungga ulit ng beer.

"Ang swerte swerte ko nga daw na nagkaboyfriend ako ng ganun. Yung iba daw dyan, ginugulpi na ng jowa, dipa maiwan iwan. Bakit? Iyon lang ba ang basehan para iwan ang isang tao? Hurting you physically? Diba hindi?"

"Hindi."
Tugon ko at uminom ng beer. Hindi ko inexpect na mago open din si Mary sa'kin. Sa isa't kalahating taon naming pagsasama sa office, wala akong idea that she was in pain. Lagi kasi siyang bubbly at masaya. Hindi ko din alam na may boyfriend siya.

"Feeling ko nalulunod ako sa letseng pagmamahal na 'yun. Iyong tipong gusto ko na siyang sigawan kapag pinagsisilbihan niya 'ko. For almost two years walang nagbago. Kapag inaaway ko, ganun pa'rin. Alam mo yun,Pol? Wala ng spark! Kumbaga sa pizza, walang pepper! Matabang!"

"Baka salt?"

Hindi niya pinansin ang biro ko at nagpakawala ulit ng malalim na buntong hininga.

"Sorry though, making you listen to this talks about me."

"No, it's okay."
Tugon ko at bahagyang ngumiti.

"So, kumusta na siya?"

"Till now, hindi pa kami nagusap. I dont know kung kaya ko pang humarap sa kanya. Hindi ko na siya mahal, pero 'yung guilt andito pa eh. Balita ko, umalis siya papuntang Dubai.. Sinubukan ko siyang i-approach pero pag nandiyan na, hindi ko na kaya. Sabi ng kaibigan niya, hayaan ko nalang daw muna."

"That sucks."

Tumango si Mary habang nilalaro sa kamay ang lata ng beer na wala ng laman.

"Naisip ko lang, kahit anong gawin mo sa isang relationship, maganda man o hindi, walang assurance na magi stay sa'yo ang isang tao."

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Naglabas ako ng yosi at sinindihan iyon.

"Hey, Pol."

"Uhm."

"Sa tingin mo, will he forgive me?"
Tumingin siya sa'kin at sa seryosong boses ay nagtanong ulit siya.

"Ikaw, kaya mo bang patawarin si Janys?".  

EX (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon