The Past II

4K 42 3
                                    

Napakamot ako ng ulo ng tignan ang grades ko sa nakaraang exam. As usual, bagsak.

"Sungit."

Napalingon ako. Medyo napaatras pa ako sa gulat ng makita si Janys sa tabi ko na seryosong nakatingin sa akin.

"Problema mo?"

"Bagsak ka."

"Alam ko."
Tumalikod na ako habang hinihimas ang batok ko. Hindi ko na naman alam kung paano 'to ipapaliwanag sa bahay.

"Oy, Pol, gusto mo turuan kita?"

"No, thanks,"
Malamyang tugon ko na hindi lumilingon sa kanya. Naramdaman kong nakasunod siya sa'kin.

"Babagsak ka niyan sa finals."

Automatic akong napahinto sa sinabi niya.

-----

"Tuturuan mo ba'ko o tititigan mo lang ako?"
Asar kong sabi kay Janys ng hapong iyon. Wala na akong choice kundi tanggapin ang offer niya. Wala na kasi akong maisip na paraan. Mahal magpa tutor ngayon. Eh si Janys, deans lister, libre pa.

Pero eto naman siya, halos 15 minutes na kaming nakaupo sa carpet at magkaharap. Nakapangalumbaba siya at tinititigan lang ako habang nagsusulat ako sa notes ko.

Sabi na nga ba, wrong idea na papasukin 'to sa pamamahay ko eh.

"Saglit nalang,"
Tugon niya na hindi inalis ang tingin sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya naka pout siyang kumilos at binuklat ang libro sa mesa.

AFTER FOUR HOURS.

"Oy, Janys, madilim na---"
Napahinto ako sa pagpasok sa silid ng makita siyang nakasubsob sa mesa. Nakapatong ang ulo niya sa magkabilang braso niya.

"Tindi. Dito pa talaga natulog,"
Inis kong bulong. Lalapit na sana ako para gisingin siya ng kumilos siya dahilan para malaglag ng konti ang suot niyang eyeglasses. Nasa ilong na niya iyon.

Pailing iling akong lumapit at naupo sa harap niya. Ilang segundo akong nasa ganung posisyon at nakatingin lang kay Janys.
Nacurious ako at maingat na tinanggal ang eyeglasses niya. Natigilan ako ng mapagmasdan ng maige ang mukha niya.

TUG TUG TUG TUG

Nakapa ko ang dibdib ko ng wala sa oras. Ano 'to? Hindi naman ako nagkape ngayon ah?
------

Pumasa ako sa sumunod na exam. At hindi lang iyon, pasado ako sa lahat ng subject.
Si Janys naman, parang mas tuwang tuwa pa sa akin.

"Galing mo, sir!"
Nag salute pa siya ng sabihin iyon kaya medyo natawa ako.

"Baliw."
Medyo komportable na kasi ako sa kanya pagkatapos niya akong turuan ng ilang beses sa bahay. Nagdadala pa kasi siya ng kung anu ano imbes na ako ang magpakain sa kanya.

Wala siyang ginawa kundi sundan ako sa school (pag wala siyang klase). Pero hindi gaya noon na halos sipain ko siya palayo, ngayon ay okay lang sa'kin. She's harmless naman. Halos alam ng lahat na gusto ako ni Janys,pero siya iyong tipong hindi pinu push ang feelings. Iyong tipong hindi nagi expect ng kapalit. Iyong hindi umaasa ng kahit na ano. Kaya nga ayos lang sa'kin ang ginagawa niya eh. Sapat na daw kasi sa kanya iyong makasama niya 'ko o makita araw araw. Feeling ko talaga nung sabihin niya 'yun sa'kin, ang gwapo ko eh. Sobrang gwapo.

"Pol!"

Napalingon ako sa nagsalita at nakabusangot na Claire ang bumungad sa akin.

Nawala sa isip ko, syota ko pa pala 'to. Since nag away kasi kami, hindi na kami nakapag usap. Busy na din kasi ako sa pag aaral.

EX (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon