"Pol,ayos ka lang?"
Naramdaman ko ang pagtapik ni Kier sa balikat ko habang nakatayo ako sa harap ng isang shelf sa loob ng paborito naming bookstore."Kanina ka pa nakatunganga dyan. Nahanap mo na?"
Ibinalik ko ang tingin sa mga hilera ng librong nasa harap ko. Kinuha ko ang medyo makapal na librong kulay dilaw na nasa gilid ng shelf.Yann Martel : The Life of Pi
"Weird talaga ng babaeng 'yun. Pinanood ng ilang beses yung movie saka magpapahanap ng libro. Take note, four years ago!"
Napapailing si Kier habang sinasabi iyon. Natawa nalang ako at ipinagpatuloy ang pagsipat sa mga libro. Birthday ng officemate at kaibigan naming si Mary. Muntik ko ng bilhan nung album ni Taylor Swift dahil alam kong favorite nya, pero nitong mga nakaraang araw ay panay ang banggit niya sa librong 'to. Weird nga sabi ni Kier. Masyadong out of date."Oh! Diba si Janys 'to?"
May sinunggabang fashion magazine si Kier. Sinulyapan ko ang hawak niya. Nakilala ko ang pamilyar na mukha ng nasa cover. Si Janys nga."Layo na ng narating niya ah."
Bumuntong hininga si Kier pagkatapos ibalik sa dating pwesto ang magazine. Nakita ko mula sa peripheral vision ko ang pagtitig niya sa akin ng ilang segundo at ang pag iling iling niya."Pre, tagal na nun. Wag ka ngang magdrama diyan, di bagay sayo."
Saad ko at tumawa. Iyong pekeng tawa.
Tagal na nun?
Sinong ginago ko? Walong taon pero ganito pa'rin ako kaapektado.[EIGHT YEARS AGO..]
"Pol!"
Napalingon ako sa tumawag. Napakunot noo ako ng makilala ang babaeng papalapit sa akin.
"Problema mo?"
Inirapan ko siya at ipinagpatuloy ang pamimili ng libro sa library.
"Sungit mo naman,"
"Ingay mo kasi. Nasa library ka,"
Sinulyapan ko siya kaya nakita ko ang pag pout niya. Nairita ako dahil ilang minuto na siyang nasa tabi ko na nakapout lang at wala namang sinasabi.
"Oy, bodyguard ka ba? Umalis ka nga dito,"
"Pol, kasi.. University Ball na nextweek,"
"Oh?"
Hindi ko parin siya tinignan. Wala din naman akong interes umattend sa ball na yun. Corny masyado.
"Can you be my date?"
"Pucha---"
Sa sobrang gulat ko ay naglaglagan ang ilang libro mula sa shelf.
"Pinagsasabi mo Janys? Uminom ka nga ng kape! Ako kinakabahan sa'yo eh!"
Inis kong tugon habang pinupulot ang mga libro."Basta, ha, Pol. Pag nagbago isip mo, ako date mo ha?"
Bago pa man ako makasagot ay nagmamadali na siyang umalis.
Si Janys ang number one admirer ko. Stalker na nga daw sabi ng mga tropa ko eh. Panay kasi ang sunod sa akin dito sa school. Minsan nga, nagugulat nalang ako dahil bigla nalang sumusulpot sa supermarket, o sa bleacher pag nagbabasketball kami, o sa sinehan.
Weirdo kasi iyon eh.
Ilang beses ko na nga binasted kaso parang wala naman siyang naririnig.Mayaman naman ang pamilya ni Janys. Nung nakaraang pasko nga, niregaluhan ako ng cellphone, yung latest! Sakto namang grounded ako nun ng ilang buwan, kinuha ko na. Pero syempre ibinalik ko din nung ibinalik ng nanay ko ang cellphone ko. Nahiya naman ako konti.
Gusto ko nga din siyang bigyan ng suklay eh, kaso baka 'umasa'. Gulo gulo kasi ng buhok ng babaeng iyon. Tapos naka eyeglasses pa. Ang baduy baduy pa. Eh sa yaman niyang iyon, pwede naman siyang mag hire ng sarili niyang stylist, o kaya make up artist. Afford naman nila iyon. Balita ko kasi, hiwalay parents niya, tapos subsob sa work ang daddy niya, kaya yan, mukhang pinabayaan talaga.
BINABASA MO ANG
EX (Completed)
Cerita Pendek"Pumasok ba sa isip mo,Pol.." Aniya. "..eight years ago, nung tayo pa.. Sumagi ba sa isip mo na baka hindi tayo sa huli?"