STILL

3.5K 42 1
                                    

After EIGHT years, here I am. Sa kabila ng mga papalit palit na 'fling', andito ako ngayon, SINGLE.
Hindi ko nga alam kung pa'no ako nakapagsurvived ng ganun katagal na wala siya sa tabi ko. Korni nga sigurong pakinggan, pero akala ko mamamatay na ako. Hindi kasi ako makahinga nung araw na iyon eh. Wala akong naririnig. Wala akong nakikita. Ni hindi ko nga maalala na sinundo na ako ni Papa sa isang bar na lasing na lasing. Ni hindi ko maalala kung sino iyong mga taong sunod sunod na pinupuntahan ako sa bahay.

"Pol, magmumukmok ka nalang ba dyan?"
Hindi nakatiis ay tanong ni Papa sa akin dati.

"Balak mo bang ibalik ang dating buhay mo? Dahil ano? Iniwan ka ni Janys? Anak naman. Wag mo namang ipamukha sa'min na wala kaming halaga sa'yo."

That was the first time na nakita kong umiyak si Papa. Galit ako sa kanya, oo. Galit ako dahil pinatulan niya ang nanay ko kahit kasal siya sa iba. Galit ako na naging bastardo ako sa paningin ng lahat. Maliban kay Janys.

Pero that was the first time na naramdaman kong siya ang Tatay ko. Nung nakita ko ang paglandas ng mga luhang iyon na sinubukan niyang itago sa akin, nakaramdam ako ng suntok sa dibdib ko. Iyong malakas na suntok, damay pati ulo ko. Masakit na iniwan ako ni Janys. Pero mas masakit na makitang nagdurusa ang tatay mo sa mismong harap mo.

After eight years, isa na akong engineer. Walong taon pero hindi pa'rin nawawala ang pang aalaska ng mga kaibigan ko pag may okasyon. Twenty nine na daw ako. Wala daw ba akong balak mag asawa. Kahit girlfriend lang daw. Iyong girlfriend na iuuwi ko sa bahay at ipapakilala sa Nanay ko. Iyong babaeng gagawin ko daw profile picture sa facebook. Idinadaan ko nalang iyon sa tawa. Nakakatawa naman kasi. Nakakatawa na hanggang ngayon, hindi ko parin matanggap sa sarili ko, na wala na sa akin si Janys.

Nagpapakatanga daw ako masyado. Umaasa lang sa wala. Aminado naman ako dun, na TANGA ako. Sa loob ng walong taon, wala akong lakas ng loob na itapon ang mga alaala ni Janys. I tried, pero hindi ko kaya. Siguro dahil napaka espesyal ng mga araw na magkasama kami—well, siya ang espesyal, actually.

Tuloy, ako nalang lagi ang pinapatamaan ng mga 'hugot lines' ng mga kaibigan ko.

"Ang haba ng pila!Dapat si Pol nalang inutusan ko eh, tutal sanay naman siya maghintay."

"Sinabi ko naman sa inyo diba? Pag hindi ako pinayagan, hindi tayo tuloy sa Ilocos. Nagi expect kayo masyado eh. Nahahawa na kayo kay Pol."

Tapos sasabayan ng tawa. Mga gago eh.

"Pol, napanood mo? Magbabakasyon daw si Janys ah!"

"Eh di mabuti."

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng oras na iyon pagkatapos kong marinig ang balitang magbabakasyon siya. She's all over the news.

Masaya naman ako para sa kanya—sa narating niya. Alam kong matagal niyang pinangarap ang kinalalagyan niya ngayon. Naging dahilan nga iyon para magkahiwalay kami.. Tsk. Natatawa nalang ako. Napaka bitter ko masyado.

"Sama ka, Pol?"
"Saan?"
"Ilocos!"

Tumanggi ako. Napakadami ko pa kasing gagawin ngayon at alam naman nilang wala akong interes magbeach. Tinatamad ako.

"Sige na! Minsan lang naman to eh!"

Sa sobrang pamimilit ay napapayag ako. Kaya naman kinailangan kong tapusin ang mga paperworks sa office para makapagbakasyon ako ng tatlong araw.

"Pol."
Iniangat ko ang mukha ko mula sa desk. Nakita kong nakatayo sa tabi ko si Mary.

"OT ka?"
Tumango ako at ibinalik ang tingin sa ginagawa ko. Medyo sumasakit na ang ulo ko kaya wala ako sa mood makipagkwentuhan. Narinig ko ang mga yabag ni Mary na papalayo sa'kin kaya napabuntong hininga ako. Sumandal ako sa swivel chair at ipinikit ang mga mata ko.

EX (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon