"Pre, mago OT ka ulit?"
Nalingunan ko si Kier na nasa likuran ko na pala. Nakasukbit sa balikat niya ang itim na body bag niya senyales na pauwi na siya."Oo, una ka na, tapusin ko lang 'to."
Tugon ko na ibinalik ang tingin sa monitor. Nagpaalam na siya, pero hindi pa man siya nakakalayo sa akin ay nagsalita ulit siya."Pasensya ka na,Pol."
"Saan?"
"Sa nangyari nung outing."
Napalingon ulit ako kay Kier na ngayon ay tagilid ang ngiti habang hinihimas ang batok niya."Tangina kasi ni Leo,sabi ko wag ako masyado painumin eh."
"Yaan mo na 'yun."
Si Kier na siguro ang nakakaalam ng lahat ng detalye ng kwento namin ni Janys dati, at alam kong nasasaktan siya para sa'kin kaya niya nagawa 'yun. Though, hindi naman tamang sumbatan niya si Janys sa harap ng mga tropa namin."Kasi ilagay mo sa sikmura, wag sa ulo,"
"Oo na, sori na."
Nagpout pa ang gago at umarte na parang nagpapaawa."Psh, umuwi ka na nga! Bading!"
"Titreat kita ng lunch for two days,pre!"
Narinig kong sabi niya habang papalayo kaya natawa nalang ako. Nagstay pa ako ng dalawang oras sa office bago nagpasyang umuwi. Pagkalabas ko ng building ay nagulat ako ng mapansin ang isang babaeng nakatayo sa gilid at nakatingin sa direksyon ko. Nakasuot siya ng itim na sweatshirt na may hood na tumatakip sa brown na buhok niya."Pol.."
Simula niya at tipid na ngumiti."Pwede ba tayong magusap."
▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️
Pinili ni Janys na pumunta sa isang park ng gabing iyon. The park we used to go noong kami pa. Napakadami ng nagbago sa lugar na iyon. Nabawasan ng ilaw (dati ay may ilaw sa lahat ng sulok) ngayon ay iisa nalang, ilang metro ang layo sa swing na tanging pwedeng upuan. Madumi ang mga bench at ang iba ay may mga basyo ng alak na iniwan nalang basta ng mga tumambay doon.May mga basurang nakakalat na mukhang tinangay ng hangin ang iba mula sa kabahayan sa di kalayuan. Mukhang pinabayaan na ang dating malinis at tahimik na park. Umupo siya sa bakal na swing. Lumangitngit yun tanda na hindi na masyadong nagagamit. Umupo din ako. Napatingin ako sa kamay ko ng maramdaman ang pagkapit ng kalawang sa palad ko.
Kinumusta niya 'ko. Sinabi ko na medyo busy ngayon sa trabaho kaya wala ng oras para sumama ulit sa outing. Nabanggit ko rin na nakita ko siya sa TV kahapon sa ETC. Tumango lang siya at binigyan ako ng tipid na ngiti. Sinubukan kong ishift ang usapan dahil tangina,ilang na ilang ako. Pero ganun talaga siguro, babagsak na babagsak doon. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko ng oras na iyon. Wala namang ibang pwedeng pagusapan kung hindi iyon. Hindi ako pupuntahan ni Janys para kamustahin lang.
"I'm sorry,Pol."
Simula niya habang nakahawak ang magkabilang kamay niya sa makalawang na bakal ng swing."Okay lang no—"
"Please dont say that."
Putol niya na seryosong nakatingin sa'kin. Umiwas ako ng tingin at naglabas ng yosi. Iginalaw ko ang mga paa ko at nagsimulang iduyan ng bahagya ang sarili ko. Maririnig ang paglangitngit ng bakal ng swing sa ginawa ko."Natulog ka raw sa airport nung umalis ako."
Tuloy niya."Hindi ka daw pumasok sa school ng two weeks, inampon ka daw ni Kier sa apartment niya dahil ayaw mong umuwi..."
"Tanginang Kier 'yan."
Nasambit ko pagkatapos sindihan ang sigarilyo."Napakadaldal."
Kunwari hindi ko alam na narinig ko lahat ng iyon."Kaya wag mong sabihing 'its okay,"
Hindi ako sumagot pero napatingin ako sa kanya ng kalabitin niya 'ko. Nakaumang ang isang palad niya na parang may hinihingi."Bawal sa'yo 'to!"
Naibulalas ko."Pol, wala na'kong asthma."
Napilitan akong bigyan siya ng isang yosi kahit labag sa loob ko. Nakatingin ako sa kanya habang sinisindihan niya iyon. Nagbuga siya ng manipis na usok pagkatapos hithitin iyon. Mukhang sanay na sanay na siya."Nagyoyosi ka na pala."
"Stress.."
Tugon niya. Taliwas sa inarte niya nung outing, poise na poise pa'rin si Janys habang naninigarilyo."Bakit mo ginawa 'yun."
Hindi ko napigilang itanong sa kanya."Hinabol habol mo'ko nun diba? You made me fall inlove with you."
"I'm sorry.."
Matipid na tugon niya. Hindi ko masyadong maaninag ang ekspresyon niya ng oras na iyon, pero alam kong hindi na siya gaya ng dati na kapag nagkakatampuhan kami, kukulitin niya ako, magpapout, tapos pag hindi ko parin pinansin, iiyak na. Iyong sagad na sagad ang guilt tripping. Tahimik lang siyang nakaupo sa swing ngayom habang naninigarilyo."Bakit?"
"Galit ka nga sa'kin."
"Nagtatanong lang, hindi ibig sabihin galit ako."
"Eight years na,Pol. Wag mong paikutin sa'kin ang mundo mo."
Natigilan ako sa sinabi ni Janys at napatingin ulit sa kanya. Tila piniga ang puso ko sa sinabi niya pero mas nanaig ang pagkainis ko.
"Tangina pala eh. Nagsorry ka pa."
Padaskol akong tumayo at iniwan siya sa lugar na iyon. Habang naglalakad palayo, naisip ko na hindi lang pala ang Park ang nagbago, pati si Janys.
BINABASA MO ANG
EX (Completed)
Short Story"Pumasok ba sa isip mo,Pol.." Aniya. "..eight years ago, nung tayo pa.. Sumagi ba sa isip mo na baka hindi tayo sa huli?"