X/6

2.9K 33 3
                                    

  "Nilayasan mo? Ano ka, chiks?"
Hindi ko pinansin si Kier na ngayon ay nakaupo sa couch katabi si Leo sa loob ng apartment ko. Isang linggo narin magmula ng magkausap kami ni Janys at hanggang ngayon ay hindi iyon maalis alis sa utak ko.

"Ano ha, chiks ka? Chiks ka?"

"Isa pa, ihahampas ko talaga 'to sa'yo."
Tugon ko na hawak ng mahigpit ang isang bote ng alak.

"Lakas ng loob mong tawagin akong bading,ikaw pala 'tong pabebe!"
Narinig kong tumawa si Leo pagkatapos tumungga ng beer.

"Subukan mo ulit makipagusap,Pol."
Singit niya.

"Bakit pa?"
Sagot ko na hindi nakatingin sa kanila.

"Pinagtutulakan na'ko ni Janys. Ang laki ko namang gago kung ipipilit ko pa."

"Edi walang closure iyon?"
Ani Leo.

"Di uso closure kay Pol. Loyal yan, parang si Hachiko."
Tinignan ako ni Kier.

"Oh, baka gusto mo din matulad kay Hachiko? Manigas ka dyan kakaantay kay Janys."

"Gago."
Nagtawanan ang dalawa pero hindi ko sila pinansin. Naalala ko ulit iyong nangyari. Huwag ko daw paikutin sa kanya ang mundo ko. Walong taon, pero tangina talaga, masakit pag galing mismo kay Janys ang mga salitang iyon.

"Ang problema kasi sa'yo, masyado kang hard to get, dika naman kulangot."

"Gago. Umuwi ka na nga!"

"Joke lang,pre."
Inakbayan ako ni Kier, sabay tawa.

"Pero seryoso, be a man. Wag mong pairalin 'yang galit o kung ano man yang nandyan sa dibdib mo. Wala kang makukuhang sagot mula kay Janys kung ganyan ka. Isa pa, eight years na, tanggapin nalang natin na iba na siya. Hindi na siya iyong Janys na minahal mo."

HINDI NA SIYA IYONG JANYS NA MINAHAL MO.

"Kiss."
Napakunot noo si Mary sa akin habang nagyoyosi siya sa maluwang na balkonahe na parte ng office namin ng hapong iyon.

"Si Eric Carr,"
Tuloy ko.

"Drummer of Kiss."

"Ahhh.."
Ngumiti siya.
"Weird mo."

"Mary.."
Bumuntong hininga ako.

"Nag walk out ulit ako."
Narinig ko ang mahinang pagak na tawa niya.

"Gago."

"I know."

Narinig ko ang takong ng sapatos niya na palapit sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko nalang ang pagkutos niya sa ulo.

"Aray!"
Nasapo ko ang ulo ko at gulat na napatingin kay Mary.

"Kulang pa 'yan!"
Akmang kukutusan niya ulit ako pero umatras ako.

"Hep!"
Tinaas ko ang mga kamay ko kaya napahinto siya.

"Masakit na ang puso ko, wag mo na'kong saktan, please."

"Because you're stupid."
Seryosong tugon niya na nagpawala ng mga ngiti sa labi ko. Ineexpect ko na makikipagbiruan siya sa akin pero mukhang inis si Mary. For the first time, mukhang galit siya.

"Pinili mong masaktan.Kasi marami namang options pero umaatras ka. Yan ang problema sa'yo Pol eh. Kinulong mo si Janys diyan."
Gamit ang hintuturo niya ay paulit ulit niyang tinusok ang dibdib ko.

"Gusto mo ba ng ganyan? Naghahabol? Umaasa? Nasasaktan? Sa tuwing maguusap kayo, tumatakbo ka? Bakit? Kasi ayaw mong tanggapin that she's not the girl you loved eight years ago?"

"Ano bang sinasabi mo? Tanggap ko kung ano si Janys ngayon."
Umismid siya at sinamaan ako ng tingin.

"Tama nga si Janys, kulang ka sa brain cells."
Pagkatapos sabihin iyon ay tumalikod na siya at nagmamadaling iniwan ako sa veranda. Napahawak ako sa ulo ko habang iniisip ang mga sinabi ni Mary.

"Pol."
Napalingon ako ng marinig ang boses ni Kier.

"Let's talk."

Ilang bungkos ng sulat ang inilapag ni kier sa table ko ng makaupo ako sa swivel chair.

"Nakalimutang ibigay nung may ari ng apartment nyo dati. Hindi na daw niya macontact Nanay mo 'nung umalis kayo eh."

Four months after umalis ni Janys, lumipat kami ng apartment ni Nanay, iyong malapit kina Kier.

"Buti nakilala ako, nakita ko siya sa Post Office kanina eh."
Hinawakan ko ang mga sulat na halos mawala na ang original na kulay.

"Kinuha nalang daw niya, kasi baka daw galing sa girlfriend mo. Kilala pala niya si Janys dati."

Napaawang ang labi ko ng basahin ang pamilyar na sulat sa kulay pink na sobre.

"New York..."  

EX (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon