DEAR POL,
How are you? Nakakatawa no? Nakipagbreak ako pero heto ako, nagsusulat sa'yo. Hindi ko na kasi kayo macontact ni Tita tapos hindi ka din nagrereply sa email ko. Hindi mo pa'rin ba maalala password mo? Email me pag naalala mo na,ha?
Pol, after nine years, nakita ko ulit si Mommy. She's so pretty, hindi ako makapaniwalang nanay ko siya. She's with Smith nung sinundo nila ako. Smith is her american boyfriend, five years younger than her. Ang tangkad,parang si Daddy long legs.. Suddenly, nung nakita ko silang magkasama, nalungkot ako para kay Daddy.
New York is really crowded. Maingay gaya din ng Manila. Madaming ilaw. Nakakahilo. I was standing in the center of Times Square lastnight habang nakatingala for almost thirty minutes, looking for a star. I want to see a star, Pol. Gusto kong makita iyong isang bagay na nakikita mo din diyan. Iyong kaisa isang star na nakikita natin pag umuuwi tayo from school.
I'm sorry,Pol. Alam ko, napakalaki kong tanga para iwan ka. Nagdadalawang isip pa ako kung ilalagay ko ito sa post box..."
Itinupi ko ang sulat na iyon at umayos ng higa sa kama ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Parang hindi kayang ihandle ang lahat ng nababasa ko.
"DEAR POL,
Naghintay ako ng response mo. It's been three months since I send the letter. Pol,wala akong makausap dito. Mom is always busy, and sometimes si Smith ang naiiwan dito kaya nagkukulong ako sa room ko.
Gusto kong maging model,alam mo iyon,Pol.Ginawa ko iyon para hindi ka umasa. Gusto ko, free kang gawin ang gusto mo habang wala ako. I'm not sure kung kelan ako babalik, at mahihirapan lang tayo pareho.. Ayokong mangako dahil baka hindi ko matupad..
Ang lame ba ng mga reasons ko? I'm sorry...""DEAR POL,
I talked to Anna, remember her? Iyong blockmate ko dati? Iyong may bangs?Good thing I saw her online sa ym. Lumipat na pala kayo ng bahay? She even told me kung anong nangyayari sa'yo.
Pol, wala ka namang dapat ipag alala. Kumakain ako ng mabuti, natutulog sa tamang oras, and I also found a friend. He's our neighbor, a college student din. And also, mommy wants me to enroll in a modelling school, pumayag ako. I want to achieve that dream.
Pol.. Lets achieve our dreams together. Ipamukha mo sa akin na mali ako.. na kaya mong tumayo ng wala ako. Kasi ako, kinakaya ko."
"DEAR POL,
Anna advised me to stop sending you letters kasi baka daw hindi mo naman nababasa. Gusto kong kunin ang address mo pero hindi ko alam kung pa'no. Awkward naman kasi kug uutusan ko pa si Anne na kunin sa'yo,o kay Kier. Pero hindi bumabalik sa akin ang mga sulat ko, meaning may kumukuha no? Ibinibigay naman siguro sa'yo ni Tito Fred?
Nakwento din ni Anne na pumapasok ka na daw sa school, nag aaral, tapos tumatawa ka na daw.
Pol, galingan natin,ha?
And if ever makuha natin ang mga iyon, if possible, gusto kong magsimula tayo ulit..""DEAR POL,
Merry Christmas! Ang cute ng card no? Ang lamig lamig dito,Pol! Diyan ba? Siguro kasama mo si Tita ngayon no? Andiyan siguro sina Kier no? Binigyan mo na naman siguro ng pulang brief? Magisa lang ako dito sa bahay habang sinusulat 'to. Umalis kasi sina Mommy saka Smith. Its freaking December 24 and I am here alone!
Buti nalang ininvite ako ni Josh sa kanila kanina. Medyo nawala lungkot ko.."
Nagkukwento siya tungkol sa pag aaral niya, about her busy mom at tungkol sa mga namimiss niya sa pilipinas. At kahit hindi siya siguradong nababasa ko ang mga iyon, nagtuloy tuloy ang pagpapadala niya ng sulat sa loob ng limang taon. Christmas, Valentines, Birthday ko.. At halos dalawang beses siya nagpapadala kapag bakasyon nila. Iyong halos ginawa na niyang diary iyong mga sulat niya.
"DEAR POL,
It's been five years.
Kumusta ka na kaya? Graduate ka na siguro? Nagrereview ka na siguro for the licensure exam? Sayang, kung hindi lang sana nagtransfer si Anne,may balita pa siguro ako sa'yo.Magparamdam ka naman,Pol.
I can't stand Smith. Naglayas ako. Galit na galit si Mommy sa akin. Wala pa naman daw akong stable job. Paextra extra lang ako sa modelling so I can't afford to rent an appartment.Mom was crying. Hindi ko masabi sa kanya ang totoo,Pol. Hindi ko masabi na pinagtangkaan ako ni Smith nung naiwan kaming dalawa sa bahay. I was so scared. Mabuti nalang at narinig ako ni Josh.
Josh suggested na magfile ako ng kaso, pero tumanggi ako. Mom is so happy with Smith. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Smith sa kanya pero mukhang mas masaya pa si Mommy sa boyfriend niya kaysa sa akin na anak niya. And if ever man na magsumbong ako, I really hate to say this, pero alam kong kakampihan niya si Smith. Pol, I'm so tired.."
"POL,
Hindi ko alam kung makakapagsulat pa ako. Lumipat na ako ng apartment. Medyo dumarami na'rin offer sa'kin. Magiging busy yata ako.."
Napabuntong hininga ako pagkatapos basahin iyon. Wala ng 'DEAR POL'. Ito iyong mga panahon na kailangan ako ni Janys at masakit malaman na wala man lang akong kaalam alam sa mga nangyari sa kanya noon.
"DEAR POL,
"....It's been five years.
Hanggang dito nalang ba tayo,Pol?
Ayoko pang bumitaw.. Gusto ko pang umasa. Napakalaki kong tanga,diba Pol? Ang tanga tanga ko. Nakipaghiwalay ako pero heto ako, iniiyakan ka. Nakamove on ka na siguro,no? Naaalala mo pa ba ako,Pol?
Wag mo'kong kakalimutan ha? Kasi mahal na mahal na mahal kita. At kahit anong mangyari, kahit saan ka mapunta, kahit may makilala kang bago,wag mong kalimutan si Janys ha? Iyong babaeng weirdo. Iyong minahal mo. Iyong iniwan ka. Iyong pinagpalit ka sa pangarap niya. Iyong hindi makamove on sa'yo. Iyong mahal na mahal ka."
BINABASA MO ANG
EX (Completed)
Short Story"Pumasok ba sa isip mo,Pol.." Aniya. "..eight years ago, nung tayo pa.. Sumagi ba sa isip mo na baka hindi tayo sa huli?"