ENDING

4.4K 70 17
                                    

BGM: ▶️
(PASENSYA KA NA-Silent Sanctuary)


"I'm sorry."
Simula ko upang basagin na din ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa ni Janys. Nakaupo kami ngayon sa bench sa maluwang na garden ng hotel kung saan siya nagi stay.

"Wala ka namang dapat ipagsorry."

"Meron."
Tugon ko.

"Hindi ko dapat ginawa iyon."

Hindi ko narinig ang sagot ni Janys kaya lumingon ako. Nakatitig siya sa maliit na fountain na nasa harap namin at may maliit na ngiting nakaukit sa labi niya.

"Pumasok ba sa isip mo,Pol.."
Aniya.

"..eight years ago, nung tayo pa.. Sumagi ba sa isip mo na baka hindi tayo sa huli?"

Umiling ako. Hindi. Hindi naman talaga. Wala akong inisip kundi future namin ni Janys noon—kung kelan kami ikakasal,kung anong magiging pangalan ng anak namin,kung saan kami titira. Napakasarap mangarap ng mga panahong iyon. Noong panahon na akala ko hindi siya mawawala sa'kin.

"Expectations.."

"Wala akong choice."
Umayos ako ng upo sa bench. Yumuko ako at inilagay ang magkabilang braso ko sa hita ko. Pinagsalikop ko ang mga palad ko habang nagsasalita.

"Doon lang naman ako pwedeng kumapit."

Hindi ko narinig ang sagot niya. Ibinaling ko sa ibang direksyon ang mata ko. Nakatingin na'rin ako sa fountain gaya niya.

"Nadapa ulit ako nung iwan mo'ko."
I sighed bago nagpatuloy.

"Pero dun ko narealize na may mga taong kaya akong iangat bukod sa'yo."

Napansin ko ang bahagyang pagtango niya.

"Hindi pala maganda iyong idepende mo ang buong buhay mo sa isang tao."
Pagtutuloy ko.

"Tangina,pag nawala siya, hindi mo alam kung pa'no ka tatayo ulit."

"Pero nagawa mo,Pol."
Nakangiti si Janys at nakatingin sa akin. Iyong mapait na ngiti.

"Dahil gusto kong ipamukha sayo."
Mapait din na tugon ko. Naglabas ako ng yosi at sinindihan iyon. Hinintay ko siyang humingi pero nanatili siyang nakaupo sa bench at nakatingin sa fountain.

"Dahil gusto kitang sundan sa States pag nagkatrabaho ako."

"Bakit di'mo ginawa?"

"Sikat ka na eh."

Hindi siya agad sumagot kaya sinulyapan ko siya. Napalis na ang ngiti niya kanina.

"Babalik na'ko bukas,Pol."

"Janys..."
May konting pagmamakaawa ang tinig ko ng oras na iyon. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Naalala ko iyong sinabi ni Mary noong nakaraan, na hindi ko tanggap si Janys—ang bagong Janys. I still do. Let me rephrase it. I still love her.

"Pol, bumalik ako dito para kausapin ka."
Aniya at seryosong ibinaling ang tingin sa akin.

"Pol, kelangan mong mag let go."

"Wag mo'kong diktahan sa nararamdaman ko,Janys."
Agad sagot ko.

"Kasalanan ko ba kung dika maalis dito?"
Itinuro ko ang dibdib ko.

"Eh tangina kung ganun lang sana kadali,baka ngayon palang may anak nako eh."

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Itinapon ko naman ang natitirang yosi ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang bahid ng lungkot sa mga mata niya. Namura ko ng lihim ang sarili ko. I crossed the line again. Hindi dapat ganito. Hindi ko dapat ipilit kay Janys ang gusto ko.. Ang puso ko.

EX (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon