Wattpad Original
Mayroong 14 pang mga libreng parte

1. Betrayed and Pregnant

869K 14.9K 555
                                    


"Ano 'yang mga 'yan?" Usisa niya kay Zyra nang ilapag nito sa desk ang litrato ng iba't-ibang lalaki from local and foreign television.

"Mga pictures ng mga lalaking kailangan mong titigan gabi-gabi para maging kamukha ng anak mo paglabas niya!" Excited nitong wika, inginuso pa ang maliit na umbok niya sa tiyan.

"Zyra naman eh! Tantanan mo muna ako niyan, pwede? Hindi mo ba nakikitang marami akong ginagawa?" Singhal niya dito. She was having a bad mood again dala na rin ng pagbubuntis niya. Halos lahat nalang ng bagay kina-buwi-buwisetan niya.

"Tungkol na naman sa Cassiopeia na 'yan? Ba't ba masyado kang obsessed sa bahay na 'yan eh matagal na namang patay si Auntie Therese? Hindi na niya malalaman kung tinupad mo ang pangako mo o hindi!" Pairap nitong sagot.

"This is not just about the promise I've made kay Auntie. Gusto ko pa ring makuha ang Cassiopeia para maipamukha sa Carlos Pratley na 'yun na kahit hindi siya tumupad sa usapan ay napasakin pa din ang bahay!"

"As if naman magkikita pa kayo 'no! Umalis na ng bansa ang hudas na 'yun at hindi natin alam kung babalik pa siya o hindi. Mag-move on ka na Yvette. Lumalaki na 'yang bata sa sinapupunan mo. Gusto mo bang magmukhang stress 'yan paglabas?"

Hindi na siya nakasagot pa sa talakera niyang kaibigan dahil totoo naman ang sinasabi nito. Nagpunta siya sa bahay ni Carlos Pratley upang gamitin ang pagkakagusto nito sa kanya para mabawi ang Cassiopeia na noon ay pag-aari ng kompanya nito. Ang bahay na iyon ay naisanla sa Pratley, Inc para sa pagpapagamot ng Auntie niya sa ibang bansa. Nang mamatay ang matanda ay tuluyan siyang nabaon sa utang at hindi na nabawi pa ang bahay.

Ninais niyang bawiin iyon sa pamamagitan ni Carlos Pratley na sa 'di malamang kadahilanan ay lihim na nagkagusto sa kanya. Panay ang padala nito ng bulaklak. Hanggang sa isang araw, 'di niya inaasahan, ay nagpadala ito ng imbitasyon sa bahay nito.

Aminado siyang mali ang kanyang paraan pero desperada siya. Minsan na nga lang siyang nagbalak ng masama nag-backfire pa sa kanya. Hindi tumupad sa usapan si Carlos. Nang matapos ang gabing may namagitan sa kanila ay lumipad ito sa Australia at hindi sigurado kung babalik pa o hindi na.

Nagpabalik-balik siya sa opisina nito pero walang makapagsabi kung ano ang plano nito. Hanggang sa nabalitaan niyang nalipat na ang titulo ng Cassiopeia sa isang pribadong tao na hindi niya alam kung sino.

"This baby was an accident. Hindi ito kasali sa plano natin 'di ba?" Mangiyak-ngiyak niyang turan kay Zyra matapos maalala ang mga pangyayari.

"'Wag ka ngang umarte diyan. Nandiyan na 'yan, tanggapin nalang natin. As if naman you're the only disgrasyada in town!"

"At least 'yung ibang disgrasyada diyan may naipakita munang boyfriend in town. Eh, ako? Kulang nalang isipin nilang nabuntis ako ng engkanto!"

Sumimangot lamang si Zyra. Isinaksak sa kanya ang printed pictures ng isang Koreanong artista. "Oh, heto si Lee Min Ho, pakatitigan mo sa gabi baka sakaling maging kamukha niyang baby mo at nang may maipakilala na tayong tatay niyan!"

Nang tuluyan siyang umiyak ay saka lamang natinag si Zyra. Mahal siya nitong bestfriend niya. Kahit masungit ito minsan alam niyang hindi siya iiwanan sa ere.

"And you know what's more disappointing? Hindi ako makapag-apply for financial assistance para sa expansion ng gallery natin. Kailangan ba 'pag mangungutang ka may certificate of good moral ka? Bawal ang disgrasyada? Nakaka-irita!"

"Eh, nasa Pilipinas ka eh. Ang mga tao dito hindi maka-move on sa issue ng single motherhood! Hayaan mo na muna 'yan Yvette. Hintayin mong lumabas si baby saka tayo gumawa ng hakbang, okay?"

"Hindi pwede. I need to expand the gallery as soon as possible! Gagawin kong collateral 'yun para sa Cassiopeia."

"Pero private property na ang Cassiopeia. Hindi na ito pag-aari ng Pratley, Inc!"

"Kaya bilisan natin ang kilos bago pa man i-renovate o sirain ng kung sinong Pilato ang bahay ng Auntie ko!"

Napailing na lamang ang kaibigan niya.

Savage Billionaire's ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon