Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

10. The Prince's Display of Temper

635K 15K 512
                                    


"Ano, nakausap mo ba?" Tanong ni Yvette kay Zyra. Pinatawagan niya si Phoenix sa kaibigan upang banggitin dito ang tungkol sa party.

"Naka-divert 'yung tawag sa assistant niya. Simula daw ngayon ito na 'yung tutugon sa mga pangangailangan natin. Masyado daw busy si Phoenix para maabala sa 'tin 'tsaka madalas daw out of the country."

Walang ganang tumango si Yvette. Bakit niya ba kasi kailangang magpaalam sa lalaking iyon at ikumpisal ang lahat ng pupuntahan at gagawin niya sa buhay? Malinaw na wala itong pakialam sa kanya, kaya hindi na siya mag-aaksaya ng panahon na kontakin ito.

"Oh, ano, pupunta ba tayo sa party na 'yan? Wala naman tayong kasama, 'tsaka sigurado ako si Phoenix lang ang dahilan kaya bigla tayong naimbita." Ani Zyra.

"I need to unwind, Zyra. Pumunta tayo kahit saglit lang. Isa pa ayokong pagmulan na naman ito ng katakot-takot na tsismis. Mas mabuti nang sumunod sa agos."

Kaswal na green dress at flat na sandals lang ang isinuot ni Yvette sa party. Ang totoo ay hindi siya komportable dahil wala naman siyang ka-close na mga tao sa lugar nila. Madalas pa nga siyang sentro ng tsismis nang mabuntis siya at unknown specie ang ama.

"Kayo lang?" Ani Karene pagdating nila sa party. Malawak ang bakuran ng presidente nila at natatanglawan ng mga dilaw na liwanag ang mga halaman sa paligid. Madami na ring tao ang naroon at may kanya-kanyang kumpulan.

"May ine-expect ka pa bang iba, Karene?" May halong inis ang tono ni Zyra.

"Hindi niyo ba kasama ang tatay ng pinagbubuntis ni Yvette? Opss... Wala bang tatay 'yan?" Tila nang-aasar na bwelta ni Karene kay Zyra.

Sasagot pa sana ang kaibigan niya ngunit hinawakan na niya ito sa braso. Kagaya nga ng sabi niya, ayaw niya ng gulo at mas lalong ayaw niyang humakot ng atensyon.

Pare-pareho silang napatingin sa maliit na entablado nang i-announce ng emcee ang pagdating ng anak ng presidente ng homeowners'—si Joline.

"Oh, she's still very pretty."

"Nakakainggit naman si Joline."

"Mas maganda ka pa nga diyan." Bulong ni Zyra sa kanya. Siniko niya ito. "In fairness naman sa kanya gwapo ang escort niya."

Narinig ni Karene ang huling sinabi ni Zyra. "That's Fret, kaibigan ni Joline sa Australia. Aside from the obvious good looks matalino at mayaman din 'yan! We heard pinsan siya ng isa sa mga Princes of Hell—oopps, hindi siguro kayo familiar do'n kasi pang elite circle lang 'yun." Sabi pa ni Karene.

Umangat ang kilay ni Zyra. "Familiar with what? With the elite lists of billionaire bachelors with attitude ba? Of course, alam namin ang tungkol do'n!" Mataray na bwelta ni Zyra.

"Really?" Tapos ay malanding humagikhik ang mga babae sa paligid nila na kasamahan ni Karene.

Sasagot pa sana si Zyra kung 'di lang biglang lumapit sina Joline sa gawi nila. Kasama ni Joline si Fret na tila nakatitig sa kanya.

"They are your new friends, I guess?" Tukoy ni Joline sa kanila.

"Hindi, kapitbahay lang. Yvette and Zyra." Walang kagana-ganang pagpapakilala ni Karene.

"Yvette?" Kunot noong tanong ni Fret. Napatingin ito sa umbok niyang tiyan. Inabot din nito ang kamay niya ngunit hindi na binitiwan. "My name is Fret. Nice meeting you. Your name sounds familiar parang narinig ko na somewhere. Ano na nga ulit ang surname mo?"

Binawi niya ang kamay niya. Nagdalawang-isip siya kung sasagutin ito. "dela Merced."

"Yvette dela Merced..." Tumango si Fret. His eyes were suddenly careful.

Savage Billionaire's ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon