Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

12. Baby Boy Dizeriu

612K 13.3K 259
                                    


"Bro, nakakatakot ka doon sa party alam mo ba 'yon? Tinawagan ko nga ang head security mo na magpadala ng tao dahil baka magwala ka! Kinabahan ako sa 'yo." si Fret. "It's nothing new, I've seen you lose your temper many times pero Bro dun sa party ang pinakamalupit so far!"

"Nakakapikon."

"Naawa lang talaga ako kay Yvette kaya tinawagan kita, kung alam ko lang na ganoon magiging reaksyon mo hindi ko na sana pinaalam—"

"What did you just fucking say??" bigla ang pag-angat ng galit sa boses niya.

"Chill broh, hindi ako ang kaaway mo" depensa ni Fret. "I'm sorry, ok? Naisip ko lang na pwede namang ako nalang ang sumaway sa mga taong 'yon. And were you thinking straight nang I-announce mo in open public with cameras around na ikaw ang ama ng pinagbubuntis ni Yvette? Bro lalabas sa media 'yon."

"That's why I called you to take care of it." Natutop niya ang noo at napapikit nang mariin. " I know that was reckless. I just can't help it. Isa pa, Yvette has confirmed it, ako ang ama ng bata. With or without the DNA I knew she was telling the truth."

"Unbelievable. All of a sudden magiging daddy ka na. Siguro maiintindihan ko rin ang nararamdaman mo kapag nangyari sa 'kin 'iyon pero ngayon I seriously think you frightened the whole town with your little display of temper."

"Wala akong pakialam. Hindi naman na siya babalik doon. Dito na siya titira sa 'kin.

"Pumayag si Yvette?"

"She doesn't have a choice."

"Akala ko ba ayaw mo siyang ma-stress? Eh labag pala sa loob niya ang ginagawa mo eh."

Kumunot noo ni Phoenix. "Sa simula lang 'yon. Masasanay din siya."




Nagising si Yvette sa marahang haplos ng mga daliri sa kanyang pisngi. Pagdilat niya ay nasa loob na siya ng isang malaki at magarang kwarto. Nakaupo si Phoenix sa gilid ng kama niya at matamang pinagmamasdan ang mukha niya. Napakurap siya. Alam niyang namula siya bigla sa pagkapahiya.

"You're crying in your sleep. Is there anything bothering you?" Tanong nito.

Umiling siya.

"You have to tell me what's going on, so I can take care of it for you. Ang tigas ng ulo mo sinabi nang hindi ka pwedeng ma-stress dahil masama sa bata."

"Gusto ko ng umuwi." Matigas niyang sagot.

Mariing napapikit lang si Phoenix, alam niyang pinipilit lang nitong 'wag magalit. Hindi siya mapakali, imposible ang hinihiling nitong 'wag siyang ma-stress lalo't ang galit nitong mukha ang lagi niyang nakikita.

"Gusto mo bang mag-breakfast? Nakahanda na sa baba." Sa halip ay sabi nito. Alam niyang mas makabubuti kung hindi niya sasagarin ang pasensya nito. "Bumangon ka na. Sabay na tayong kumain. We're gonna have a long day today."





Dinala siya ni Phoenix sa clinic ng kanyang magiging personal OB-GYNE. Kumpleto ang mga facility dun and the female doctor was the best in town. First class treatment of course for the baby Dizeriu.

"It's a healthy baby boy!" Deklara ng doctora after the ultrasound.

Nang lingunin niya si Phoenix, nagningning ang mga mata nito sa katuwaan, noong mga sandaling iyon animo ito'y isang anghel na nabigyan ng biyaya. 'yun ang unang pagkakataong nakita niyang gano'n kaaliwalas at kasaya ang mukha nito.

"A boy..." nakatangang usal nito habang walang poknat ang tingin sa monitor na nagsisilbing mata sa loob ng tiyan niya. They could see the tiny figure of their son using the best and the latest equipment available.

Nabaling ang tingin nito sa kanya, he was smiling brightly on her too. Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan. Napasinghap si Yvette sa hindi inaasahang gesture na iyon. She hoped that the machine didn't catch it. Dahil biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa ginawa nito.

"What's wrong?" Kunot noong tanong ni Phoenix nang makasakay sila sa kotse. "Kanina pa kita napapansin sa clinic, hindi ka ba masaya na lalaki ang anak natin?"

Anak natin. Lintik na puso 'to bakit ba ako nagkakaganito? Para lang sa isang halik sa kamay? Rendahan mo ang sarili mo Yvette dahil kung hindi pupulutin ka sa kangkungan na luhaan at duguan. "Ok lang kahit na ano pa siya..."

"Eh, bakit kanina ka pa hindi umiimik? Masama sa bata na lagi kang ganyan." Asar na naman ang tono nito at salubong ang mga kilay.

"Sorry. Hindi lang kasi maganda pakiramdam ko."

"Gusto mo bang bumalik tayo sa hospital?"

"Hindi na. Normal lang naman ito sa mga buntis."

Ngunit nakasimangot pa rin si Phoenix. "Let's have a drive outside the city kailangan mo ng sariwang hangin."

Savage Billionaire's ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon