Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

8. Magic

633K 12.6K 166
                                    


Madilim na nang imulat ni Yvette ang mga mata. For one insane moment, she thought she would find Phoenix beside her—holding her hand while watching her sleep. Ngunit kinurot ang puso niya nang hindi makita si Phoenix sa tabi.

She was just dreaming. Right. Stupid. Dahil kung gising siya, hindi niya rin hahayaang mahawakan ni Phoenix ang kamay niya.

"Gising na pala ang friendship kong hayop kung maka-ninja moves," nakatawang bungad ni Zyra sa kanya.

"Ninja moves ka diyan."

"Oh, bakit? Hindi ba? Kunwari ka pa. Sumakit siguro ang katawan ni Phoenix dahil sa 'yo. Tatlong oras ba naman siyang parang tuod diyan na nakabantay sa paghilik mo, kawawa naman 'yung tao hindi makaalis dahil sa higpit ng hawak mo sa kamay niya."

"That's not true!" Depensa niya. Nanlaki ang mga mata niya dito. Sumikdo ang dibdib. So, hindi 'yun panaginip?

"Na humihilik ka?"

"Na hinawakan ko ang kamay ng halimaw na 'yun! Nakakadiri! Masyadong masama ang ugali!"

"You looked peaceful holding his hand though." Sabay tawa.

"I was probably dreaming of something else." Ganti niya.

"Bakit namumula ka?" Tudyo pa ni Zyra.

"Pwede ba? Tantanan mo ako dahil galit na galit ako sa lalaking iyon! Hindi ko siya mapapatawad sa pagtawag niyang pokpok sa 'kin. Ang sakit niyang magsalita, ang bilis niyang manghusga ng tao! Siya nga 'tong mapagsamantala!"

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Zyra dahil sa inis na nakikita nito sa mukha niya. Napaiktad pa ito nang tumunog bigla ang cellphone. "Hello, Phoenix..."

Napatitig siya dito.

"Yeah, gising na siya. Okay, sige, gagawin ko." Malumanay na sagot ni Zyra. Binaba ang phone at binalingan siya.

"He called you?"

Tumango si Zyra. "Kinuha niya ang phone number ko, pinababantayan ka niya sakin ng mabuti. Yvette, tingin ko gusto niya ang batang 'yan sa tiyan mo."

"Natatakot ako sa kanya, Zy."

"Ako din naman. Pero hindi naman niya siguro sasaktan ang ina ng anak niya, hindi ba?"

"Pa'no kung kunin niya ang anak ko?"

Natigilan si Zyra. Kapareho niya, hindi din nito sigurado kung ano ang gagawin kapag nangyari 'yun. Naputol ang pag-uusap nila nang ilan sa mga kapitbahay niya ang kumatok.

"Welcome party ng anak ng president ng homeowners' association natin this coming weekend and we were hoping na sana pumunta kayo." Nakangiting inabot ni Karene sa kanya ang invitation.

"Bakit biglang imbitado kami?" Singit ni Zyra.

"Why not? Taga dito naman kayo, imbitado ang lahat."

Sumimangot lang si Zyra. Alam kasi nilang nagsisinungaling ang mga ito. Piling tao lamang ang imbitado kapag may social party sa lugar nila. Hindi naman kasi friendly sa lahat ang presidente.

"Sige, susubukan naming makadalo." Tipid ang ngiting binigay niya sa mga ito.

"That's wonderful! Sige ha, aasahan namin kayo!"

Parang alam na nila ang dahilan ng biglaang imbitasyon. Nasilayan ng mga ito ang Ferrari ni Phoenix. Mas lalong naningkit ang mga mata ng kaibigan niya sa asar. Siniko niya ito para 'wag nang magkomento dahil baka humaba lang ang usapan.

Savage Billionaire's ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon