Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

13. Behind His Mystery

684K 13.5K 469
                                    


Pinilit niyang mag-enjoy sa magagandang tanawin na nakikita niya sa labas ng bintana. Wala silang imikan ni Phoenix sa biyahe. Itinigil nito ang sasakyan sa isang hindi pamilyar na resort sa labas ng siyudad. The scenery instantly took her breath away. Narinig niya agad ang lagaslas ng mga alon sa dalampasigan.

"Ang ganda dito, ang sarap ng hangin!" Aniya matapos huminga ng malalim.

"I'm glad you like it. I rented the whole area. Nahirapan ang assistant ko na maghanap ng lugar na kagaya nito para sa 'yo..."

Napatingin siya dito. Nakangiti na ito sa kanya. Maaliwalas na ulit ang mukha kagaya no'ng nasa clinic pa sila. Gusto niya kapag ganito ang mood ni Phoenix kasi pakiramdam niya pwede niya itong lapitan at yakapin. Dinala siya nito sa dalampasigan kung saan pino at kulay puti ang buhangin.

"Let's go for a walk?" Yaya nito. "Hanggang do'n sa niyog sa dulo."

"Ha? Ang layo naman!"

"Kaya mo 'yan, tara na!" Masaya nitong turan na parang batang ngayon lang nakalabas ng hawla. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila patungo sa buhanging naaabot ng mumunting alon. Nakakahawa ang tawa ni Phoenix kaya kahit marami siyang agam-agam tungkol dito ay hindi niya napigilang sumabay na rin sa pagtawa nito.

"Parang ang saya mo..." Puna niya.

"Bawal ba?" Balik ni Phoenix sa kanya. Abot-tainga ang ngiti nito. Parang hindi siya sanay sa ganitong bahagi ng pagkatao ng lalaking ito. Lumalambot ng kusa ang puso niya para dito. Marami siyang gustong itanong ngunit kinakabahan siyang baka magbago ang mood nito kaya nanahimik na lang siya.

"Magagalit ka ba kung aaminin kong I did some background check on you?" Biglang baling nito sa kanya.

"Tungkol sa'n?"

"Sa lahat."

"Hindi siguro. I somehow expected it from you." Kibit-balikat niyang tugon.

"Hindi ka galit?"

"Kahit magalit ako wala din naman akong magagawa, 'di ba?"

Tumawa ng maiksi si Phoenix. Naaaliw talaga siya ng sobra sa mga ngiti nito. "They told me you never had a boyfriend."

"Nakapagtataka ba 'yun?"

Napatitig ito sa kanya na para bang isang malaking kasinungalingan sa pandinig nito ang sinabi niya.

"Marami akong pinagkaka-abalahan sa buhay. Wala akong panahon sa boyfriend-boyfriend na 'yan. Lumaki akong kontento sa piling ng Auntie ko at bestfriend kong si Zyra na parang kapatid ko na. Isa pa, wala namang nanligaw sa 'kin. Hindi ako gano'n kaganda para pagtiyagaan ng mga lalaki. Walang matinong papatol sa ka-weirduhan ko. Malaking turn-off para sa kanila ang obsession ko sa mga exotic at mga lumang bagay. Pati nga ang Cassiopeia na kung tutuusin ay bulok na bahay na pinagkakainteresan ko pa rin." Mapait ang ngiting pinawalan niya.

Wala pa rin siyang nakuhang sagot kay Phoenix. Nakatitig lang ito sa mukha niya dahilan para mag-init ang magkabila niyang pisngi.

"Kung meron kang gustong malaman, itanong mo nalang sa 'kin ng diretso. Kahit gaano pa nakakahiya ang kwento ng buhay ko, sasabihin ko sayo lahat ng gusto mong malaman."

"Ano naman ang nakakahiya sa kwento ng buhay mo?"

"Anong nakakahiya?" Tumatawa niyang tanong. "Yung nabuntis ako ng isang lalaking ni hindi ko kilala. Nakakahiya 'yung ako pa talaga ang nagpunta sa bahay ng kaisa-isang lalaking nagyaya sa akin ng date. Gano'n ako ka-pathetic. Gano'n siguro kapag pangit ka, kailangan mong lumandi."

"Seryoso ka ba?" Hindi maipinta ang kunot sa noo ni Phoenix.

"Mukha ba akong nagbibiro? Hindi mo nakita kung gaano kakapal ang salamin ko noon. Hindi mo nakita kung gaano kakapal ang buhok ko at kung gaano ako kapayat. Betty la fea and peg ko noon, except that hindi ko kamukha si Bea Alonzo. Noong elementary ako kapag may play kami sa school, ako lagi ang gumaganap na aswang, na mangkukulam, at pati na halimaw sa banga. Sabi kasi ng mga kaklase ko kahit hindi na ako mag-make up in character na ako!" Natatawa ko pang turan sa kanya habang inaalala ang mga masasama ngunit nakakatawang pangyayari noong bata pa ako.

Savage Billionaire's ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon