Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

14. Growing Feelings For the Man Who Doesn't Care

596K 13.1K 175
                                    


Mas lalong lumungkot ang mga mata ni Yvette.

"Hindi naman importante ang nararamdaman ko dahil hindi naman 'yun mahalaga para sa taong 'yan. He just sees me as a baby container na kailangan niyang alagaan hanggang makalabas ang anak niya."

"Whoa! That's harsh." Komento ni Zyra. "If looks can kill, patay na 'yang babaeng 'yan sa mga tingin mo palang." Puna pa nito nang mapansing walang poknat ang tingin ko sa magandang customer na inaasikaso ni Phoenix. Napakurap siya at nagbaling ng tingin. Ano ba 'tong nararamdaman niya? Hindi na niya maipaliwanag ang sarili.

"Ang galing niya noh? Ngayon alam ko na kung bakit mahal sila ng mga tao kahit may demon-like attitude silang mga Prince of Hell..." puna ni Zyra.

"Bakit?"

"Look at the smile. Look at the eyes. Listen to the voice...nakakahypnotize grabe! Hindi mo kakayaning tumanggi. They could be angel-personified if they want to."

"Don't forget the demon lurking inside them..." bulong pa ni Yvette sa mga sinabing yun ni Zyra. "They are capable of ruining you into shards and pieces."




"Gano'n lang kadali 'yun? Konting ngiti, konting kindat, konting bola halos hakutin na ng costumers ang mga items sa shop." Nakatawang pahayag ni Yvette nang makauwi sila ng mansyon.

"Wala 'yon. Hindi naman mahirap ibenta ang mga items mo."

"Ang tagal na namin sa ganitong business hindi gano'n kadali ibenta ang mga 'yun. Magaling ka lang talaga, ngayon alam ko na kung bakit sobrang successful ang company mo. Kasi dinadaan mo diyan sa itsura mo, pungay-pungay ng mata, ngisi-ngisi, ayon deal sealed na."

Napatawa ito ng malakas dahil sa sinabi niya.

"Bakit? Totoo naman." Depensa niya.

"'Yan ba ang paraan mo ng pagsasabing gwapo ako?"

"Ha?" Namula siya. Anong bang pinagsasabi niya kasi? Nakakahiya.

Natawa lang si Phoenix sa reaksyon ng mukha niya. "You know what? Get your sexy ass into bed now. It's time for you and the baby to rest." Sabi pa nito na hinawakan pa siya sa baba.

She was anticipating a kiss. Hahalikan kaya siya ulit nito? "Yeah... t-thanks for this day, Phoenix."

"My services don't always come for free..."

"Ano naman ang ibabayad ko?"

His gaze lowered down to her parted lips then back to her eyes. Napalunok siya. Ngumiti ito ng pagkatamis. She could see his perfectly white teeth up close.

"I need a human alarm clock in the morning. Do you think you can do that for me?"

"Ha?" Napanganga siya.

"I'll take that as a yes." Tapos ay tinalikuran na siya nito. Hindi pa siya nakakailang hakbang pabalik ng kwarto ay hinila siyang muli ni Phoenix at sinakop ng halik ang kanyang mga labi. His mouth suddenly devoured hers. She tasted the ecstasy on his tongue as he dived deeper into her mouth.

Bumaba ang kamay nito sa leeg niya, papunta sa mababang neckline ng dibdib niya. She felt her whole body trembled when he touched her cleavage and stroke her there. His mouth never left hers.

Humahangos sila pareho nang mapugto ang halik.

Savage Billionaire's ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon