Their hidden feelings (chapter 2)

62 0 0
                                    

“hmm, anu kayang meron dun?, bakit ang daming tao?.”

“aray”---- nagulat sya ng biglang may bumangga sa kanya.

“sorry, nagmamadalikasiako, sige ha?”--- sabi ng babaeng nakabangga sa kanya at nagmamadaling umalis…

“sandali lang”--- habol nya sa babae pero hindi nya na ito naabutan.

Kainis naman, hindi man lang ako tinulungan…hmmp kaasar talaga, anu ba talagang meron sa gym?

“Nathalie!”

“Claire, ikaw pala”

“anung nangyari?”---tanong ni Claire sabay pulot sa mga gamit ni Nathalie na nahulog dahil sa pagkakabangga ng babae sa kanya…

“eto may nakabangga lang naman sakin tapos iniwan ako rito, kainis…”--- nakasimangot nyang sagot  “anu bang meronsa gym at halos lahat ng estudyante eh nagsisitakbuhan papunta dun?

“hindi mo ba alam?, may praktis game ng basketball ang school natin, kalaban nila yung mga taga St. Mattew University.”

“talaga?”

“oo, kaya halikana, baka hindi natin maabutan yung game”--- at nagmadali na din silang pumunta ng gym para makapanood ng game…

“excuse me……..excuse me……..excuse me……… makikiraan…”--- sabi ni Claire habang nakikisingit sa mga estudyanteng nanonood…..

“Nathalie, dun tayo banda sa gilid”--- hila ni Claire kay Nathalie…

Nathalie’s POV

kinakabahanako, ngayon ko palang mapapanood na maglaro si Daniel, masgwapo pala talaga sya tingnan pagnakapambasketball jersey sya,hindi naman na yun nakakapagtaka kasi kahit anu naman ata isuot nya, bagay sa kanya lahat, kaya nga di ba maraming babae ang nagkakandarapang maging girlfriend nya, pero sana lang isang araw mapansin nya din ako….haaaaay, anu ba naman tong iniisip ko, imposible namang mapansin nya ang isang nerd natulad ko……

“Nathalie”--- yugyog ni Claire sa kanya

“h-huh?”

“anu ba?, Kanina pa ako salita ng salita dito, akala ko naman nakikinig ka eh yun naman pala nakatulala kal ang jan, may problema ka ba at parang napakalalim naman ng iniisipmo?”

“huh?, ah, wala, may naalala lang. hehe, wag mo na akong intindihin”---sabini Nathalie sabay ngiti ng matamis..

“sigurado ka ok ka lang?”

Daniel’s POV

Si Nathalie?,andito sya, manonood sya ng game namin…..

“Dan?, ok kalang?”--- tanong ni James ng mapansing ngumingiti itong mag-isa…

“h-huh?,oo naman, kailangang makapuntos tayo ng marami ngayon. Tara na”

“???//”---Naguguluhang sinundan nalang niya ito.

3…..2…..1….

“woooooooooooooohhhhhhhhhhhhhhh”--- hiwayan ng mga estudyanteng nanonood ng laro. Maganda ang naging laro  pa nanalo ang grupo nila Daniel, 98-73 ang score, lamang ng 25 points ang grupo nila…

“oh Dan, San kagaling?, bigla kana lng nawala matapos ang game.”

“oonga, Hinahanap ka ni coach, lunch daw tayo, treat nya.”--- tanong ng mga teammate nya sa basketball sabay tapik sa balikat nito.

“bitawan mo ko.”---hinawi nya ang kamay nito, sabay kuha sa mga gamit nya at nagmamadaling umalis.

“anung nangyari dun?, wala ata sa mood?”

“malay ko”…..

Their hidden feelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon