Matapos nilang magpahinga sa park ay hinatid na sya ni Daniel sa bahay nila.
“pasok ka muna”--- pag-iimbita ni Nathalie kay Daniel.
“hindi na, medyo gabi na kasi, sa susunod nalang, tuloy na ko.”
“sige, ingat sa daan, salamat ulit.”
Nang makaalis si Daniel ay nakangiting papasok na sana si Nathalie ng biglang may sumulpot sa harap nya.
“Drew!”
Nakatingin lang ito sa kanya na parang naghihintay ng iba pang sasabihin nya. Tumingin sya sa likod nito, ngayon nya lang napansin na nakaparada pala ang kotse nito sa harapan ng bahay nila. Nang tingnan nya uli ito ay nakatingin pa rin ito sa kanya, mukhang aborido ito kaya nagpatuloy na lang sya sa paglakad papasok sa bahay nila ng magsalita ito.
“alam mo naman sigurong gabi na?”
“kaya nga papasok na, di ba?”
“san ka galing?”
“naglibot lang naman sandali”
“sandali na pala sayo yung inaabot ng gabe sa pag-uwi? At sino yung kasama mo?, hindi mo man lang pinakilala sakin st
tsaka kanina pa kita tinatawagan, hindi mo man lang sinasagot.”--- pagkasabi ni Drew ay parang biglang umakyat lahat ng dugo nya sa ulo kaya inis na hinarap nya ito.
“sandali naman, pwede isa-isa lang ang tanong, masama na bang lumabas kasama ang kaibigan?, tsaka anu bang ikinagagalit mo, wala naman akong ginawang masama ha?”---pagkasabi nya nun ay tumalikod na sya dahil ayaw nyang humaba pa ang usapang iyon.
Drew’s POV
What’s going on? Nakita ko si Nathalie na hinatid ng lalaki, manliligaw nya kaya yun?, bakit di nya man lang naikwento sakin, kailangang malaman ko ang tungkol sa kanila.
I know it’s really not a big issue, but I won’t let anyone hurt her.
Nang makapasok si Nathalie ng bahay nila ay dumiretso na sya sa kwarto nya dahil ayaw nyang madagdagan ang pagtatalo nila ni Drew dahil baka masira lang ang araw nya. Mayamaya ay narinig nyang umandar ang makina ng kotse nito at pinaharurot ng mabilis.
Nathalie’s POV
Umali na sya anu bang problema nya at ganun na lang sya magtanong?, wala na ba syang tiwala sakin?, wala na man akong ginagawang masama ah?, ang ganda-ganda pa na man ng araw ko, ayaw kong masira pa to noh, matagal ko ding hiniling ang araw na ito kaya bahala sya dyan, sa susunod na lang kami mag-uusap.
Bago matulog ay nagsulat muna sya sa diary nya ng mga nangyari sa kanya ng araw na iyon at nakangiting natulog na…
Kriiiiiiiiing……..
Nagising si Nathalie sa tunog ng alarm clock nya dahil sinet nya ito bago sya matulog, kaya naghanda na sya para maligo, maaga syang aalis ng bahay para hindi sya maabutan ni Drew sa bahay nila,medyo masama pa rin kasi ang loob nya rito. Matapos maligo ay bumaba na sya agad.
“anak halika na, kumain na tayo, tamang-tama ang baba mo.”
“ah, hindi na po ma, kasi kailangan ko pumunta ng school ng maaga kasi may gagawin pa ako eh. Sa school na lang po ako kakain, Sige ma, bye”--- bago umalis ay humalik muna sya sa pisngi ng mama nya.
“sigurado ka?, sige ingat ka ha?, hindi ka ba ihahatid ni Drew?”
“pagdumating ho sya pakisabi na lang na maaga akong pumasok.”
Sa school….
Maaga pang pumasok si Nathalie kaya naman konti pa lang ang tao, 10:30 pa klase nya kaya pumunta muna sya sa library para duon magbasa at magpalipas ng oras.
BINABASA MO ANG
Their hidden feelings
Teen FictionSa lahat ba ng pagkakataon kailangan itago ang feelings mo para sa isang tao?, Paano pala kung malaman mo na yung taong gustong gusto mo ay may nararamdaman din para sayo?, Itatago mo pa rin ba yung nararamdaman mo o hahayaan mong kumawala ito sa pi...