March na, mabilis ang naging takbo ng panahon para sa lahat, ilang weeks na lang at summer vacation na, naging madalas ang pagkakasalubong ng mga landas nila Maxine at Drew, simula nung magkabangga sila sa gate ng San Nicolas University, hanggang sa naging malapit sila sa isa’t-isa at tuluyang nahulog ang mga loob nila. Hindi naman naging lingid sa kaalaman ni Nathalie dahil ikinukwento ni Drew sa kanya ang lahat ng mga nangyayari sa kanila ni Maxine kaya aware si Nathalie kung may mga lakad sila ni Drew na hindi sya nasisipot nito at naiintindihan nya naman ito, sa katunayan ay masaya sya para rito dahil alam nyang masaya ito ngayon kaya hinahayaan nya na lang.
Hindi nya na lang din pinigilan ang nararamdaman para kay Daniel dahil hindi naman na din siya inaaway ni Maxine tungkol dito, ngunit hindi pa alam ni Maxine ang tungkol kay Nathalie at Drew, hindi pa sinasabi ni Drew, hindi pa daw kasi panahon, hahanap lang daw sya ng timing para sabihin kay Maxine, alam na kasi ni Drew ang tungkol kay Daniel, Maxine at kung paano awayin ni Maxine si Nathalie.
Nag-out of town ang grupo nila Maxine para 1 week na cheerdance competition, kaya nagkaroon ng oras si Drew para ihatid sundo ulit si Nathalie, ikinagulat naman ng iba iyon dahil madalas nilang nakikitang nagdedate sila Maxine at Drew, at syempre hindi napigilan ang mga makakating dila ng ibang estudyante kaya naman naglabasan ang iba’t-ibang version ng kwento, kumbaga “dag-dag-bawas” na mga kwento. May mga magsasabi na palikero daw si Drew, manloloko, si Nathalie naman daw nasa loo bang kulo, ang sabi naman ng iba malikot daw ang daga pagwala ang pusa.
Ang lahat ng mga naririnig ni Nathalie na usap-usapan ng buong lingo ay binaliwala nya nalang dahil alam nyang wala na man silang ginagwang masama ni Drew at hindi naman ito nagloloko.
“look who’s here.”
Maagang natapos na ang klase ni Nathalie para sa araw na yun pero ayaw nya munang umuwi kaya naupo muna sya sa ilalim ng puno malapit sa field, hindi nya na namalayan ang takbo ng oras, nang mapansing medyo padilim na pala at wala ng tao ay tumayo na sya para umuwi ng biglang magsalita, si Maxine na nakatayo sa likod nya…
“anung kailangan nyo?”---- tanong nya.
= = = FLASH BACK = = =
Nang matapos ang awarding para sa mga nanalo ay umuwi na agad ang grupo nila na dala ang trophy nila at ipaalam sa school na sila ang nagchampion sa competition. Pagkababa na pagkababa ni Maxine ng van sa sinakyan nila ay pinagtinginan siya ng mga estudyante at nagbulungan, nairita sya sa naging reaction ng mga estudyante pagkakita sa kanya kaya umakyat agad ang dugo nya sa ulo, nilapitan nya agad ang dalawang babaeng nagbubulungan.
“kung pag-uusap nyo rin lang ako wag nyo namang ipahalata, ngayon sabihin nyo kung anung pinagbubulungan nyo?”--- mataray nyang tanong.
“h-huh?, a-ano kasi…”
“ano?, magsalita ka kung ayaw mong iuntog kita dyan sa poste.”---galit na sigaw nya dito.
“s-si ano kasi….. si Nathalie de Jesus….”
“ano si Nathalie?”
“ano kasi… nung wala ka…. Hi-hinahatid-sundo sya ng boyfriend mo.”
Hindi sya nakapagsalita sa narinig kaya natulala lang syang nakatayo doon, ng mapansin ng dalawa na natulala sya ay sinamantala nila ito para makaalis ng tumatakbo.
= = = END OF FLASH BACK = = =
“haha, wala na man, namiss lang kita.”---matapos sabihin yun ay sumenyas sya, nakita ni Nathalie ang pagsenyas ni Maxine sa dalawang kasama kaya napaatras sya dahil biglang lumapit sa kanya ang dalawa at alam nyang may gagawin ang mga ito sa kanya.
“te-teka,… sandali… anung gagawin nyo?”--- takot na tanong ni Nathalie. Ngumisi lang dalawa at hinawakan sya sa magkabilang braso.
“anu ba?, bitawan nyo nga ako. Anu ba talagang kailangan nyo?”--- pagpupumiglas nya.
BINABASA MO ANG
Their hidden feelings
Novela JuvenilSa lahat ba ng pagkakataon kailangan itago ang feelings mo para sa isang tao?, Paano pala kung malaman mo na yung taong gustong gusto mo ay may nararamdaman din para sayo?, Itatago mo pa rin ba yung nararamdaman mo o hahayaan mong kumawala ito sa pi...