“oh anak, nan…..”------
“sa kwarto na muna ko ma.”---- nagtatakang naiwan ang ina ni Daniel sala.
Daniel’s POV
Aaaarrrrrrgggggggg………. Nakakainis, bakit ko ba nararamdaman to?, wala na man akong karapatan di ba?,
Flash Back
3….2…..1…..
“yyyyyyyyyyyyyeeeeeeeeeeeeaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh”.
“ang galing ng laro mo Dan.”
“hehe, oo nga, parang ikaw na ang nagpanalo ng team natin”
“hindi naman. Tsaka kaya tayo nanalo kasi magaling magturo si coach at dahil na din sa teamwork natin”
“weeeehhhh?, ang sabihin mo inspired ka lang kasi nandito yung crush mo kaya nagpakitanggilas lang naman si Mr. Rodriguez”
“hahahahahahahahahaha”--- tawanan lahat ng nakarinig sa sinabi ni James.
Namula bigla si Dan sa tawanan ng mga kagrupo nya. And speaking of CRUSH, bigla nyang naalala si Nathalie na nanonood ng game nila, tiningnan niya ang lugar kung saan ito nakapwesto kanina, at nalungkot ng makitang wala na pala ito.
“sandali lang ha?”--- paalam niya.
“san ka pupunta?”--- tanong ng kasamahan nya, ngunit di na sya sumagot at dali-daling tumakbo palabas ng gym… Nang hindi nya Makita ang hinahanap sa labas ng gym ay tumakbo sya papuntang field sapag-asang Makita nya ito doon, bago pa man sya makarating ng field ay napansin nyang may dalawang taong nag-uusap….Aalis na sana sya ng marinig nyang magsalita ang babae kaya naintriga siyang makinig muna sandali sa pinag-uusapan ng mga ito.
“bakit di mo sinabi sakin?”--- sabi ng babae.
“gusto kasi kitang isurprise sa pagbabalik ko”---- narinig nyang sabi ng lalaki.
“I miss you baby”--- dagdag pa nito.
Nang silipin nya ang dalawa ay nakita nyang naluluha ang babae habang ang lalaki ay lumalapit sa babae para yakapin ito, laking gulat niya ng makita kung sinong nag-uusap, ang babaeng hinahanap nya lang naman at kausap nito ay ang manlalaro ng grupong nakalaban nila, kani-kanina lang. Hindi nya nahinintay pa ang susunod na mangyayari at dali-dali na syang umalis sa lugar na yon.
Daniel’s POV
Hindi ko inaasahan ang makikita ko sa lugar nayon kaya dali-dali akong umalis doon, nakakapanlumong Makita na ang babaeng gustong-gusto ko ay may kayakap na iba, bakit sya pa? bakit si Nathalie pa?, hindi ko matanggap na sya ang makikita ko dun. At baby?, bakit baby ang tawag nya kay Nathalie?, Sila ba?, Nobyo nya ba yun?
Back to present na po tayo, hindi na namalayan ni Daniel na nakatulogan nya ang kaiisip sa kaganapang nasaksihan nya kanina.
Beep… Narinig nyang tunog ng cellphone nya kaya kinuha nya ito at binasa kung sino ang nagtext…
1 Message Receive
From: James
Tol, nasan ka?, hang-out daw tayo ng grupo, Friday naman.
.cge tol, san ba?
Sent!
1 Message Receive
From: James
Dun pa rin sa dati.
Cge, susunod nlng ako, mgbibihis lng mna ako..
Sent!
Nagbihis na sya agad upang puntahan ang mga kabigan…
Beep…… beep…. Beep…
Pababa si Nathalie ng hagdan ng makarinig ng busina ng sasakyan.
“Nathalie anak, halika na kumain na tayo,” sabi ng mama ni Nathalie ng Makita sya
“oho, ah ma, may hinihintay ba kayong bisita?” tanong nya.
“wala naman anak, bakit?”
“kasi ho parang my bumubusina kanina pa.”
“sige sandali, titingnan ko”
“ako na ho ma” agad na syang lumabas ng pinto para tingnan kung sino ang nasa gate.
“hey, baby girl, buti nalng lumabas kana.” Sabi ng kanina pa, bumubusinang bisita ng makita si Nathalieng nasa gate.
“Drew?, kanina ka pa ba?”
“medyo,” nakangiting sabi nito.
“bat di ka pa pumasok?” tanong niya habang naglalakad sila papasok ng bahay.
“baka kasi habulin ako ng aso nyo pagpumasok na lang ako bigla.”
“haha, wala kaming aso noh.” Nagtawanan sila
“anak sinong--- Drew?, ikaw ba yan?” nagulat ito ng makita ang bisitang dumating.
“opo hehe,”
“dumating kana pala. Buti’t napadalaw ka.”
“makikikain ho sana, hehe, wala kasing pagkain sa bahay.” Sagot nito.
“wala kaming pag----“ naputol na sabi ni Nathalie nagmasalita ito,
“sabi ko na nga ba marami akong maaabutan dito kaya gustong-gusto kung pumunta dito eh.” Nakangising sabi nito. At tawanan silang tatlo.
“sige na, magsikain na tayo at lalamig na ang pagkain.” Sabi ng mama ni Nathalie.
“oo nga pala, matanong ko lang Drew, kumusta na pala ang dady mo?” tanong ng mama ni Nathalie habang kumakain na sila,
“ok lng naman ho, ganun pa din gaya ng dati, busy sa trabaho, ewan ko ba dun, puro trabaho ang inaatupag..” sagot ni Drew habang si Nathalie nakikinig lang sa pag-uusap ng dalawa.
“ikaw, kumusta kana man?”
“ok lang naman ho,”
“kailan ka pa pala umuwi?”
“nung isang bwan pa ho”
“bakit ngayon lang naming nalamang nakauwi kana pala?”
“sasabihin ko na ho sana pagkatapos ko magpaenroll, pero nalaman ko kasing may praktis game ang school na inenrolan ko tsaka yung school nila Nathalie kaya di ko muna sinabi kasi gusto ko hong masurprise si Nathalie” tumingin ito kay Nathalie at nagsmile…
“buti nga at umuwi kana ng may nakaka-usap na itong si Nathalie….” Tumingin ito sa gawi ni Nathalie “simula nung umalis ka palagi nalang yan malungkot at nag-iisa halos di na lumalabas ng bahay, para ngang walang kaibigan.” Ngumiti ito
Binitiwan ni Drew ang hawak na kutsara at hinawakan ang kaliwang kamay ni Nathalie, ngumiti muna ito bago nagsalita, “hayaan nyo ho, nandito na ulit ako.”
Naluluhang tumingin si Nathalie kay Drew, tinanggal ni Drew ang pagkakahawak ng kamay kay Nathalie at inakbayan ito,
“hehe, alam nyo namang mahal na mahal ko tong baby ko eh,” Nagtawanan sila ng sabihin ni Drew yon,
“sige na magsikain na tayo” sabad ng mam ni Nathalie ang nagpatuloy na sila sa pagkain.
Marami pa silang napag-usapan, Bago umalis si Drew ay tinanong muna nito si Nathalie kung anong oras ang klase nito at kinuha ang schedule nito para mahatid sundo nya ito at mapuntahan kung may bakanteng oras.
“umalis na ba si Drew Nate?” tanong ng mama ni Nathalie.
“oo ma,” sagot nya
“sige na matulog kana.”
“magrereview pa ako ma, mauna na lang ho kayo,”
“sige basta pagkatapos mo, matulog kana agad.”
“oho, sige ma, good night.” Pagkasabi ay umakyat na sya agad ng kwarto nya.
“good night dn..”
Pagkapasok ng kwarto ay agad nyang kinuha ang mga notebook at nag-umpisang magbasa ng may maalala.
BINABASA MO ANG
Their hidden feelings
أدب المراهقينSa lahat ba ng pagkakataon kailangan itago ang feelings mo para sa isang tao?, Paano pala kung malaman mo na yung taong gustong gusto mo ay may nararamdaman din para sayo?, Itatago mo pa rin ba yung nararamdaman mo o hahayaan mong kumawala ito sa pi...