Diary,
Si Daniel, napanood ko maglaro kanina, ang galing nya, grabe ang tilian ng mga babae kanina sa gym, pakiramdam ko mas lalo na akong napalayo sa kanya, masmahirap na syang abutin ngayon, dati classmate lang kami ngayon super star na sya ng buong campus, maslalo na akong walang pag-asang mapansin nya. Sabagay sino nga ba ako para mapansin nya.
Nathalie
Nasaktan sya sa naisip, hindi nya inaasahan na magkakagusto at lihim nyang hahangaan ang dating seatmate na ngayon ay star player na ng basketball, kaya’t isinarado nya na ang notebook na sinusulatan ng makatanggap sya ng message galing kay drew.
Beep…
1 Message
From: Drew
Hey, I know you’re still awake; it’s almost 10, sige na matulog kana. J
Good night baby girl…
Napangiti na lang sya ng mabasa ang text ni Drew, “mabuti nalang at bumalik kana, at least ngayon di na ako mag-iisa” nasabi nya nalang sa sarili at nahiga na para matulog.
Reply:
To: Drew
Opo, hehe, gud nyt…
Send!
Krrriiiiiiiiinnnnnggggggg!
Nagising sya sa tunog ng alarm clock nya na isinet nya kagabi bago matulog, akmang babangon na sya ng biglang bumukas ang pinto………
“oh anak gising kana pala, andyan si Drew sa baba kaya bilisan mo na magbihis.”
“oho, kanina pa ho ba sya?”
“medyo, kaya sige na at baka malate kayo”
“opo”--- at naligo na sya agad at nagbihis.
“ang aga mo naman.”--- sabi ni Nathalie kay Drew ng nasa kotse na sila, ihahatid siya nito papuntang school.
“sabi ko naman sayo kagabi na umpisa ngayon ako ng maghahatid sundo sayo di ba?”
“oo, pero di mo naman kailangang agahan noh.”
“ok lang yan para di tayo malate”
“hmm, ok”
Tahimik na uli nagdrive si Drew…
Pagdating sa eskwelahan ay pinagtinginan at pinag-usapan agad sila ng mga estudyante…..
“oh my, di ba taga St. Mattew University yan?”
“oo nga, bakit sila magkasama?”
“pinagbukas pa sya ng pinto”
“sila ba?”
“kalian pa?”
“Drew Sebastian, kilalang star player, playboy, pinakagwapo at top student ng St. Mattew University, magkakagusto sa isang tulad nya lang? eewww.”
“oo nga, magkakagusto rin lang naman sya sa isang manang pa.”
Hindi makapaniwalang sabi ng mga babaeng estudyante ng San Nicolas University. Ang paghatid ni Drew kay Nathalie ay hindi nakaligtas kay Daniel, kitang-kita nya ng dumating ang dalawa at pagbuksan nito ng pinto si Nathalie.
Nang makababa ng sasakyan si Nathalie ay nagulat siya sa masasamang tingin ng mga schoolmate nyang babae, hanggang sa narating nya nalang ang room nila at natapos na lang ang una at ikalawang subject nya na puro ang tungkol sa kanila ni Drew ang pinag-uusapan ng mga estudyante.
BINABASA MO ANG
Their hidden feelings
Teen FictionSa lahat ba ng pagkakataon kailangan itago ang feelings mo para sa isang tao?, Paano pala kung malaman mo na yung taong gustong gusto mo ay may nararamdaman din para sayo?, Itatago mo pa rin ba yung nararamdaman mo o hahayaan mong kumawala ito sa pi...