Their hidden feelings (chapter 5)

35 0 0
                                    

Diary,

Nakita ko si Daniel kanina sa third floor ng building namin, nakatulala, parang ang lalim ng iniisip nya,

Sa tingin ko may problema sya?, pero alam mo, masaya ako kasi pinansin nya ako, at nakausap ko sya kahit sandali lang, ok na sa akin yon, sana lang magkaroon pa kami ng maraming oras na magkasama at magkausap.

Nathalie J

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Buddy,

Nakausap ko si Nathalie kanina, ang saya ko kasi akala ko tatakbuhan nya ako pero hindi kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap sya kahit na saglit lang, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko basta ang alam ko masayang-masaya ako.

Daniel :D

Matapos nyang magsulat sa kanyang diary ay may naalala siyang isang pangyayari.

= = =  Flash back = = =

Napangiti si Daniel ng makababa na si Nathalie ng hagdan at tumingin sa lugar kung saan tinulungan nya itong pulutin ang mga gamit nya. At may napansin syang naiwan nito kaya agad nya itong pinulot at nagmadaling hinabol ito.

Malapit nya na sana itong maabutan ng Makita nyang may sumalubong dito na familiar sa kanya… walang iba kundi si Drew Sebastian, nakaramdam sya ng panibugho kaya pinigil nya ang sarili na lumapit sa mga ito at isauli ang naiwan nitong gamit at umalis na lang sa lugar na iyon.

= = = End of flash back = = =

Tiningnan niya ang cellphone na naiwan ni Nathalie, hindi nya alam kung anong dapat nyang gawin dito ng makaisip sya ng isang idea, nilabas nya ang cellphone nya, nagscroll sa cellphone ni Nathalie at nagtype ng number.

Naisip nyang wala pa syang number ni Nathalie kaya kinuha nya ang number nito. Matapos makuha ang number nito ay inilagay nya na ang dalawang cellphone sa lamesa nya at humiga na para matulog.

Kinaumagahan ay hinatid ulit ni Drew si Nathalie at gaya ng mga nakaraang araw ay pinagtinginan ulit sila ng mga estudyanteng hanggang ngayon ay di pa rin makapaniwala…

Natapos na lang ang araw ni Nathalie na wala namang especial,  maaga pa naman at alam nyang wala pa din sa gate si Drew para sunduin sya dahil may klase pa ito, kaya punta muna sya sa field para magpahinga at matahimik ng kaunti dahil buong araw nalang na puro sya ang pinag-uusapan ng mga  nakakakita sa kanya.

“haay.” Napabungtong hininga nalang siya sa isiping iyon, kung alam lang naman ng mga tao kung anong meron sa kanila ni Drew ay titigil na ang mga itong pag-usapan siya.

“malaki yatang  problema mo ah.”

Nagulat siya sa biglang nagsalita, ng lingunin niya ito ay nasilaw siya sa sikat ng araw kaya napatakip siya ng mata.

“haha, sorry ha, nagulat ata kita”--- natawang sabi nito, sabay upo sa tabi niya.

Tiningnan ito ni Nathalie at ngumiti, “ok lang.”

Tahimik lang silang nakatanaw sa filed, walang nagsasalita dahil pareho silang nag-iisip kung ano ba ang dapat sabihin.

“haay, sensya na ha, hindi ko kasi alam kung anong dapat kong sabihin eh.”--- matapos ang ilang minuto ay nagsalita din si Daniel.

“ok lang, ako din naman eh.”--- sabi naman ni Nathalie.

“sya nga pala”--- sabay abot ng cellphone kay Nathalie. “naiwan mo kagabi, sinubukan kitang habulin pero hindi na kita nakita eh”

“akala ko na wala na to, salamat ha.”

Ngumiti lang si Daniel bilang sagot.

“wala ka bang practice ngayon?”--- tanong ni Nathalie kay Dan.

“wala, bukas pa”

“napanood ko yung huling laro nyo, ang galing mo.”

“hahaha, hindi naman. Tsamba lang yun”

“haha, may tsamba bang palaging nakakashoot ng bola?”

“hahaha”---nagtatawanan silang dalawa.

“anong ginagawa nyo dito?”

Nagulat sila ng may biglang may nagsalita sa likod nila, kaya sabay silang lumingon at napatayo ng makitang nakatayo sa likod nila ang grupo nila Maxine at nakapamaywang ang mga ito.

“Maxine!”--- sabay nilang sabi.

“ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo dito at bakit magkasama kayong dalawa?”--- mataray na tanong nito.

“ka-kasi anu, binalik nya lang ang cellphone ko, nahulog ko kasi sa daan kagabi”--- sagot ni Nathalie sa tanong ni Maxine.

“whatever, umalis ka na dito at may pag-uusapan pa kami ni Daniel.”

Tumingin muna siya kay Daniel bago magsalita “sige Mr. Rodriguez ha, andyan na ang sundo ko, salamat ulit.”--- at umalis na sya.

“sandali lang----“---- susundan nya sana si Nathalie pero pinigilan sya ni Maxine, na nakahawak sa braso nya.

“hindi pa tayo tapos mag-u-----”

“Enough! pwede ba Maxine, matagal na tayong hiwalay kaya bakit ba ayaw mo pa akong tigilan,?”---galit na sabi ni Daniel at tinanggal ang pagkakahawak nito sa kanya. “hindi na natin gusto ang isa’t-isa kaya itigil mo na ang kasusunod sa akin.” Pagkasabi nya non ay tumalikod na sya para umalis ng magsalita ulit si Maxine.

“sabihin mo, sya ba?”---galit na sabi ni Maxine.

Napatigil sya sa sinabi ni Maxine.

“sya bang ipapalit mo sa’kin ha Daniel?, isang katulad lang ng nerd na yon?”

“oo sya nga, sya ang gusto ko. Masaya kana?, wag mo syang hamakin dahil masgugustuhin ko pa ang isang tulad nya kung ikukumpara lang naman sa isang tulad mo. Kaya tumigil kana.”---umalis na siya agad pagkasabi nun…

“humanda ka Daniel, lalong-lalo na ang babaing iyon, pahihirapan ko kayo.”--- nanlilisik ang matang sabi ni Maxine.

Nakahiga na si Nathalie ng matanggap ng message mula sa hindi familiar na number.

1 Message Receive

From: 09678969754

Gising ka pa ba?

To: 09678969754

Oo, pwedeng mlaman kng cnu ka?

From: 09678969754

Ako 2 c Daniel.

To: 09678969754

Oh, ikw pla.

From:09678969754

Psensya kna knina sa inasal ni Maxine ha.

To: 09678969754

Ah, yun b? wla yun… wag mo kong intndihn.

From: 09678969754

cgurado ka?

To: 09678969754

Oo nmn. Hehe ayos lng yun :D

From: 09678969754

Hehe, ok, sya nga pala, sabado bukas my ga2win kba?

To: 09678969754

Ah, wla nmn, bkit?

From: 09678969754

Gusto sna ktang imbitahn mgmeryenda. Kung ok lng sna.

To: 09678969754

Ah, ok lng nmn, anung oras ba?

From: 09678969754

Tlga, ah mga 4 ok lng ba?,

To: 09678969754

Ok lng, cge ha ksi inaantok na ako eh..

From: 09678969754

Cge, bukas nlng, gud nyt..

To:09678969754

J gud nyt din..

Bago matulog si Nathalie ay sinave muna niya ang number ni Daniel, at naalalang nakalimutan pala nyang itanong kung saan nito nakuha ang number nya.

Their hidden feelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon