Kinaumagahan ay nagkita sila ni Daniel sa isang mall, nung una ay nagkakailangan pa sila pero ng magtagal ay nagging panatag na din sila sa isa’t isa, nagmeryenda mula sila sa isang fast food para mapag-usapan nila kung saan ba sila pwedeng naglibot at napagpasyahan nilang pagkatapos nilang magmeryenda ay pupunta sila third floor ng building kung saan may mga palaruan para sa iba’t ibang edad at kung saan sila pwedeng maglaro ng bowling at makapagvideoke.
Matapos kumain ay nagpahinga muna sila ng kaunti at dumiretso na sila sa third floor para makapaglaro ng bowling. Nagpareserve sila ng isang slot para sa kanila.
Masaya silang naglaro ng bowling, inaalalayan ni Daniel si Nathalie dahil hindi siya marunong sa larong ito at napatunayan ni Nathalie na hindi lang pala sa basketball magaling si Daniel, ng mapagod ay nagpareserve naman sila ng isang cubicle para malaya silang makakanta ng walang mang-iistorbo at makakarinig ng boses nila kundi silang dalawa lang.
Tawa sila ng tawa hanggang sa marating nila ang cubicle na pinareserve nila para makapagvideoke.
“haha, napagod ako dun ah.”--- hinihingal na sabi ni Daniel ng makapasok na sila sa loob ng cubicle.
“hindi ka lang pala magaling sa basketball, pati pala sa bowling magaling ka din, anu pang sports ang alam mo?.”
“haha, hindi naman, nagkataon lang.”
“ayan ka na man. Pahumble effect ka na naman.”
“hahaha, ikaw wala ka bang sport Nathalie?”
“ako?, wala, di na man kasi ako mahilig dyan. Tsaka hindi bagay ang kahit anong sport sa isang lampang tulad ko no.”
“anu ka ba? Wag mo ngang minamaliit ang sarili mo.”
“yun naman kasi ang totoo.”
“pwede naman kitang turuan kung gusto mo, gaya kanina.”
“wag na, baka magsawa ka lang.”
“hindi ah, hindi kana man mahirap turuan eh”--- sabi nya kay Nathalie “hinding-hindi ako magsasawang turuan ka Nathalie, kung kailangan kong ibuhos lahat ng oras ko para turuan ka, gagawin ko, makasama ka lang.”---sabi ni Daniel sa sarili at di manalayang nakatitig lang sya kay Nathalie.
“hoooy Daniel”---sabay tapik kay Daniel ng mapansing napatulala ito.
“h-huh?”--- gulat na napakurap sya
“anu ba? Ayos ka lang ba?”---nag-aalalang tanong ni Nathalie.
“oo naman.”
“buti naman, bigla ka na lang kasi natulala tapos bulong ka ng bulong di ko naman naiintindihan.” -_-
“hehe, ganun ba? Sige kumanta na nga lang tayo, may napili kana bang kanta?”--- biglang pagchechange topic ni Daniel.
“wala pa nga eh, pili na tayo.”
Nag-umpisa na silang buklatin ang mga song book para makapili ng kanta. Hindi na namalayan ni Nathalie na marahan syang pinagmamasdan ni Daniel habang nakayuko sya at namimili ng kanta.
Daniel’s POV
Ang ganda talaga ni Nathalie, hindi ko mapigilang hindi sya tingnan, masaya ako kasi kasama ko sya ngayon, napakaespesyal ng araw na ito, ito ang unang araw na nakasama ko ang taong lihim kong pinagmamasdan…
Napangiti na lang sya sa isiping iyon ng magsalita si Nathalie.
“may napili na ako”--- sabay tayo at pindot sa machine ng numero ng napiling kanta, at nag-umpisa na syang kumanta.
BINABASA MO ANG
Their hidden feelings
Teen FictionSa lahat ba ng pagkakataon kailangan itago ang feelings mo para sa isang tao?, Paano pala kung malaman mo na yung taong gustong gusto mo ay may nararamdaman din para sayo?, Itatago mo pa rin ba yung nararamdaman mo o hahayaan mong kumawala ito sa pi...