Chapter 21: Escaped.

6.2K 212 2
                                    

Aurelia's Pov
Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa kaharian ni Emrick. Nakahiga lang ako sa kama at nakatunganga.

Kamusta na kaya sina Draven, Aleister at Bryan? Safe kaya sila?

Umayos na ako ng higa at natulog na.

Draven's Pov

Nasa training room ako kasama si Bryan. Tinuturuan nya akong humawak ng ewpada at tinuturuan nya rin akong makontrol ang kapangyarihan ko, which is water and invisibility

Habang nagttraining kami ay di ko na namalayan na umaga na kaya tinapos na ni Bryan ang Pagttraining sakin. Pinapunta na nya ako sa Dorm para makapagpahinga.

Aleister's Pov
Kakagising ko lang at una kong naisip si Aurelia.

Kamusta na kaya sya? Sinasaktan kaya sya dun? Kumain na kaya sya? I sighed. Ang hirap ng ganito. Nag ayos nalamg ako para pumasok sa klase.

Aurelia's Pov.

Kakagising ko lang at bumungad ang isang maid.

"Mahal na Prinsesa. Nakahanda na po ang agahan."

"Nasaan si Emrick?" Tanong ko.

"Nasa Kabilang kaharian po."

Tumayo na ako at nag ayos. Pagkatapos ko ay pumunta na ako sa Dining area.
Mag isa akong kumain dun. Pagkatapos ay naisipan kong lumabas ng kaharian para maglibot libot. Paglabas ko ay may mga sumunod sa aking nga Kawal.

"Di nyo na kailangang sumunod sa akin" sambit ko sa kanila.

"Pero mahal na Prinsesa..."

"Narinig mo ba ako?!" sumigaw ako para kunwari galit ako.

Mababakas mo ang takot sa kanyang mukha. Kaya yumuko sya at umatras bago tuluyang umalis.

Lumabas naman ako Palasyo.
They are all idiot for following my order. Makakatakas ako ngayon.
Pumunta ako sa isang gubat. Naglakad na ako ng naglakad pero di ko makita ang labas.

"Ang tanga ko. Bakit sa Gubat ako nagpunta eh di ko naman alam to?" bulong ko sa hangin.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong bahay na mukhang haunted house.
Kaya pumunta ako kahit natatakot ako. Kumatok na din ako.

"Sino yan?"

Boses ng matanda ang Narinig ko.

"Uhh.. S-si A-aurelia po." Takot kong sabi.

"Aurelia?"

Binuksan nya ang pinto at nakita ko ang isang matandang maliit.

"Pumasok ko muna Ineng"

"Ah. Salamat po."

Pumasok ako at nakita ko ang iba't ibang halamang gamot. Lumapit ako sa isang table at nakita ko ang isang picture. May isang babae na kasama ng dalawang maliit na bata.
Yung babae ay parang itong matandang kasama ko ngayon.

Yung dalawang bata naman at parang sina Aleister at Bryan.

"Kilala mo ba si Aleister at Bryan?"

"Ah. Opo. Bakit nyo po sila kilala?"

"Lagi silang nandito nung mga bata pa sila. Dumadayo sila dito para maglaro."

"Edi alam nyo po ang daan papunta sa Academy?" Tanong ko pa.

"Oo naman. Ako ang nagsusupply ng Gamot na Hari ant Reyna pati na rin sa Gamot ng Academy."

"Mahal na Hari at Reyna?" Kumunot ang noo ko.

"Oo. Diba ikaw yung Legendary Princess? Di mo ba kilala ang nga magulang mo?"

"P-pero di po nila nasabi na buhay pa ang mga magulang ko."

"Baka naman may dahilan sila kaya di nila sinabi" Inabot niya sa akin ang isang gamot.

"Ano po ito?"

"Inumin mo yan para makauwi ka."

Ininom ko na yung Gamot. Pumikit ako at pagmulat ko nasa Dorm na ako.

"Wow. Ang galing." Mangha kong sambit.

Tumakbo ako agad palabas para makita sina Draven pero wala sila dun.
Kaya naman nagpunta ako sa Training Room at nakita ko sila. Nakita nila ako at tumakbo sila palapit sa akin at niyakap ako ng Mahigpit.

"Teka. Asan si Aleister?"

"Grabe ka! Nandito naman kami pero iba ang hinahanap mo! Namiss ka namin!" Sambit pa ni Bryan

"Ate. Nasa klase si Aleister." sabi ni Draven.

Di ko na muna pinuntahan si Aleister dahil ayokong maabala sya.
Nakipag Bonding muna ako sa dalawang to.

Emrick's Pov.

"Mahal na Prinsipe. Nakatakas po ang Prinsesa." bungad sa akin ng isang kawal.

"Mga inutil!" Pinugutan ko ng ulo ang kawal

"Humanda ako sa paglusob natin! Magpalakas kayo!" galit kong saad.

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon