Chapter 27: Medicine

6.1K 190 7
                                    

Aurelia's Pov.

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Pagmulat ko nakita ko si Draven at Bryan na nakatayo sa tabi ng kama ko.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko.

"Wag kang maingay!  inumin mo nalang to." Saad ni Bryan sabay abot sa akin ng baso.

"Kinuha ko ang baso at inamoy.
Ano to?! Yuck! Ang baho!" Singhal ko.

"Wag ka ng magreklamo ate.  Gamot yan para sayo" sabi pa ni Bryan

Tinakpan ko ang ilong ko at ininom ang gamot. Pagkainom ko ay unti unit nang guminhawa ang pakirandam ko.

"Wow.  Astig. Okay na yata ako." Saad ko.

"Okay kana talaga. Instant medicine yan. Galing kay Aleister." Sabi ni Bryan

Kumunot ang noo ko. "Aleister?"

"Oo.  Bakit?" Tanong pa ni Bryan

"Ah. Wala naman."

Tumayo ako at nagtatalon.

Tumawa ako. "Namiss ko to! Maayos na ulit ako!"

"Wag ka ngang OA!" Singhal sa akin ni Bryan.

"Tara nalang kayang kumain?" Pag aaya ni Draven

"Great Idea Draven. Akalain mo nga naman may utak ka pa pala." Natawa si Bryan.

"Ang bully mo!" Sabi pa ni Draven

"Wag na nga kayong maingay" sabi ko pa.

Pagkapunta namin sa Cafeteria ay nakita namin si Aleister sa isang sulok na nag iisa. Di ko alam kung bakit pero sobrang naiilang ako sa kanya.

"Aleister. Anong ginagawa mo jan?" tanong ni Bryan

"Obvious ba? Edi kumakain."

Natawa si Draven. "Oo nga naman.  Ang bobo mo Bryan."

Sinamaan lang siya ng tingin ni Bryan

Umupo na kami sa tabi Aleister. Pagkaupo ko ay tumayo sya at kinuha nya ako ng dugo.

"Salamat." ngumiti ako.

"Ayyiiee! Si Aleister inlove!" tila kinikilig na sambit ni Bryan

"Shut up!" singhal ni Aleister

Pagkatapos namin kumain ay nagpunta kami sa Garden.
Umupo ako sa Bench habang nagsasalawan si Bryan at Draven. Bigla namang tumabi sakin si Aleister.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo?"

"Ayos na. Salamat sa Gamot mo"

"Wag ka magpasalamat sakin. Galing yan kay Tanda."

"Ah. Galing yun sa kanya? Hm. Pag nagpunta ako sa Gubat magpapasalamat ako sa kanya." ngumiti ako.

"Teka. Kilala mo sya?"

"Oo. Nung nakidnap ako, sya ang tumulong sakin para makabalik dito."

"May nasabi ba sya sayo tungkol sa nga magulang mo?"

"Oo. Buhay sila diba?"

Biglang nanlaki ang mata ko at napatitig sa kanya.

"Shit. Nadulas ako" bulong ko pa.

"Ibig sabihin matagal mo ng alam?"

"Uhh.  Ano.. I sighed. Oo.  Matagal ko ng alam na buhay sila. Pero sinabi nya na wag ko munang sabihin sa inyo ang tungkol dun"

"Gusto mo na ba silang makita?" tanong pa ni Aleister

"Yung totoo? Oo. Gustong gusto ko na. Gusto ko na silang makilala at mayakap." pakiramdam ko maiiyak na ako

"Dadating ang panahon na maaari mo na silang makita." sambit ni Aleister

"Sana dumating na agad ang panahon na yun." sabi ko pa.

Emrick's Pov.
Nandito ako ngayon sa palasyo at kausap ko si Kristine

"Anong plano natin?" tanong ni Kristine.

"Sa kabilugan ng buwan.  Susugod tayo sa Vampire Academy." Ngumisi akong muli

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon