Chapter 3: Mysterious

13K 374 0
                                    

Pagkagising ko ay nakaramdam ako ng matinding sakit ng ulo.

"Argh. Sakit ng ulo ko!" paungol kong sabi pagkagising.

Naalala ko yung nangyari kaninang madaling araw. Panaginip lang siguro.

Tiningnan ko yung phone ko na puno ng Text ni Bryan.

"Best, Papasok ka ba?"
"Uy. Magreply ka naman oh."
"Pupuntahan na kita jan sa inyo ha."

Biglang namatay ang phone ko

"Oops. Lowbat" natawa nalang ako.

Nag unat ako at tumayo para icharge ang phone ko. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain.

"Dear, Di ka ba papasok?" Bungad sa akin ni mom nang makita niya ako.

"Hindi muna Mom. Masakit ang ulo ko eh."

"Oo nga pala. May bisita ka. Nasa living room sya." Kumunot ang noo ko.

"Bisita? Sino naman?" Tanong ko pa.

"Si Bryan." Simpleng sagot ni mom

Lumapit ako sa ref at kumuha ng iced coffee. Pumunta na ako sa living room at nakita ko si Bryan na nakaupo lang sa sofa.

"Hey. What are you doing here?" Bungad ko sa kanya.

"Tinext kita. Sinabi kong pupunta ako. Remember?"

"Hindi ka ba papasok?" Tanong ko kasabay ng pag inom ng iced coffee

"Di na muna siguro."

Tumalikod ako sa kanya at naglakad na ako sa hagdan papunta sa kwarto ko habang iniinom ang iced coffee. Nakita ko syang sumusunod sa akin pero di ko nalang sya pinansin. Pagkapasok ko sa kwarto ay umupo ako sa kama ko

"Anong reason. Bakit di ka papasok?"

"Headache." Maikli kong saad

"Ah. Okay." Tumabi siya sa akin.

"Do you know him?" Ibinaba ko ang iced coffee ko at pinatong sa bedside table.

"Him? Sino?" Napalingon siya sa akin.

"Yung Transferee. Si Aleister Harrison?" Humarap na rin ako sa kanta at nag indian seat.

"Oh I See.. Wala ako masyadong alam sa kanya. Ang alam ko lang galing sya sa London at napagdesisyunan ng mga parents na dito nalang tumira. Why?" Kumibit balikat ako.

"Oh. Nothing."

"Crush mo no" sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ha?! Hindi ah. I just hate him. I think, may something sa kanya"

"May Facebook account naman siguro sya diba? Bakit di mo hanapin?"

"I tried. Pero di ko mahanap eh."

"Ah. Baka iba ang name."

"Siguro nga."

"May ipapakilala nga pala ako sayo." Sambit niya pa sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino?"

Ngumiti pa siya. "Girlfriend ko."

"Wow. May Girlfriend ka?! Paano nangyari yun?" Natatawa kong tanong

"Sa gwapo kong to. Di ako magkakaGirlfriend? Imposible ata yun haha." Umiling iling pa siya.

"Kailan mo ipapakilala?" natatawa ko pa ring tanong.

"Mamaya. Sinabi ko sa kanyang maghalfday nalang sya at pumunta sya dito. Natatakot nga yun sayo eh. Haha."

"Matakot sya lalo kapag nalaman kong niloloko ka nya."

"Grabe sya oh." Natawa siya.

"What time is it?" Tanong ko pa sa kanya.

"11:45 am."

"Malapit na. Sige na. Sa living room ka muna. Maliligo na ako."

"Sure"

Lumabas na sya sa kwarto at nagpunta sa living room.
Ako naman ay nagpunta na sa Cr para maligo. Pagkatapos ko ay nag ayos na ako.

Palabas na sana ako sa kwarto ng makarinig ako ng mga yapak papunta dito sa kwarto ko. Nagtaka ako kasi tiles ang sahig namin. At iba ang tunog ng yapak na yun. Mukhang wala namang hels yung sapatos nya. Bakit ko naririnig yun?
Narinig ko ang mga yapak na palapit sa kwarto ko. Napaatras ako ng maramdaman kong may humawak sa doorknob. At tuluyan ng binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Oh. Anong nangyari sayo? Are you okay?" Kunot noong tanong ni Bryan sa akin.

"Y-eah. I-i'm F-fine." Nauutal na sambit ko.

Nilampasan ko sya at nagpunta na ako sa living room. May nakita akong babaeng nakaupo sa sofa. Sya na yata yung tinutukoy ni Bryan.

Naramdaman ko ang Presence ni Bryan sa likod ko at nagsalita sya.

"Aurelia, meet Lorraine Haynes. Girlfriend ko."

Napatingin sa akin si Lorraine at tumayo na sa sofa. Kumunot ang noo ko at nguniti lang sya.

"Wag mong lolokohin ang Bestfriend ko." maikli kong saad at naglakad na ulit ako papunta sa kwarto ko. Kumuha ako ng isa sa mga comic Books ko. Humiga ako sa kama ko at nagbasa.
Pagkatapos ko ay tumingin ako sa Watch. 6:20 pm.

"wow. Kaninang umaga pa nga pala ako di nakain." Di ko naramdaman ang gutom ko.

Bumangon ako. Hinugot ko yung phone ko na nakacharge sa left side ng computer table ko.

Pagbaba ko at pagpasok sa Kusina. Nakita ko si Bryan at Lorraine. Kasama nila si Mom.

"Di pa pala kayo nakakaalis." Napatingin sila sa akin.

"Malamang. Nandito pa kami eh. Haha" inirapan ko si Bryan.

"Dear, Are you Hungry?" Tanong naman sa akin ni mom na ikinatango ko.

"Teka. Ipagluluto kita."

"Okay. I'll wait." Maikli kong tugon.

Umupo na ako sa upuan. At pinagmasdan si Mom habang nagluluto.

"Hey. Best alis na kami ha." Napatingin ako sa kanilang dalawa.

"Sure." Maikli kong sabi.

"Pumasok ka bukas ha?"

"Fine fine. Take care, you two"

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon