Chapter 17: Garden

6.7K 248 2
                                    

Natapos na ang boring na klase ngayong araw na ito.
Pero hanggang ngayon di ko pa rin nakikita si Aleister. Sinabi sa akin si Bryan na nagpapahinga daw si Aleister. Pero nung tinanong ko kung ano bang ginagawa nya bigla nyang iniba ang Topic. Ano ba talagang nangyayari?

Puntahan ko kaya sya sa Dorm nya?

Napag-desisyunan kong bisitahin sya. At ngayon nasa tapat ako ng dorm nya.

I sighed bago kumatok.

Walang nagsasalita kaya kumatok ulit ako.

Wala talagang sumasagot. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit.

Bukas pala to.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto.
At nakita ko syang tulog sa kama nya.

Umupo ako sa kama nya at inayos ko ang buhok nyang halos matakpan na ang mata nya.

"Ano ba kasing ginagawa mo?" Bulong ko.

Nakita ko ding pinagpapawisan sya kaya nilakasan ko ang aircon nya.

"Aurelia"

Napatingin ako agad sa kanya ng marinig ko ang pangalan ko. Pero tulog sya. Ako siguro napapaginipan nya?

Umalis na ako sa kwarto nya. Pero paglabas ko nakita ko si Bryan.

"Aurelia? What are you doing here?" kumunot ang noo ko.

"Binisita ko lang si Aleister. Bakit? Masama?" Inismiram ko siya.

"Oo masama. Alam mo bang bawal dito ang Girls?" Natawa siya.

"Bawal ba? Di ko alam."

Agad akong tumakbo papunta sa dorm ko at narinig kong tumawa lang sya ng malakas.

Nung nasa dorm na ako ay nag ayos na ako para matulog.

Nakasanayan ko ng hindi kumakain ng hapunan kaya hindi na talaga ako kumakain.

Humiga na ako sa kama para matulog. Pero di pa rin mawala sa isip ko si Aleister.

Bakit ko ba kasi siya iniisip? Argh.

Paikot ikot lang ako sa kama ko pero di talaga ako makatulog.

Kaya napagdesisyunan kong lumabas muna at magpahangin.

Pumunta ako sa garden. At umupo sa bench na nandun. Pinagmasdan ko lang ang kalangitan. Humiga ako sa bench. Naging payapa ang isip ko kaya nakatulog ako.

Aleister's Pov

Nagising ako na masakit ang ulo ko. "Paano ako nakarating dito?" Inalala ko ang nangyari.

"What the fvck?! Tang ina mo Bryan! Ginamit mo nanaman yung gamit galing kay tanda!"

Tumingin ako sa Orasan.
2:36am.

Di na ako inaantok kaya naman lumabas ako para magpahingin.
Pumunta ako sa garden at nakita kong may nakahiga sa bench. Sisitahin ko sana sya para sabihin na hindi yun lugar para higaan. Pero nung nakita kong si Aurelia yun. Pinagmasdan ko lang sya.

I sighed. "Ang kulit mo talaga. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang lalabas mag isa?"

Hinubad ko ang jacket na suot ko at kinumot ko sa kanya.

May nakita naman akong malaking puno na katapat ng bench kaya umakyat ako dun para mabantayan ko sya ng Di nya nalalaman.

Ano naman kayang napagtripan ng babaeng to para dito matulog sa labas. Kahit kailangan napaka weird mo. But, I like it.

Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ko.

Ha? Ano daw? Bakit ko sinabi yun? I sighed. Pati ako nagiging weird na rin.

Author's Note
Lame ba? Pasensya na po. Walang napasok sa isip ko ngayon eh. 😂
Babawi nalang ako sa susunod kong Update. Promise yan!
Don't Forget to Vote and Comment Guys. Lots of love!

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon