Chapter 19: Kidnapped

6.6K 224 3
                                    

Natapos na ang klase namin kaya dumeretso na ako sa dorm ko. Humiga ako sa kama ko at tumunganga.
Napatingin ko sa orasan. 10:48pm.

Di pa ako inaantok kaya lumabas muna ako at nagpunta sa garden. Naka pantulog lang ako nung nagpunta ako dun. Nag ikot ikot lang ako at umupo sa bench na nasa grden.
Pinagmasdan ko ang nga bituin na nasa kalangitan.

"Maya maya lang ay kaarawan ko na at magbabago na ang birthmark ko. Gaano kaya kasakit yun?" Bulong ko sa hangin.

Biglang humangin ng malakas.
Pagtingin ko sa left side ko nandun si Bryan. Nakaupo sya sa tabi ko.

"Ang galing naman nun." Mangha kong tugon

"Syempre ako pa" nagPogi sign pa siya.

"5 minutes nalang."

Tumingin ako sa nagsalita at nakita ko syang pababa ng puno.

"Unggoy ka talaga no." Pang aasar ko sa kanya.

Di nya lang ako pinansin.

Maya maya pa ay nakarmndam na ako ng matinding sakit.
Gumawa si Aleister ng Barrier at nawalan na ako ng malay.

Bryan's Pov
Gumawa si Aleister ng Barrier para di marinig ng nga estudyante ang sigaw ni Aurelia.
At bigla na lang syang nawalan ng malay.
Inalis na ni Aleister ang Barrier at binuhat ko na si Aurelia at hiniga ko sya sa bench.

Biglang humangin ng sobrang lakas.

"Oras na para kunin ang Prinsesa" nakita naming sumulpot si Emrick na nakangisi.

"Hindi namin sya ibibigay sayo!" singhal ko sa kanya

"Ah. Talaga? Edi kukunin ko sya sa inyo." natawa pa siya.

Humanda na kami ni Aleister para lumaban pero natalo nila kami. Pero sa di malamang dahilan ay bigla nalang kaming nawala sa ulirat.

Emrick's Pov

"Sa wakas. Nasakin na ang Prinsesa!"

Pumunta na kami sa kaharian ko at hiniga ang Prinsesa sa kanyang magiging kwarto.
Inutusan ko ang mga alipin kong babae na ayusan sya ng maganda. Umalis na ako para patayin ang mga kawal na di sumunod sa utos ko.

Aurelia's Pov

Bigla akong napabangon at napahawak sa ulo ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Tiningnan ko din ang damit ko.
NakaGown ako na light blue at may malaking ribbon sa likod.

Maya maya pa ay may nagbukas ng pinto.

"E-emrick?" Takot kont sambit

"Kilala mo pa pala ako. Mahal kong Prinsesa." Umupo siya sa tabi ko

"Asan ako?! Bakit ako nandito?! Asan sina Bryan at Aleister?!" nagpapanic kong tanong sa kanya

"Wag kang mag alala. Mahal ko. Magkakaroon tayo ng kasunduan ngayon." ngumisi siya.
Tumingin lang ako sa kanya.

"Mga kawal papasukin sya!" bigla niya pang sigaw.

Napatingin ako sa pinto at nakita ko ang dalawang tao na hawak ang isang lalaking nakakadena.

"Sya ang iyong kapatid, mahal kong Aurelia"

Napatitig ako sa lalaki. "D-draven? I-ikaw ba yan? " Nakita ko sa mga braso at Binti nya na puno ng mga sugat at pasa.

Napatayo ako.

"Hayop ka Emrick! Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" Nanggigigil kong saad.

Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko pero di ko nagawa.

"Di mo magagamit ang kapangyarihan mo sa lugar na ito" muli na naman siyang ngumisi

Tumingin ako kay Draven. Tumakbo ako sa kanya at niyakap ko sya.

"Wag kang mag alala. Makakalabas ka dito. Gagawa ako ng paraan." Bulong ko sa kanya

"Aurelia, Kailangan mong magpakasal sa akin kapalit ng kalayaan ng kapatid mo." napatingin ako sa kanya

Bumitaw ako sa pagkakayakap at tiningnan ko si Emrick ng masama.

"At paano naman ako makakasigurado na makakalaya nga sya?"

"Edi sumama ka sa paghatid namin sa kanya sa Academy nyo."

"Pumapayag na ako. Kapalit ng kalayaan ng kapatid ko, magpapakasal ako sayo."

Tiningnan ako ni Draven.

"Hindi! Hindi! Di ako pumapayag! Wag kang magpapakasal sa halimaw na yan!" nanghihinang sigaw sa akin ng aking kapatid

Hinawakan ko ang Pisngi nya.

"Wag ka ng mag alala. Alam ko namang ililigtas ako nina Aleister dito." sambit ko sa kanya.

Pilit akong ngumiti sa kanya.

Hinatid na namin si Draven at nakita ko sina Aleister at Bryan dun na walang malay.
Di ko na sila ginising. Umalis na kami at pumunta na sa Kaharian ni Emrick.

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon