Chapter 8: Vampire Sword

10.2K 286 0
                                    

After class ay lumapit sa akin si Bryan.

"Best. Nagugutom ka ba?" Tanong niya na ikinailing ko.

"Sure ka?" Tanong pa niya

"Yeah. I'm Sure."

"Okay. Tara sa labas?"

"Anong gagawin natin dun?"

Natawa siya. "Magpapahangin, halatang stress ka e"

Pumayag naman ako kaagad.

Tumayo ako pero nakita kong palapit sa akin si Aleister. Hinigit nya yung wrist ko.

"Aray! Ano ba?!" Pagdaing ko.

"Kailangan mong nagtraining." Maotoridad niyang sambit.

"Training?! Oh come on. Kakarating ko lang dito tapos Training agad?!"

"Malapit kana mag 18 years old. Kailangan mo na macontrol ang kapangyarihan mo habang mahina pa." Paliwanag pa niya.

Habang hinihinila nya ako sa hallway ay nagtitinginan sa amin ang iba pang nga estudyante pero di ko nalang sila pinansin. Humarap ako sa likod ko at nakita kong sumusunod lang si Bryan sa akin.

Nakarating kami sa tapat ng isang napakalaking room. Ang laki din ng pinto. Nabasa ko yung nakasulat sa taas.

"Training Room"

"Nandito na tayo." Sambit niya.

"Pwede bang bukas nalang tayo magtraining?"

"Hindi pwede."

Umirap ako. "Tsk. Ang Kj mo!"

"Oo nga naman Aleister. Ang lupit mo" natawa pa si Bryan

"Pumasok na tayo sa loob." Sabi pa ni Aleister

Naglakad na kami papasok.
Para itong isang malaking room na walang laman. yumuko ako at nakita ang reflection ko sa sahig. Ang kintab. Hindi ko alam kung napansin nila pero bumalik na din sa dati ang nga mata ko.

Humarap na ako kina Aleister.

"Ano ng gagawin natin?" Tanong ko pa sa kanya.

"Tuturuan kitang gumamit ng Vampire Sword"

"Vampire sword?" Nangunot ang noo ko.

"Oo."

Lumapit sya sa pader at nilapat ang mga palad nya. Biglang umikot ang pader at lumabas ang iba't ibang uri ng mga sandata.

Kumuha si Aleister ng dalawang espada na nasa pinakatuktok ng pader.

Inihagis nya ang isa sa akin. Buti nalang nakaiwas ako.

"Ano ba?! Wag mo namang basta basta ihahagis! Paano kung di ako nakaiwas?!"

Pumunta sya sa harap ko.

"Hawakan mo yung Sword" utos niya"

Hinawakan ko yung espada ko at sinubukan buhatin pero di ko magawa.

"Hindi ko kayang buhatin. Bakit naman kasi sobrang bigat nito?!" Singhal ko sa kanya

"Best. Kailangan mo pala munang magpalakas" natawa na naman si Bryan.

"Tuwing alas 4 ng umaga ay gigising ka at magkikita tayo dito sa training room" sabi ni Aleister na ikinasinghap ko.

"Aray. Ang lupit mo!" Singhal ko.

Kumunot ang noo nya at tumalikod na sa akin.
Kinuha nya yung espada na sa sahig at lumabas ng training room.

"Saan sya pupunta?" tanong ko kay Bryan

"Sa dorm mo."

"Ha?! Sa Dorm ko?!"

"Oo. Dadalhin nya yung Vampire Sword dun para mapagpractice-san mong buhatin yun."

"Grabe sya. Wala ba syang balak na pagpahingahin ako?"

"Yaan mo nalang sya. Mahigpit at strikto sya pero mabait yan." Inakbayan niya ako.

"Mabait?! Wow ha. Sobrang bait nya! Sobra talaga!" Sarcastic kong sambit

Tumawa si Bryan. "Magpahinga kana nga"

Umalis na sya at naiwan akong mag isa dito sa training room.

Wala man lang fentleman dito. Di man lang nila ako hinatid? Tsk.

Naglakad na ako at nagpunta na sa dorm ko. Pagpasok ko ay nakita ko agad yung Sword na nasa sahig malapit sa kama ko.

Patalon akong humiga sa kama ko.
Tumingin ako sa Wrist Watch ko.
7:50pm na. Maaga pa nga pala ako bukas. Napabuntong hininga ako.

Pinikit ko na ang mga mata ko at tuluyan ng natulog.

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon