Chapter 12: Letter

7.9K 256 1
                                    

Aurelia's Pov.

Nagising ako na nasa Clinic na ako.

"Aray. Ang sakit nun ah." Daing ko.

Nakita ko si Bryan at Aleister na nakaupo sa side ko at mukhang nag uusap.

"Uy. Gising kana pala." Bungad sa akin ni Bryan.

Umupo ako sa kama. Aalisin ko na sana yung kumot na nakabalot sa akin ng makita kong jacket lang ang suot ko.

"Teka. Anong nangyari? Bakit Jacket lang ang suot ko?" Gulat kong saad.

"Ah. Nasunog yung damit mo nung naging apoy ka." Mahinahong paliwanag naman ni Bryan.

"Ano?! Teka-" di ko na natuloy ang sasabihin ko.

"Don't worry. Wala akong nakita."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Sigurado ka?"

"Oo naman. Mukha ba akong manyak?" Natatawa niyang saad.

Napatingin ako kay Aleister na mukhang galit. Tumingin din sya akin kaya nagtama ang mga paningin namin.

He sighed. "Wala kanang ginawa kundi ipahamak ang sarili mo" sambit niya

"Ha?"

"Sinabi ko sayong wag kang lalabas ng ikaw lang mag isa. Tsaka. Di ka ba marunong magbasa?! Tatanga tanga ka kasi! Alam mo ba yung pinasukan mo?!" Galit na siya, kaya napayuko ako. Ako naman kasi ang mali e.

"Ah. Hindi. Ano ba yun?"

"Portal yun papunta sa mundo ng mga fairies! Napakadelikado nung ginawa mo!" Singhal niya.

"Sorry naman. Malay ko ba." Kumamot ako sa ulo ko.

"Tama na yan Aleister. Pagpahingain muna natin si Aurelia." Pigil ni Bryan kay Aleister.

Tumayo si Aleister at umalis na.

"Teka. Iiwan nyo ako dito?" kumunot ang noo ko.

"Yeah. Oobserbahan ka pa daw eh." Simpleng saad niya.

I sighed. "Sige na. Umalis na kayo".

Tumayo na din sya at umalis

Naiwan akong mag isa dito. Muli kong nilibot ang paningin ko sa paligid.
Nakita kong may pagkain sa sofa na nasa paanan ko kaya kinuha ko ito at kumain.

Pagkatapos ko ay biglang dumating yung Doctor.

"Miss. Okay kana. Pwede ka ng lumabas ng clinic." Parang ayaw ng doctor na ito na nandito ako ah.

"Ah. Sige po. Salamat." Saad ko nalang.

"Pero bago ka umalis. Isuot mo to. Di mo naman siguro gusto na magpunta sa Dorm mo ng nakajacket lang?" Inabot niya sa akin ng isang tshirt at pantalon.

"Salamat po. Sige po isusuot ko na po" Nahihiyang saad ko.

Naiwan na naman ako sa kwarto, pumunta na ako sa Cr at nagbihis.

Pagkatapos kong magbihis ay nagpunta na ako sa dorm ko.

Humiga ako sa kama at pinagmasdam ang Vampire Sword.

"Makapagtraining kaya?" Sabi ko sa sarili ko.

Bumangon ako at kinuha ang Sword.

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa training room ay nakita ko si Aleister.

"Oh. Bakit ka nandito? Akala ko ba oobserbahan ka pa ng Doctor?" nakakunot ang noo niya.

"Sinabi nya kanina na pwede na daw akong makalabas kaya lumabas na ako."

Napatingin sya sa dala ko.

"Bakit dala mo yan?"

"Magttraining ako." Simpleng saad ko.

"Okay. Bahala ka. Trip mo yan eh." naglakad na siya paalis, ako naman ay pumunta na sa training room.

Paano ako magttraining mag isa kung diko alam kung paano humawak nito? I sighed.

Napagdesisyunan kong lumabas nalang at magpahangin.
Iniwan ko yung Sword sa Training Room.

Pumunta ako sa isang puno para makapag relax, uupo na sana ako nang may makita akong papel na pilas pilas.

Sinubukan ko yung buuin pero may mga parteng nawawala.

May naramdaman akong lalaking palapit sa akin kaya napatayo ako at napaharap sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba magttraining ka?"

"Yun nga dapat ang plano ko kaso di nga pala ako marunong humawak ng espada" kumunot ang noo niya.

"Edi pag aralan mo mag isa."

"Tss. Oo nga pala. Tulungan mo nga akong buuin to." inabot ko sa kanya ang mga papel.

Napansin kong nanlaki ang mga mata nya ng makita ang papel. Agad nya itong kinuha at nilagay sa bulsa nya.

"Bakit mo kinuha?"

"Akin yun." Sabi niya

"Ganun. Eh bakit nandito?"

Di nya ako sinagot. Tumalikod na sya at naglakad na papasok sa Academy.

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon