Chapter 22: Visitor?

6.1K 190 0
                                    

Aleister's Pov
Natapos na ang klase namin at ngayon ay naglalakad ako sa hallway papuntang training room para kamustahin ang training ni Draven.

Pagbukas ko ng pinto. Nagulat ako sa nakita ko.

"A-aurelia?" Di makapaniwalang sambit ko.

Tumingin lang sya sakin.

Tumakbo ako at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Kamusta ka? Sinasaktan ka ba dun? Paano ka nakawala?" Agad kong tanong.

"Uhh. Anong nangyari sayo? Bakit biglang nag aalala ka sakin ngayon?"

Humiwalay ako sa pagkakayakap at umayos ng tayo

"Paano ba naman. Ikaw ang legendary princess kaya dapat nag iingat ka!" Pagalit kong turan

"Palusot." Natatawa si Bryan

"Ha? Ano yun?" Painosente kong tanong.

"Ah. Ang sabi ko, Draven ihatid mo muna kapatid mo sa Dorm nya para makapagpahinga sya." Sabi pa ni Bryan

"Okay" pagpayag ni Draven

Hinatid na ni Draven si Aurelia sa dorm nya.

"Sa tingin mo kaya sasabihin ni Draven kay Aurelia na buhay pa ang magulang nila?" Tanong ko kay Bryan

"Don't worry kinausap ko na si Draven. Di nya sasabihin yun." Sagot niya naman.

Aurelia's Pov
Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta sa dorm ko. Di man lang pala nalaman ng Academy ang nangyari sakin. Di ko din muna pwedeng sabihin kina Bryan na alam ko na buhay ang mga Magulang ko. Alam din kaya ni Draven yun?

Habang naglalakad kami ay may naririnig akong bulungan

"Yan na yung Princess na Malandi"

"Look oh. May kasama syang New Boy"

"Malandi talaga. Hahaha."

"Yaan mo. Matitigil yan pag dumating na sya"

"Hahahaha. Oo nga. Sigurado akong malaking gulo yun. Hahahaha"

"Ate. Hayaan mo na sila. Insecure lang yang mga yan" Tiningnan niya ako. "Anong iniisip mo ate?"

"Ah. Wala yun." nasabi ko nalang.

"Sigurado ka ate?"

"Oo naman. Oo nga pala. Saan ang dorm mo?"

"Ah. Wala pa akong dorm. Kay Bryan ako nakikishare."

"Ah. Malawak sa Dorm ko. Kung okay lang sayo Share nalang tayo."

"Ate, Di pwede eh. Di pa nila alam na may kambal ka. Pero ang W
Weird noh. Magkakambal tayo pero di tayo magkamukha." natatawa niyang sambit.

"Ganun talaga. Minsan may mga kakambal na di magkakamukha." sambit ko naman sa kanya.

Pagkarating ko sa pinto ng dorm ko ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Humiga ako sa kama ko at nagpahinga.

Aleister's Pov

Agad akong pumunta sa palasyo para balitaan sila.

"Mahal na hari. Nakatakas na po si Aurelia sa Gury. Kasalukuyan po syang nasa Academy na. " bungad ko

"Mabuti yan. Di nako makapag intay na sabihin ito sa Reyna." Sagot naman ng hari

"Opo pero wag po muna tayong magpakasaya. Alam kong gagawa ng paraan si Emrick mabawi lang si Aurelia."

"Wag kang mag alala. Patuloy pa din ang pag eensayo ng mga kawal ko. Oo nga pala. Balita ko pupunta sya sa Academy ah"

"Po? Sino po?"

Natawa siya. "Si Kristine"

"Opo. Bukas na po yata ang dating nya." sagot ko.

"Oh. Sya makakaalis kana. At Magpahinga kana."

"Masusunod, Mahal na hari."

Pumunta na ako sa Academy at dumeretso sa dorm ko. Humiga na ako sa kama ko at natulog.

The Legendary Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon