CHAPTER01

46.7K 620 35
                                    


"Ate ang aga pa para maligo, ano ba alas otso pa magsisimula yung mesa" inis na sabi ng kapatid ko.

"Baka wala na tayong mauupuan gusto ko sa pinakauna tayo" nakangiti kong sabi. Agad siyang umupo saka tinignan ako ng masama.

"Si Kuya Mack lang naman yung pinunta mo doon ate" tinignan ko siya ng masama.

"Para kang si satanas kita mo na ngang nag aral siya para mag pare tapos lalandiin mo siya?"

"Hoy babae! Hindi ako satanas saka nakita mo ba akong nilalandi siya?" Napa role eye siya saka tumayo.

"Nagpapa-pansin ka kasi sa kanya" hinarap niya ako saka niya hinawakan ang kamay ko.

"Ate nakababatang kapatid mo lang ako pero mali yung magmahal ng bawal" nalungkot naman ako.

"Satingin ko naman pwede siyang mag out pag minahal din niya ako diba?" Umiling iling ang kapatid ko.

"Ang diyos ang mamahalin niya, saka baka pangarap niya ang mag pare ate"

"Pwede naman kaming maging kaibigan"

"Tapos lihim mo siyang mamahalin?" Napayuko nalang ako.

"Sige na kumain ka na ate maliligo pa ako" tumango nalang ako saka lumabas ng kwarto niya. Tama ang kapatid ko pero yung puso ko kasi ayaw tumigil marami na akong naging boyfriend pero ngayun lang ako naging ganito.

Ako si Angel Montana ang babaeng nahihibang at na inlove sa isang SEMINARISTA.

"Mama, Papa alis na po kami ni Kimmy" pagpapaalam ko kay mama. Agad namang kaming nilapitan saka hinalikan sa pesnge.

"Ang babait talaga ng mga dalaga ko" singit ni papa at kinurot ang pesnge namin ni kimmy sabay naman kaming napanguso.

"Sige na ingat kayo mga anak" sabay halik sa pesnge namin. Dalawa lang kaming anak at ako ang pinakamatigas ang ulo pero simula ng makilala ko Mack. I mean di pa naman siya pare eh! Seminarista pa lang naman so pwede pa diba?

Ng makarating kami sa simbahan di pa kadamihan ang mga tao kaya wala pang nakaupo sa unahan. Agad kaming umupo dun. Yung mga minister kasi nasa right side nakaupo kaya malapit lang sakin. Mga ilang minuto bago ako naghintay na dumating sila.

agad akong umayos ng upo nang makita ko siyang papalapit na naka sout ng puti na damit na mahaba saka may dala siyang bag na itim with golden goblet on his right hand. Ng dumaan siya sakin binati ko siya.

"Magandang umaga po" tinignan niya ako, tumango saka ngumiti. Kahit ganun lang kinilig na ako.

"Tss ate ano ba" sabi ng kapatid ko pero di ko siya pinansin. Nag simula ang mesa na minsan sinusulyapan ko siya saka si father nanaman na nagsasalita. Ganun lang ang ginagawa ko at minsan nahuhuli niya akong nakatitig sa kanya. Ng matapos na ang mesa lumapit siya sa mic saka tinignan ang lahat ng tao sa loob ng simbahan pero di niya ako tinignan kaya medyo nalungkot ako. Yumuko ako ng magsalita siya.

"Magandang umaga po. Nandito po ako sa harap niyo para humingi ng panalangin na sana makapasa ako sa pagiging seminarista ko. Na sana po di kami madala sa temptasyon ng mga kababaihan dahil ang panginoon ang gusto kong paglingkuran hanggang sa huli ng hininga ko" ng sinabi niya yun nagpaalam ako kay kimmy na lalabas para mag cr pero yung totoo ayokong madinig yung gusto niyang sabihin. Habang nagsasalita siya agad kong sinalpak ang head set ko at sumandal sa gilid. Patingin tingin ako sa loob kung nagsasalita pa siya. Ng mag bow na siya tinago ko na ang cellphone ko saka bumalik ng upo.

"Ate bakit di ka nakinig sa sinabi niya? Para yata yun sayo patama para tumigil ka. Titig na titig ka kasi sa kanya. Halatang halata ka kaya siguro niya yun sinabi" bulong ng kapatid ko sakin pero di ko ulit siya pinansin.

"Tapos na ang mesa maraming salamat" sabi ni father pero di pa ako tumayo.

"Ate tapos na daw" tinignan ko siya saka ngumiti

"Mauna ka na kimmy" napataas naman ang kilay niya.

"At bakit?"

"Basta" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Okay sige! Basta umuwi ka kaagad baka magtataka sila mama at papa"

"Sabihin mo magkokompisal ako"

"Magkokompisal kamo kay kuya mack"bulong niya na rinig ko naman pero di ko na siya pinatulan dahil kakasimba ko palang wala na akong kasalanan tapos lalagyan nanaman. Nagsimula na siyang umalis kaya lumuhod ako saka pinagtagpi ang mga kamay ko saka yumuko at nag dasal.

(SILENT PRAYER)

'Panginoon kung naririnig niyo man po ako sana po pakinggan niyo ako. Alam ko pong makasalanan akong tao at maraming humihingi ng awa niyo at pag papaunawa.' Huminga ako ng malalim

"Pero sana po ibigay niyo sakin ang kahilingan ko. Wala na po akong ibang hinangad sa buhay ko kundi ang makasama ang taong gustong paglingkuran kayo. Panginoon alam kong makasalanan tong hinihingi ko pero sana po ibigay niyo sakin." Di ko alam pero nanginit ang boung paligid ng mata ko. Basta naramdaman kong tumulo ang luha ko.

"Panginoon kilala niyo naman siguro kong sino ang tinutukoy ko. Hindi naman po sa gwapo siya kaya gusto ko siyang kunin sa inyo. Kundi po siya ang dahilan ng pagbabago ko sa lahat ng bagay" huminga ako ng malalim ng may maramdaman akong kamay na pumunas sa pesnge ko. Dahan dahan akong dumilat at isang gwapong nilalang na nakaputi at nakangiti ito sakin. Para siyang si david na bumababa sa langit.

"Okay ka lang ba?" Napatulala ako sandali at nakatingin lang sa mga mata niya.

"Halika" sabi niya saka ako pinatayo dahil hinawakan niya ang kamay ko. Di ako makatayo ng matuwid dahil nakatingin lang ako sa mga kamay naming magkahawak. Dinala niya ako sa harap ng altar ng panginoon saka niya binitawan ang kamay ko at may kinuha siya sa loob nung krus. Yung bread ng panginoon. Humarap siya saking nakangiti.

"Nakita kita kaninang hindi kumain nito" napatingin ako sa hawak niya.

"Ayoko pong madagdagan ang kasalanan ko. Nangako po ako sa sarili ko na kakain lang ako niyan pag hindi na ako gagawa ng mali" binababa niya ito sa mesa saka hinawakan ang kamay ko.

"Lahat ng tao makasalanan kaya wag mong pagdamutan ang sarili mo" naiinis ako sa sarili ko dahil sobrang bait niya.

"Pare ka na po ba?" Ngumiti siya at binitawan ang kamay ko.

"Seminarista palang pero papunta na din ako doon" tinignan ko siya sa mata.

"May posibilidad po bang tatalikuran mo ang lahat?" napakunot noo siya pero agad ding ngumiti.

"Nangako ako sa isang tao na tutuloy ako sa bahay ng panginoon hanggang sa isama niya ako sa huling hininga ko"
napayuko ako ng sinabi niya yun at napahawak sa kamay ko.

"Ako rin ang nagsisilbi sa simbahang ito hanggang sa may araw na nakatakda sakin para maging pare na" tinignan ko siya at nakangiti siya.

"Pwede po bang mag volunteer?" Tinignan niya ako.

"Sa paglilinis po gusto ko lang pong tulungan kayo" isang tango ang ibinigay niya sakin.

"Kilala mo ba ako?" Tumango ako sa kanya.

"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

"Angel Montana Po fullname ko" ngumiti siya sakin.

"Kasing-ganda ka ng mga angel sa libro ng bibliya bagay na bagay sayo ang pangalan mo" napangiti ako sa sinabi niya. Ito na yata ang pinakamasayang araw ko.

" mag ingat ka sa daan" sabi niya bigla kaya tumango nalang ako. Pero bago yun. Lumuhod ako sa harap niya sabay bow sa harap niya at pinigilan niya ako pero di ako nagpatinag.

"Wag mo na yang gawin di ako banal na tao para gawin mo to" ng matapos akong mag bow. Tumayo ako saka ngumiti.

"Salamat po at nakilala ko ang katulad niyo" nag bow ulit ako saka na nagsimulang maglakad papalabas pero sinusulyapan ko siya at nakatingin lang siya sakin habang papaalis.

"Thank you lord" yun nalang ang nasabi ko

I fell inlove with the seminarian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon