"Pangako?" Ngumiti siya sakin."Oo nangako ako sa taong mahal ko noon na siya lang ang mamahalin ko habang buhay at maglilingkod ako sa panginoon"
"So ibig sabihin kaya ka sana magpapare dahil sa kanya?" Hinawakan niya ang mukha ko saka siya tumango.
"Nasaan siya?" Yumuko siya sa tanong ko.
"Kagaya mo ganun ang nangyari kay liana"
"Ibig sabihin pinahirapan din siya?" Tumango siya sakin.
"Liana sacrifice for 2 weeks sa kamay ng mga taong mga lapastangan. They raped and torture liana and that made her die" nalungkot naman ako.
"Pero di naman nila ako nirape" napakunot noo siya.
"What you mean?"
"Pinahirapan nila ako oo, aaminin ko hinahawakan nila ako kahit saan hinahalikan at kinakagat, pero pag tatangkain na akong gahasain ng tatlo may isang lalaking laging pumipigil. Lagi niyang sinasabi wala daw sa usapan nila ang gahasain ako kundi ang pahirapan lang"
"Pahirapan?" Tumango ako sa kanya
"Narinig kong sabi nila na makasalanan ako kaya nila yun ginagawa. Kaparusahan daw dahil minahal kita" mas lalo siya naguluhan
"Pero wag na natin yung pag usapan mack"
"Pero?"
"Okay naman ako diba? Basta nandito ka na okay na sakin yun. Yun lang naman ang hiniling ko sa diyos na mahalin mo rin ako" tinignan niya lang ako
"Mack sorry"
"Bakit?"
"Ng dahil sakin di ka tumuloy" umiling iling siya.
"Siguro ikaw ang daan kaya ako nandito angel" tumayo ako saka rin siya pinatayo.
"Alis na tayo natatakot na ako eh" napatingin ako sa paligid sobrang dilim at napangiti naman siya saka kami lumabas.
"Sakay na" sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Bago pa kami makarating sa bahay nag prino ako saka tinignan siya.
"Bakit?" Tanong niya sakin.
"Mack mahal mo ako diba?" Tumango siya at hinawakan ang kamay ko.
"Sana mack di mo isipin na ang bata ko para sayo" napangiti naman siya saka hinalikan ang kamay kong hawak niya.
"Sige na mag drive ka na" ngumiti nalang ulit ako saka nagmaniho. Ng makarating sa bahay gulat na gulat si kimmy.
"Kuya Mack? Di ba po pare na kayo?" Tumawa lang si mack saka ako tinignan.
"Kimmy okay naman siguro yung guest room diba?" Napakunot noo si kimmy.
"Guest room? Di mo siya itatabi sayo? Sa isang taong hinintay mo magpapaka maria clara ka?" Namula ako sa sinabi niya kaya binato ko siya ng unan.
"Tumahimik ka nga" tumawa lang si mack dahil sa pinagsasabi ni kimmy.
"Nako ate matanda kana. Kaya okay na kong magtabi kayo basta seryoso tong si kuya mack sayo. Diba kuya?" Ngumiti si mack at tinignan ako.
"Oo naman, bakit ko naman lulukuhin ang ate mo kong siya mismo nangligaw sakin" aba tong lalaking to. Tawa ng tawa si kimmy kaya nag pout ako.
"Kaya mahal na mahal ko ang ate mo kimmy. Iiwan ko ba ang lahat nang meron ako noon kung di ko siya mahal?" Namula ako sa sinabi niya si kimmy napatigil din sa kakatawa.
"Actually Angel" humarap siya sakin.
"Alam na ng mama at papa mo na iniwan ko ang lahat para sayo"
"Huh?" Yun lang ang nasabi ko sa narinig ko sa kanya.
"Niligawan ko ang ina at ama mo para bigyan nila ako ng basbas at binigyan naman nila ako"
"Bakit di ko alam?" Singit ni kimmy. Napatingin kami sa kanya.
"Angel saan kwarto mo?" Natatawa niyang sabi kaya tinuro ko yung katapat naming pinto.
"Mga walang galang na po ha" natatawang sabi ni mack kay kimmy at hinigit niya ako papasok sa kwarto ko. Pinaupo niya ako sa kama saka siya lumuhod sa harap ko.
"So mack totoo ba yun?" Tumango siya sakin.
"Pinayagan ka ni mama at papa" tumango ulit siya.
"So it means legal na tayo?" Tumawa siya saka tumango. Napangiti ako at sa saya ko niyakap ko siya.
"Matagal ko tong hinintay mack"
"Shhhh wag ka ngang umiyak" tumawa lang ako saka mas hinigpitan ang yakap.
"Pero bago ang lahat angel" inilayo niya ako saka may kinuha siya sa bulsa niya. Umayos siya sa pagkakaluhod siya at hinarap ako.
"Angel bago may mangyari satin at bago mag bago ng tuluyan ang buhay mo. Gusto kong basbasan rin tayo ng diyos" bigla niyang binuksan ang kahon at nakita ko ang isang plain na white gold na singsing.
"Singsing to ng mama ko. Sabi niya sakin noon pag nakita ko na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ito ang ibibigay ko sa kanya" kinuha niya ito sa kahon saka inilagay sa Left finger ko kung saan napapatunayang may mahal na ako habang buhay.
"Angel humihingi ako ng patawad sa lahat ng nagawa ko sayo noon. Pero ngayun papatunayan ko ang pagmamahal ko sayo. Sisilbihan kita hanggang sa tumanda tayo. Angel handa ka naman siguro sa lahat ng pagbabago sa buhay mo ngayung may ako na sa buhay mo. Angel handa ka na bang mabuhay kasama ako habang buhay?" Di ko napansin na lumuluha na pala ako. Kong lahat ng babae gustong marinig ang 'will you marry me' pero ito siya ngayun may ibang versyon ng kanyang pag aalok. Hinawakan ko ang mukha niya saka siya hinalikan sa noo at niyakap ko siya.
"Matagal ko tong hinintay kaya kahit anong mangyari sasamang sasama ako sayo kahit saan man. Mamahalin kita boung puso ko mack. Kahit kamatayan pa yan"
"Wag ka ngang magsabi ng ganyan" inilayo niya ako sa kanya saka pinunasan ang pesnge ko.
"Ang swerte ko kaya sa magiging asawa ko"
"Bakit naman? Ako nga tong naghahabol sayo eh" tumawa siya.
"Dahil alam kong ako lang ang mamahalin mo habang buhay" napangiti ako sa sinabi niya.
"Ibinigay ka sakin ng diyos kaya paglilingkuran kita habang buhay. kaya ikaw lang, hindi kita ipagpapalit, mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko. Sabihin na nating may mamahalin akong iba" napakunot noo siya.
"Ano?" Tumawa ako dahil sa reaksyon niya.
"Ikaw lang mamahalin ko? Pano naman yung magiging anak natin? Sympre mamahalin ko rin sila" napatawa naman siya sa sinabi ko.
"Nga naman. Sympre mamahalin natin sila ng boung puso" niyakap ko ulit siya.
"Salamat sa lahat Mack, dahil minahal mo ang katulad ko" niyakap lang din niya ako ng mahigpit.
"Mamahalin kita Angel habang buhay"
BINABASA MO ANG
I fell inlove with the seminarian (18+)
General Fiction[COMPLETED] Forgive us for all our sins.