Agad akong napabangon at napalinga linga."Angel?" Napapikit ako dahil akala ko totoo yun. Bakit ganun? Bakit ganun ang panaginip ko? Di ko mapapatawad ang sarili ko kung totoo yun. Agad akong napabangon saka at nag bihis. Habang naglalakad ako may matanda akong nakita.
"Oh Mack saan po kayo pupunta at parang nagmamadali kayo?" Napatigil ako saka napatingin sa matanda.
"May hinahanap po kasi ako"
"Sino naman iyon iho?"
"Ah may nabalitaan po kayong babaeng nawawala?" Napaisip naman siya.
"Si angel ba kamo?" Tumango ako sa kanya.
"Kung ganun iho mag tanong ka dun sa mga tambay alam nila yun. Nalaman ko sa kanila yun" naliwanagan naman ako dun sa sinabi ng matanda.
"Talaga po?"
"Oo"
"Ah sige po" agad akong nagpaalam saka tumakbo kung saan ang mga tambay.
"Walang galang na pero pwede mag tanong?" Napatingin sakin ang mga tambay na nag iinoman.
"Oh mack napadpad kaya yata rito? May kailangan po ba kayo?" Napangiti ako dahil sa pag rerespito nila sakin kahit seminarista palang ako.
"Alam niyo po ba kung nasaan si angel?" Nagkatinginan silang lahat saka ko tinignan.
"mack bakit niyo po siya hinahanap"
"Baka kasi may pag asa pang makita ko siya" napayuko nman sila.
"mack kilala po dito sa bayan namin yung apat na taong hilig kumuha ng mga dalagang katulad ni angel. Sa pag kakaalam po namin mahigit isang linggo na pong nawawala si angel. Saka baka wala na po siya ngayun. Lahat po ng kinukuha pinapatay" para akong nanghina sa sinabi nila kaya napaupo ako sa gilid.
"Mack okay lang po ba kayo?"
"Saan yun?"
"Po?"
"Saan ang tambayan nila?"
"Nako po wag po kayong pumunta dun"
"At bakit?"
"Kasi po galing po kami dun pero pinagbabaril lang po kami. Kaya nga po wag na po. Dilikado po" umiling iling ako saka tumayo.
"Saan yun?" Nagkatinginan sila saka tumayo at hinarap ako.
"Sasamahan ka po namin" tumayo silang lima saka nagsimula ng maglakad kaya sinundan ko lang sila. Malayo layo ang nilakbay namin hanggang sa namalayan kong nasa tagong lugar na kami. Hanggang sa tumigil sila at tinuro ang bahay na sira sira.
"Satingin ko mack nasa loob si angel. Sinubukan po namin siyang iligtas pero yun nga po pinagbabaril kami. Kaya bago po tayo papasok dito ka muna po. Kami po muna ang uuna"
"Hindi sasama ako"
"Pero"
"Sige na"
"Okay sige na" napahinga sila ng malalim saka tumango kaya pinagitnaan nila ako. Nag nasa pinto na kami. Pinakiramdaman muna nung isa kong may tao pero sabi niya parang wala kaya. Ako na ang bumukas ng pinto. Sinilip ko sa loob pero mga gibang gamit lang ang nakikita ko. Dahan dahan akong pumasok pero bago akong tuluyan makapasok pinigilan ako ng isa.
"Mack kayo na po ang pumasok kami po magbabantay sa labas" tumango ako sa kanila saka ako tuluyang pumasok, walang tao sa loob kundi ang mga sirang gamit lang pero habang naglalakad ako may dugo akong nakikita sa sahig. Mga upos na sigarilyo at mga bote ng alak. Pero napatigil ako sa kamang nakita kong madaming dugo pero walang angel akong nakita. Nagpalinga linga ako baka may tao pero wala naman kaya tinignan ko aag sulok ng kwarto hanggang sa may nakita akong paang duguan.
"Angel?" Kinabahan ako kahit paa palang ang nakikita ko.
Agad akong mapatakbo kung saan nanggaling yun at ng makita ko siya napaupo ako bigla habang tinitignan ang katawan niyang nakahiga sa sahig. Agad ko siyang hinawakan.
"Angel? Naririnig mo ba ako" nanginginig kong sabi pero wala siyang sagot. Agad kong Tinanggal ang pagkakaposas ng kamay niya at ang takip sa bibig niya. hinawakan Ko ang pulso niya at napangiti ako dahil pumipitik pa ito. Agad ko siyang binuhat at nagmamadaling lumabas. Pero bago ako tuluyang makalabas napatigil ako dahil sa mga litratong nakadikit sa dingding. Tinignan ko ito ng mabuti. At puro mga pictures ni angel. Sa university niya. Sa paglabas ng bahay at sa simbahan at higit sa lahat yung litratong hinalikan ako ni angel sa labi. Tinignan ko si angel.
"Kung alam ko lang na mangyayari to. Edi sana di kita pinabayaan" agad akong lumabas ng maalala ko yung apat na lalaking sumunod sa kanya noon. Magbabayad sila.
"Mack?" Gulat na gulat sila ng makita si angel na buhat buhat ko.
"Buhay pa siya. Kailangan ko na siyang dalhin sa hospital. Pag sabihan niyo nalang ang pamilya niya dito" tumango naman sila saka ko nagmamadaling tumakbo at may tumigil na taxi naman ng makita ako.
"Mack?" Sabi ng driver kahit di ko kilala.
"Sa hospital po dalian niyo"
"Opo" agad naman siyang nagpaandar ng kotse.
"Si angel po ba yan? Buhay pa po ba siya?" Di ako sumagot dahil nakatingin lang ako sa mukha ni angel na halos di na makilala dahil sa pamamaga.
"Nandito na po tayo, saka wag na po kayong mag bayad" agad akong lumabas na buhat buhat si angel. Ng makita ako ng nurse agad namang may sumalubong saking stretcher.
"Kami na po bahala" di ko alam pero kilala nila ako. Dahil siguro nagsisimba sila lage kaya ako kilala nila.
"Hindi ba pwedeng samahan ko lang siya?"
"Pasensya na po pero bawal po talaga. Maghintay nalang po kayo sa waiting area ng emergency room. Sige po" wala akong magawa kundi ang tumango. Mga ilang oras akong naghintay pero mga nurse na nagmamadali lang ang lumalabas at wala ng iba.
"Mack?" Napatingin ako sa boses na yun. Agad akong napatayo.
"Maam?" Ang ina ni angel. Si maam Angela kasama din ang asawang si Sir Lucas at si kimmy.
"kuya Mack si ate?" Tanong agad ni kimmy sakin. Napatingin sa pinto ng emergency room.
"Nasa loob pa siya" ng sinabi ko yun. Nagulat ako ng lumuhod si maam angela sakin.
"Maam tumayo po kayo"
"Salamat. salamat at nakita mo siya. Ibubuhis ko ang buhay ko sa panginoon habang buhay"
"Tumayo po kayo" pinatayo ko siya saka pinaupo.
"Tama na po. Ligtas na si angel kaya wala ng problima" umiiyak siyang tumango at napatingin ako kay sir lucas
"Pwede bang mag usap tayo?" Tumango nalang ako kay sir lucas.
BINABASA MO ANG
I fell inlove with the seminarian (18+)
General Fiction[COMPLETED] Forgive us for all our sins.