Araw araw lagi nila akong sinasaktan pero di nila ako ginagahasa. Tanging sinasaktan lang nila ako. Gaya ng pagpapaso sa ibat ibang parte ng katawan ko gamit ng sigarilyo nila. Pinagsasaksak nila ang kamay ko ng kutsilyo. Araw araw nila akong sinusuntok at sa araw araw na ginawa nila sakin yun. Lasog lasog na ang katawan ko at nanghihina na ako. Di na ako makatayo sa sakit ng nararamdaman ko. Di ko na alam kong ilang araw na akong nagdurusa. Pero tanggap ko dahil nagkasala ako kay mack. Kahit naghihirap ako ng ganito di pa rin nagbabago yung pagmamahal ko sa kanya. Boung bou parin ito sa puso ko. Kasing lawak parin ng simbahan na gusto niyang maging tahanan."Pare buhay pa kaya yan" rinig kong sabi ng lalaki.
"Last nalang gusto kong manuntok eh" bigla niya akong itinahaya at sinuntok niya ako ng paulit ulit sa tiyan sa mukha. At ako parang sanay na. Masakit na kasi ang boung katawan ko kaya tanggap ko na lahat.
"Iwan na natin yan. Mag iisang linggo na yata natin siyang sinasaktan siguro naman wala na yang buhay saka may naghahanap na sa kanya! Kailangan na nating magtago nasa hustisya na ang mga pangalan at mukha natin"
"TARA NA ALIS NA TAYO TAPOS NA TAYO" rinig kong sabi niya. Ng wala na akong marinig. Pilit kong gumalaw pero wala. Wala na akong lakas. Pumikit nalang ako at naghihintay na malagutan ako ng hininga.
-----------------------
Mack Point of View
Habang nag lilinis ako di ko mapigilang hindi mapatingin sa pintuan. Isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sakin. Isang linggo na siyang hindi nagpapakita sakin. Nakakamiss rin pala siya. Nagpatuloy ako sa pag lilinis ng may narinig akong umiiyak. Napatingin ako kung sino yun. At kapatid siya ni Angel. Nakita ko siya naglalakad paluhod hanggang altar na nagdarsal pero umiiyak. Tinignan ko lang siya hanggang sa di ko sinasadyang marinig ang panalangin niya.
"Ibalik niyo samin si ate. Nag mamakaawa ako sa inyo tulungan niyo kaming mahanap si ate. Please po" napakunot noo ako sa narinig ko kaya nilapitan ko siya.
"Anong nangyari?" Napatingin siya sakin at iyak siya ng iyak.
"Si ate mag iisang linggo nang nawawala" nagulat ako sa sinabi niya.
"Nung gabing yun hinintay ko siya pero di siya dumating pero may tiwala ako sa kanya kaya pinabayaan ko siya hanggang sa nag umaga wala pa siya hanggang sa gumabi hanggang sa mga ilang araw nang walang ate angel na umuuwi samin. inatake si mama ko dahil sa nawala si ate. Nagwawala si papa dahil rin sa di matukoy kong nasaan si ate. Pilit namin siyang tawagan pero di namin siya macontact"
"Nasa akin phone niya. Naiwan niya pero nalowbat, nung gabing yun dito siya nakatulog dahil sa nagkasakit ako at binantayan niya ako pero umagang umaga mga alas otso umuwi siya. Akala ko nakauwi siya" umiling iling siya.
"Walang ate angel na umuwi kuya" yumuko siya at umiyak.
"May CCTV sa labas ng simbahan tara tignan natin" agad naman siyang napatayo ng makarating kami sa board room. Agad kong chineck ang CCTV sa araw nung umalis siya. Pero laking gulat ko sa nakita ko.
"Si ate~~~" nagsimula na siyang umiyak.
"Tahan na. Hahanapin natin siya tumawag ka ng pulis" tumango naman siya. Maya maya pa ay dumating ang ama niya. Iniwanan ko muna sila ako lumuhod sa harap ng altar at di ko mapigilang hindi umiyak.
"Iligtas niyo po siya. Nagmamakaawa ako sayo diyos ko, sana pinahalagahan ko siya, sana inalagaan ko siya hindi sana to mangyayari. Diyos nagmamakaawa ako wag niyong kunin si angel . Wag niyo po siyang kunin sa pamilya niya. Sa isang linggong wala siya sana nandyan ka sa tabi niya at di mo siya pinabayaan" napayuko ako saka umiyak ng umiyak. Walang nakakaalam kung nasaan siya. Kung saan siya dinala nanghihina ako at nagsi-sisi sa lahat ng nasabi ko sa kanya nung araw na yun.
"Tatanggapin ko lahat ng parusa niya. Kahit sarili ko, kahit masaktan ako ng physical okay lang basta mahal kita"
"Angel tama na wag kang magsalita ng ganyan pano nalang pag may masamang mangyari sayo"
"Sacrifices Mack"
Napapikit ako at napahagulhul ng maalala ko ang sinabi niya. Paulit ulit akong naglingkod ng paluhod sa panginoon maging okay lang siya at para mabuhay lang siya.
"Kuya mack?" Napadilat ako saka napatingin sa kapatid niya.
"Gusto ko lang magpasalamat" tinignan ko lang siya at ngumiti siya pero luhaan.
"Kung makita man natin si ate na wala ng buhay*stiff* gusto kong magpasalamat dahil ng dahil sayo nagmahal siya ng higit pa sa buhay niya" umiling iling ako saka yumuko.
"Mahal na mahal ka ni ate kahit alam niyang mali. Lagi akong nagagalit sa kanya sa tuwing sinasabi niyang paparusahan siya ng panginoon dahil minahal ka niya. Di ko alam pero sabi niya sakin. Kung dumating daw ang kaparusahan niya, handa daw siyang tanggapin yun at kahit ikamatay niya" mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.
"Kuya mack salamat po sa lahat" agad siyang umalis pero pinigilan ko siya.
"May naka alam na ba kung nasaan siya" umiling iling siya saka umalis na. Habang ako tulala boung araw dahil sa mga nalaman ko. Ang pagkawala niya nung pinagtabuyan ko siya. Humiga ako saka pilit matulog hanggang sa nakatulog ako.
-------------------
"Ma------ck" naalimpungatan ako ng may marinig akong mahinang boses pero ang mas ikinagulat ko ang kamay na duguang at galos galos. Agad akong napaupo saka ko nakita ang babaeng nakahandusay sa sahig na punong puno ng dugo.
"Angel?" Agad agad lumuhod sa harap niya saka ko siya niyakap.
"Ba----ya----d---na------ba-----ako??" Mapaluha ako sa sinabi niya at niyakap siya ng husto.
"Angel kumapit ka utang na loob Kumapit ka" halos di ko siya makilala dahil sa sugat sugat niya at namamaga niyang mukha at katawan.
"So---rry----ku----ng-----ma----hal---ki---ta" umiling iling ako saka ko siya binuhat.
"Wag ka munang magsalita kumapit ka angel" habang tumatakbo di ko alam kong saan ako pupunta kong di lang ako tinulungan ng taxi driver baka isa na akong baliw. Habang naghihintay na makarating sa hospital wala Kong ibang ginawa kundi ang yakapin siya at magdasal ng taimtim sa panginoon.
BINABASA MO ANG
I fell inlove with the seminarian (18+)
قصص عامة[COMPLETED] Forgive us for all our sins.