CHAPTER08

24.4K 381 4
                                    


Sumunod ako kay sir lucas hanggang sa nakarating kami sa terres ng hospital. Tumigil siya kaya humarap ako sa kanya.

"Kanina ko lang nalaman kay kimmy na ikaw ang lalaking kinababaliwan ng anak ko"yumuko ako

"Pero di ko alam bakit sayo pa na alam kong isa ka namang seminarista. Renirespito ka ng lahat pero nagpapasalamat ako sayo Mack?"

"Hindi po. Walang anuman po iyon kaya wag na po kayong magpasalamat sakin." Tinignan niya ako saka hinawakan ang kamay ko.

"Umuwi ka na" nagulat ako sa sinabi niya.

"Po?"

"Dadalhin namin sa states si angel para tuluyan na siyang gumaling"di ako makasagot sa sinabi niya.

"Ipagpatuloy mo ang gusto mong makamit sa buhay mo Mack. Alam kong mahal ka ng anak ko pero alam ko rin na mahal mo ang panginoon higit pa sa anak ko. Kaya kahit siguro lumuhod ako sayong mahalin mo ang anak ko at iwan ang pagiging seminarista ay di mo iyon magagawa. Kaya Mack pasensya sa lahat ng abala na ginawa ni angel sayo" di ako makapagsalita sa mga sinasabi niya at para bang nag dadalawang isip rin ako.

"Bata pa si angel kaya alam kong makakahanap siya ng gaya mo, ipagdasal mo nalang ang anak ko Mack"

"PAPA" Napatingin kami kay kimmy na umiiyak

"Bakit kimmy?"

"Si ate papa"

"Bakit anong nangyari kay angel?" Tanong ko sa kanya.

"Critical daw di daw nila kayang gamutin si ate. Papa kailangan na po nating dalhin si ate sa states" napatingin ako kay sir lucas at ganun din siya sakin

"Mack" tumango nalang ako saka sila nagmamadaling umalis. Maya maya pa ay may dumating na helicopter sa rooftop ng building. Nakita kong nagmamadali ang nurse at mga doctor ng sinakay na nila si angel sumunod ang mag pamilya saka na ito umalis ng tuluyan.

"Paalam angel sana gumaling ka"

-----------------

Habang nag darasal ako sa kalagayan ni angel napadilat ako ng may humawak sa balikat ko at si father. Agad akong napaupo at tumabi naman siya sakin.

"Ang gusto ng diyos maging masaya ang lahat ng naglilingkod sa kanya" napatingin ako kay father.

"Mack anak hindi pa huli ang lahat kaya pwede mo pang ipaglaban ang anong meron ka" napayuko ako.

"Pero nangako na ako sa diyos at sa taong mahal ko na maglingkod ako sa kanila habang buhay" ngumiti si father at hinawakan ang kamay ko.

"Anak hindi mo kasalanan kong bakit nawala ang mahal mo noon, sadyang naging biktima din siya kagaya ni angel" napayuko ako dahil di ko mapigilang hindi maiyak.

"Si Liana ay parang si Angel satingin ko bumalik si liana sayo para mahalin ka ulit. Nabuhay siya sa katawan ni angel. Sabihin na nating di talaga sayo ang pagiging pare"

"Mack Hanggat di ka pa nabibigyan ng basbas sa Roma di ka pa pari at ngayung wala ka pang basbas pwede kang tumalikod"

"Father iba si liana at angel. Ang bata pa ni angel si liana kasing edad ko lang siya pero si angel hindi. Alam kong pareho silang biktima ng mga masasamang loob pero nangako ako kay liana na wala na akong ibang mamahalin kundi siya. Nangako ako sa diyos na paglilingkoran ko siya" tinignan ako ni father at ngumiti siya.

"Na sa iyo ang lahat ng desisyon mo Mack, kaya sana hindi ka magsi-sisi" tumayo si father at tinignan ako.

"Minsan sa buhay natin mahirap talagang tugunin kong anong dapat gawin. Pero minsan anak kagustuhan mo ang masusunod hindi dahil nangako ka. Gusto mong makamit ang gusto mo dahil kagustuhan mo hindi dahil nangako ka" nabigla ako sa sinabi ni father.

"Hindi tayo tinuruan ng diyos para maging makasarili, pero anak tatanungin kita. Kagustuhan mo ba talagang pag lingkuran ang panginoon o dahil sa nangako kay liana at sa diyos na yun ang gagawin mo?" Napayuko ako sa sinabi ni father.

"Hindi ako hangal Mack para hindi makitang napamahal ka sa bata. Wala sa edad ang pagmamahalan dahil kusa itong dumarating ni kahit sino man. Kaya ang mapapayo ko sayo hanggat kaya mo gawin mo. Hindi ka paparusahan ng poong may kapal" napatingin ako kay father ngunit umalis na siya. Napaisip naman ako.

"Father?" Napatigil si father at tinignan ako.

"Pupunta po ako ng roma" tinignan niya ako ng maayos.

"Sigurado ka na ba?"

"Opo. Dahil yun po ang kagustuhan ko" ngumiti siya pero ngiting mapakla.

"Ikaw bahala. Magiging masaya ako kung yan ang kagustuhan mo" ngumiti ako at ganun din si father. Nagsimula na siyang umalis kaya nagtungo na rin ako sa kwarto ko. Pero habang nag iimpake ako biglang lumiwanang ang sulok ng kwarto ko kaya napatigil ako saka napatingin doon. At isang magandang dilag ang nakita ko.

"Liana?" Ngumiti siya sakin. Napakurap ako ng mga ilang beses at totoo ang nakikita ko.

"Hunter" ang boses niya parang kasing lamig ng yelo lalapitan ko sana siya pero

"Diyan ka lang hunter"

"Liana?" Ngumiti siya sa akin.

"Hunter wag mo tong gawin dahil lang sakin"

"Liana?"

"Hunter nagmamakaawa ako sayo. Sundin mo ang puso mo para maging malaya na ako" napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hunter nakukulong ako sa pangako mong di ko naman tinatanggap. Hunter wag mo tong gawin. Dahil araw araw mong ginagawa to para sakin. Araw araw din akong nasasaktan kang nakikita ganito.

"Liana?" ngumiti siya sakin

"Pakawalan mo na ako. Pakawalan mo na rin ang sarili mo. Trahedya lahat nang nangyari sakin at walang may gusto nun. Kaya sundin mo ang puso mo hunter" lalapitan ko sana siya pero unting unting nawawala siya.

"Sundin mo ang puso mo hunter "

"Liana? Liana?" Hanggang sa nawala siya.

"Bakit ganun? Di kita maintindihan" napayuko ako saka napaupo sa kama ko.

Si angel di ko alam pero aaminin ko nag alala ako nung nalaman kong nawala siya. Pero nangako ako sa diyos. Nahihirapan ako at di ko alam anong gagawin ko. Alam kong gusto ni liana at ng diyos na sundin ang gusto ko pero sana ganun din ako. Sana~

"Mack may naghahanap po sa inyo" rinig kong sabi ng isa sa mga seminarista din.

"Lalabas na" agad akong lumabas at nakita ko ang isa sa mga pupunta ng roma para basbasan

"Mack Tara na po"

I fell inlove with the seminarian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon