Simula ng nag volunteer ako sa simbahan lagi kong nakakausap si Kuya Mack. Mabait naman siya pero ang lagi naming pinag uusapan ay tungkol sa panginoon pero masaya na ako doon. Napag alaman ko ding 29 na siya. At kung iisipin niyo kong ilang taon na ako. 18 pa ako kaya okay lang diba? Bagay pa din kami ni kuya Mack."Angel magpahinga ka muna" sabi niya sakin pero ngumiti lang ako.
"Matatapos na po ako teka lang" nagpapatuloy ako sa pag lilinis ng tiles. Nakayuko ako habang nagpupunas ng tiles at wala na ang beauty ko. pawis na pawis ako at basang basa na ang likuran ko. Pero para makasama ko siya ginagawa ko to. Para na rin ibigay siya sakin ni lord.
"Angel" napatigil ako ng hinawakan niya ako sa braso saka pinatayo. Ngumiti ako sa kanya saka binitawan ang basahan.
"Bakit po?" Tinignan niya ako sa may kinuha siyang panyo at pinunasan ang mukha ko saka leeg ko.
"Basang basa ka na sa pawis tama na" ngumiti lang ako saka umiling iling.
"Masaya po ako sa ginagawa ko" napayuko siya at parang malungkot siya kaya sinilip ko ang mukha niya. Matangkad siya sakin saka hanggang abaga lang niya talaga ako.
"Okay lang po ba kayo" napatingin siya sakin at di man lang sumagot. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya
"Maglilinis na po ako" di siya sumagot kaya nag patuloy na ako. Kahit sa totoo lang masakit na ang boung katawan ko. Gusto ko ng magpahinga pero sa laki ng simbahan nasa kalahati pa lang ang natapos ko. Sinulyupan ko siya at nandun siya sa confession room. Dahil may nagkokompisal, tinignan ko lang muna siya hanggang sa lumabas siya kaya lumapit ako.
"Di ba po dapat pare lang ang papasok dyan? " ngumiti naman siya sakin.
"Maglilinis lang sana ako sa loob pero may pumasok kaya medyo nagkasala ko sa kamaliang yun. Kaya pupunta ako kay father para humingi nang pasensya sa kamalian ko" nakangiti niyang sabi saka siya tumalikod sakin kaya
nagmamdali ako at di na siya nasulyapan hanggang sa di ko na alam kong anong oras na ng nasa huli na ako nasa may pintuan na ako napatingin ako sa labas at madilim na pala. Umaga ako nandito naglinis at gabi na natapos. Tumayo ako pero na out of balance ako. Akala ko mahuhulog ako pero mali.
Nasalo ako ni kuya. Napatitig ako sa mukha niya at ganun din siya.
"Sabi ko naman sayo tama na ang basa ng damit mo" yun lang sabi niya saka ako pinatayo ng maayos.
"Halika" pinasunod niya ako sa kanya napahawak naman ako sa sarili ko at tama siya. Basang basa ako parang nagpaulan dahil sa pawis saka yung buhok ko sabog na sabog pero feel ko gumanda ako lalo.
Nakarating kami sa isang kwarto
"Pasok ka" pinapasok niya ako at may nakita akong maliit na kama saka maliit na kabinet. May ilaw tapos may maliit na mesa at isang upuan lang. Yun lang ang laman sa loob. Sa mesa niya may krus ng panginoon na nakatayo saka bulaklak saka bibliya.
"Soutin mo muna to" napatingin ako sa ibinigay niya isang white t shirt niya. Umiling iling ako
"Uuwi na rin naman po ako kaya wag na po" huminga siya ng malalim
"Sige na" sabi niya at iniwan ako sa loob saka siya lumabas. Wala akong magawa kundi ang mag palit ng damit. At the same time napangiti ako dahil damit niya ang susuotin ko. Ng matapos akong magbihis lumabas na ako. At nakita ko siyang nakasandal ng makita niya ako ngumiti siya.
"Bagay pala sayo ang mga damit ko para ka ng angel" ngumiti ako
"Lalabhan ko nalang po to saka ibabalik ko po"
"Wag na saiyo na yan" lumapit siya sakin saka kinuha ang damit ko.
"Teka kuya"
"Ako na maglaba nito" kukunin ko sana ulit ng inilayo niya sakin.
"Nakakahiya po. Damit ko naman po yan kaya ako na po" umiling iling siya.
"Umuwi ka na gabi na" tumango ako saka nag bow sa kanya.
"Uuwi na po ako saka magandang gabi po" ngumiti siya saka pinat ang buhok ko.
"Mag ingat sa daan" tumango ako saka umalis na. Ng makalabas ng simbahan pagod na pagod ako. Di ako makalakad ng maayos pero naglalakad akong half eye lang ang nakabukas ng mata ko. Pagod na talaga ako gusto ko ng matulog. Ang hirap mag panggap na okay ka. Pero para sa kanya tong ginagawa ko. Sakripisyo ko para matupad at dinggin ako ni lord.
Pero habang naglalakad ako napatigil ako dahil may nakita akong limang aninong sumusunod sakin. Umayos ako saka naglakad ulit. Pero half run na. Nagtatawanan sila kaya natatakot na ako. Ang layo pa ng bahay namin.
"Miss beautiful napadpad ka yata sa hardin ni eba at adan" tapos ng tawanan sila. Mas binilisan ko ang paglakad ko ng may pumigil sakin at hinawakan ang braso ko. Napapikit ako at naghintay sa anong kahalayan nilang gagawin pero wala.
"Tara na" ng marinig ko ang boses niya. Napadilat ako si kuya mack. Naka hood ng puti ibang iba siya ngayun. Agad niya akong hinigit hanggang sa wala na yung mga taong gusto akong pagsamantalahan.
"Buti po dumating kayo. Salamat po talaga" hinagod hagod niya lang ang likuran ko saka kami nagpatuloy sa paglalakad na tahimik ng tumigil siya at hinarap ako sa kanya.
"Bakit po?" Huminga siya ng malalim saka hinawakan ang dalawa kong kamay at hinalikan niya kaya nagulat ako saka siya lumuhod sa harap ko.
"Tumayo ka kuya Mack" napatingin ako paligid at buti nalang walang taong dumadaan.
"Angel tama na please" nagulat ako sa sinabi niya tapos umiiyak pa siya.
"Kuya? "
"Alam ko kung bakit ka nagtitiis sa simbahan pero isa lang talaga ang maisasagot ko sayo di ko kayang iwan ang simbahan angel para sayo"
di ko kayang iwan ang simbahan angel para sayo
di ko kayang iwan ang simbahan angel para sayo
di ko kayang iwan ang simbahan angel para sayo
di ko kayang iwan ang simbahan angel para sayo
di ko kayang iwan ang simbahan angel para sayo
di ko kayang iwan ang simbahan angel para sayo
di ko kayang iwan ang simbahan angel para sayo
di ko kayang iwan ang simbahan angel para sayo
di ko kayang iwan ang simbahan angel para sayo
di ko kayang iwan ang simbahan angel para sayo
Paulit ulit ko itong naririnig na para bang pati ang panginoon payag sa gusto niya.
"Po?" Yun nalang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
I fell inlove with the seminarian (18+)
General Fiction[COMPLETED] Forgive us for all our sins.