Nangyari ito sa province namin. Way back 2013 sa isang lumang hospital dito sa province ng Isabela. One year palang ata mula ng mag-exit ako galing Riyadh.
Medyo sakitin kasi ang pamangkin kong si Amber na isang taong gulang palang nuon. Di ko na masyadong maalala kung anong reason o sakit nya bakit kailangan syang i-confine.
Konting background lang sa hospital. Yung hospital po nayun ay naipatayo na di pa man daw ako ipinanganganak. Eh 33 years old na ako. Ang kuwento sa akin ng mga parents ko marami naraw namatay sa hospital nayun nuong bago-bago palang itong pinatayo dahil narin sa kakulangan ng facilities.
Ilang pamilya at generation narin na nagpasalin salin ang hospital nayun. Kumbaga paiba-iba ang nag mamay-ari ng naturang hospital. Dahil bigla nalang itong ibinebenta.
Yung building luma na talaga, pero matibay parin medyo may mga binago na ngalang gaya ng paglalagay ng emergency room na dati ay wala. Bago na kasi ang may-ari at my mga branch sila sa lahat ng municipality ng Isabela.
So heto na nga, na confine yung pamangkin ko. Pero dahil ka pyestahan nuon at my business kasi kami sa peryahan that time. Kaya palitan kami ng pagbabantay sa hospital.
Ako ang naka toka at yung kapatid kong babae na nanay ng pamangkin ko ang nagbabantay ng gabing yun. Nung time nayun eh changed smoker ako.
Bandang alas dose ata ng gabi ng maisipan kong mag yosi. Since, nasa second floor ang room ng pamangkin ko kailangan ko pang bumaba sa first floor para makalabas ng hospital para mag yosi.
So habang naglalakad ako sa pasilyo ng hospital para hanapin yung hagdanan pababa. Napansin ko na napakadilim ng paligid. Kaya nasabi ko nalang na kuripot ang may ari ng hospital na ito.
So lakad ako. Nang matanaw ko na ang hagdanan bigla nalang akong nakarinig ng mga yabag ng tsinelas. Pero diko yun pinansin. Pero kinilabutan talaga ako kaya binilisan ko ang paglalakad.
Sa wakas nakita ko din ang hagdanan. Nung nasa isang hakbang nalang ako sa hagdanan para makababa ng tuluyan. Napansin ko na madilim din ang hallway ng hospital.
Maglalakad na sana ako papunta sa main door ng hospital ng mapansin ko ang isang babaing naka puti at naka upo sa my information desk ng hospital.
Nung una diko pinansin. Pero bago ako lumakad palapit sa kina roonan nung babaing nakaputi. Napansin kong mukang sarado yung main door na salamin. At kita ko sa labas na wala si manong guard sa kanyang pwesto.
Sa diko sinasadya muli kong tinignan yung babae sa information na katabi ng main door ng hospital yung desk. Bigla syang lumingon sakin at ngumiti.
Nakaramdam na ako ng takot ng mga oras nayun. Diko alam kung ano ang aking gagawin. Kung tatakbo pa ako pabalik ng hagdanan. Pero di ko maigalaw ang aking mga paa. Na para bang nakapako ito sa semento.
Tapos bigla syang tumayo at mukang lalapit sya sakin. Gusto ko ng sumigaw ng oras nayun dahil sa takot. Pero naisip ko kung sisigaw ako baka ma-eskandalo ako at kung ano pa ang isipin nila tungkol sakin.
Maniniwala ba sila kung sasabihin kong kaya ako sumigaw dahil nakakita ako ng multo? Syempre hindi. Baka pagtawanan nalang nila ako.
Wala akong nagawa ng mga time na yun kaya't hinintay ko nalang ang unti-unti nyang paglapit sa kinatataayuan ko. Pinagpapawisan na ako nuon sa nerbyos.
Dyusko tulungan nyo po ako. Ang nasabi ko nalang sa isip ko. Nakapikit na ako nuon. Ng biglang may humawak sa kamay kong naginginig.
Tapos narinig ko syang nagsabi. "Nanginginig ka. May problema ka ba?" tanong nito sakin. Kahit takot ako nagsalita narin ako habang nakapikit sabi ko lalabas lang sana ako para mag yosi. Tapos narinig ko syang tumawa. Sabay sabing.
"Ah ganun ba. Naka lock kasi ang main door pag ganitong oras. Bubuksan lang yan kung may lalabas. Paki hintay nalang si manong guard at nag banyo lang saglit."
Nang marinig ko ang huling mga sinabi nya iminulat ko na ang aking mata at nagulat ako ng may isang lalaking nagsalita mula sa likuran ko. "Lalabas po ba kayo sir? Saglit lang po at bubuksan ko lang."
Dun ko lang napansin na yung babaing lumapit sakin at kaya pala sya nakapandamit ng kulay puti ay Nurse pala sya sa hospital nayun. Akala ko multo di naman pala.
Naikuwento ko ito sa kapatid ko at sinabihan nya akong. "Yan kakapanood mo ng horror kaya kahit Nurse napag kakamalan mong white lady."
BINABASA MO ANG
GABI NG LAGIM COMPILATION
HorrorGABI NG LAGIM COMPILATION AUTHOR'S NOTE Bago po ang lahat sana huwag po tayong makalimot na magdasal sa ating Lumikha. Dahil sa lahat po ng nangyayari sa ating buhay, sya l...