CHAPTER SIX LINLANG

25 1 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


This story is dedicated to @JulietCarbonell

Sorry guys kung ngayon lang uli ako naka pag update. Busy kasi eh. Tapos yung laptop nasira kaya hirap mag type sa cp. Hope you like this new story.

This story ay kuwento ng tita ko. My step mother in short. Nasa Riyadh pa ako nuon nung mangyari ito.

Tuwing sasapit kasi ang September hangang March ng sunod na taon dumadayo sila sa ibat ibang bayan at barangay para maki pyesta dahil nag titinda sila.

Taon taon ganun ang kanilang ginagawa at nakaga wian na nilang umuuwi ng madaling araw o halos mag umaga na bago maka uwi ng bahay.

Way back 2010. Nagbago ang lahat dahil sa nakakakilabot na pangyayari.

So heto na ang kuwento ng tita ko.

Buwan ng October. Madaling araw sakay sila ng tricycle na madalas nilang arkilahin. Tatlo lang sila sa tricycle ng gabing yun pauwi ng bahay.

Dumayo sila sa kabilang bayan ng mga buwan nayun. Kasama ng step mother ko yung kapatid nya.

Umuulan ng gabing iyon. Kaya na pag desisyunan ng driver na dumaan uli sa short cut na madalas nilang daanan para iwas disgrasya.

Kasi pag umuulan nakakatakot dumaan sa national high way. Dahil madulas ang kalsada at madaming na didisgrasya na nauuwi sa pagkasawi ng mga driver.

Hayun na, tinahak nila ang mabukid at madilim na bukid ng gabing iyon. Kahit na maputik dahil sa malakas na buhos ng ulan ay maayos naman ang takbo ng tricycle.

Nadaanan nila ng gabing iyon ang isang bahay na may lamay ng patay. Dahil umuulan walang gaanong tao sa bahay na iyon.

Ngunit laking gulat nila ng hindi pa man sila nakakalayo mula sa bahay na dinaanan nila. Biglang umalog yung tricycle na akala mo may malakas na pwersang bumuhat sa likod ng tricycle saka ibinagsak na walang kaabog abog.

Hininto kaagad ng driver yung tricycle at sinilip kung may humbs ba silang nadaanan.

Ngunit nagtaka sila kasi maayos naman ang kalsada ng gabing iyon.

Dun na raw nakaramdam ng kilabot at panginginig ang tita ko. Kaya dali dali silang bumalik ng sasakyan at umalis.

Pero nakapagtataka daw ng gabing iyon dahil madalas naman nilang daanan ang bukid pero tila hindi nila mahanap yung labasan papuntang poblacion.

Umabot daw sila ng isang oras ikot lang sila ng ikot. At napansin nila ang isang malaking bahay sa gilid ng malawak na bukid na nag iisa lamamg.

Napakadilim at sinasabayan pa ng kulog at kidlat. Sabi ng kapatid ng tita ko. "Ate kanina pa tayo pabalik balik oh. Yan yung bahay na kanina ko pa nakikita."

Pero kahit madilim na ang bahay at wala ng ilaw. Sinubukan ng tita ko na bumaba ng tricycle at magtanong sa may ari ng bahay.

Bumukas yung ilaw ng bahay sa my garahe at may lumabas na isang lalaking di naman katandaan.

"Kuya pwede po magtanong?" Si tita

"Naku ate kanina ko pa kayo nakikitang dumadaan dito. Nakatatlong ikot na kayo."

"Oo nga eh naliligaw ata kami?"

"Hindi kayo naliligaw te, inililigaw kayo ng kasama nyo kanina pa" sagot naman nung lalaking may ari ng bahay.

"Kasama? Eh tatlo lang kami"

"Huwag mo ng tanungin te. Baligtarin nyo nalang ang damit nyo para makauwi na kayo."

Nang matapos nilang mag usap. Sinabi ni tita sa kapatid nya at sa driver na baligtarin ang kanilang mga damit.

At ginawa nga nila. At nagulat sila sa nakita. Yung kinatatayuan nung bahay eh nasa mismong bungad pala ng labasan papuntang poblacion.

Dahil sa takot na iyak nalang daw si tita. At dali dali nilang nilisan ang lugar na iyon.

Mula nuon hindi na nila ginagamit ang kalsadang iyon para lang maka short cut.

Kinikilabutan parin ako pag naaalala ko ito.

A/N: Sorry kung di nakakatakot. Share ko lang experience ng tita ko. Paki play nalang po yung multi media. Thanks. Di ko po alam kung kelan uli ako makaka pag update. Bawi nalang ako sa susunod. Thanks sa mga bumoto at nag share ng stories ko.

GABI NG LAGIM COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon